Chapter 33

68 6 1
                                    

Pinipigilan kong huwag humikbi, pagkarinig ko nang boses niya. God! I miss him so much. Sa isang salita niya lang ay parang nawala na kaagad ang sakit na naidulot niya sa akin.

Boses niya pa lang nanghihina na ako paano pa kaya kapag nakita ko siya? Baka bigla ko na lang siyang dambahin ng mahigpit na yakap.

"Talk to me please. I miss you so damn much."

Me too, Dash. Pinunasan ako ang mga namumuong luha sa mga mata ko. I needed to be strong. I don't want to be weak. Kaya ko at haharapin ko ito.

I cleared my throat bago magsalita para hindi halatang kinakabahan.

"What do you want? Ikakasal kana diba? Bakit ka pa tumawag?"
Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya.

"Let me explain first, babe. Please huwag mong ibaba ang tawag."
Mahahalatang disperado ang tono ng boses nito.

Eto na ang hinihintay ko, ang explanation niya.

"Then explain it. Hurry up!"

Nilingon ko si bebs Nali sa loob ng kwarto at nanonood ito ng T.V. Napalingon ito sa akin kaya sinenyasan ko itong nilalamig ako at mahinang sinabi na kailangan ko nang jacket. Kaagad naman niyang naintindihan kaya kumuha siya ng jacket at iniabot sa akin.

Napatingin ako sa wrist watch ko at alas nuebe na nang gabi. Pagkatapos iabot sa akin ang jacket ay sinuot ko na ito at naupo ulit sa may upuan.

"I'm so sorry kung hindi kita  pinansin noong hinatid ka namin. Its just that I don't have enough courage to face your dad after what happened to you.  Alam kong galit siya sa akin. Tama nga si Daddy, wala akong kwenta. I'm fucking asshole and coward!"
Napatakip ako sa bibig ng marinig ko siyang humihikbi. Oh God! Umiiyak siya. "And about the wedding and engagement, wala akong alam doon! Si Daddy lahat ang may gawa non. Kaya babe, kung ano man ang nalaman mo or nakita mo hindi ko iyon ginusto. Iisang babae lang ang mamahalin at gugustuhin kong pakasalan. Ikaw 'yon babe. Believe me, I am freaking damn madly in love with you, only you."

Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko at nagsimula itong magpatakan. Nararamdaman ko ang pagod nito habang nagsasalita.

His words echoes in my mind. He admitted it. He loves me! He really does.

"M-mahal mo ako pero ikakasal kana sa iba. Mahal mo ako pero hindi ako ang makakasama mo sa altar. Huwag mo nang dagdagan pa ang sakit, Dash! Baka hindi ko na k-kayanin pa."
Sambit ko sa kabila nang pagkakahikbi.

"I know you love me. Ako ang aayos nito babe. Just please don't push me away. All I want is your trust. Babe, please."

"Yes! M-mahal kita pero pilit naman tayong ipinaglalayo ng tadhana. Ang mga pamilya natin, parehong magkagalit sa isa't-isa."
Pag-aamin ko sa kaniya.

Napahawak ako sa noo ko at minasahe ito. Sumasakit ang ulo ko sa mga problema naming dalawa.

"You don't know how much happy I am knowing that you love me. Mas tumindi ang rason ko na ipaglaban ka sa mga magulang natin kahit ikamatay ko pa."

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa huling sinabi nito. Hindi ko iyon nagustuhan.

"Hoy! Anong ikamatay ang sinasabi mo diyan? Gusto mo ako na lang papatay sayo? Halika rito at magilitan kita sa leeg!"
Mas lalong uminit ang ulo ko nang marinig ko itong tumatawa. Wala namang nakakatawa sa sinasabi ko ah.

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon