Chapter 15

128 11 15
                                    


Naitulak ko bigla ang dibdib ni Dash ng maiproseso na ng utak ko ang ginawa niya.

"W-why did you do that?"
He smirked.

"Because you're cute."
That's all?

"Ang bastos mo! 'wag mong uulitin yon ah."
Uminom ito ng juice and attractively lick his lips. Napalunok ako at napaiwas ng tingin sa kanya.

Inaakit ba ako nang lalaking to? Napailing ako. I should always remember myself na huwag magpapadala sa tukso. Nanliligaw pa lang siya sa akin. Baka dumating ang panahon kung saan nagugustuhan ko na siya tapos iiwan niya lang pala ako.

Napatingin ako sa cellphone ko nang magring ito. Tumatawag pala si mama kaya kagad ko naman itong sinagot.

"Hello ma?"
Pagbati ko kay mama.

"Hello anak, kamusta ka na diyan? Sa susunod na linggo pa kami makakauwi ni papa mo. Namimiss ka na namin."
May bahid na lungkot ang boses nito.

"Namimiss ko na rin po kayo. Busy po kayo palagi diyan sa Iloilo eh."
Napaayos ako ng upo dahil biglang tumingin sa akin si Dash. Inirapan ko siya.

"Kailangan kasi anak. Kasama mo ba diyan si Nali sa bahay?"
Tanong nito.

Baka magali sila kapag nalaman nilang nandito ako sa bahay ni Dash pero ayaw ko naman magsinungaling sa kanila. Napabuntong hininga ako.

"Wala po ako sa bahay ma. Nandito kami ni Nali sa bahay ni Dash."
Pagsasabi ko ng totoo.

"Ano? Bakit kayo nandyan Amy! Ibigay mo ang cellphone sa kanya at kakausapin ko ang lalaking iyan."
Napapikit ako dahil sa sigaw ni papa. Inagaw niya pala kay mama ang cellphone.

Binigay ko naman ang cellphone kay Dash. Nagtataka pa itong tumingin sa akin.

"Si papa kakausapin ka daw."
Tinanggap niya ang cellphone at kinausap niya si papa.

Tatlong minuto ang tinagal ng pag-
uusap nila. Nagtataka na ako kung ano ang pinaguusapan nila. Tumayo kasi si Dash at lumayo. Hindi nagtagal ay lumapit na ito sa akin.

"Yes sir. I will."
Binigay na nito ang cellphone ko. Nakapatay na ang tawag. Binalingan ko siya upang magtanong.

"Anong pinagusapan niyo?"
Tanong ko.

"He said. I shouldn't leave you alone in your house."
Sabi nito at kumain ng carbonara.

Wala na sila Nate dito dahil hinatid nila si Stalein may emergency daw kasi. Hindi na silang tatlo nakapagpaalam ng maayos sa akin dahil kausap ko si papa kanina.

So kami na lang ang natira dito sa tapat ng falls sa likod ng bahay ni Dash. Matapos kami kumain ay pumasok na kami sa bahay. Hinugasan ko na ang mga pinagkainan naming lima.

Habang naghuhugas ako nang pinggan ay biglang may kumalabog sa likod ng bahay. Tinapos ko muna ang hugasan at hinanap ng mata ko si Dash pero hindi ko mahagilap.

Sa pagkakataong ito sa front door ay may pumipilit na buksan ito dahil nakalock na kasi ang pintuan. Nilukob ng kaba ang aking dibdib.

Sabay naman kaming pumasok ni Dash dito sa bahay. Hindi ko naman napansin na lumabas siya. May pumipilit parin talagang pumasok dito sa loob. Hindi na maganda ang pakiramdam ko.

"Sino yan?"
Walang sumagot sa tanong ko. Huminto ito sa pagpupumilit na buksan ang pintuan. Kumatok naman ito ng pagkalakas-lakas.

Dahil sa gulat at kaba ay nagmadali akong pumasok sa kwarto ni Dash. Nakita ko naman na nakahiga sa kama si Dash at nakapatong ang braso sa may mata nito.

Lumapit ako sa kanya.

"D-dash may gustong pumasok sa b-bahay."
Nauutal ako dahil sa nerbyos.

Pagkarinig nito sa sinabi ko ay napaupo ito sa kama. Tumayo siya at may kinuha sa ilalim ng kanyang kama. Isang baril.

Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kanya. Lalabas siya? Pero hindi pa magaling ang sugat niya. Paano kung labanan siya ng mga nasa labas?

"Stay here. If I can't comeback in 3 minutes call Nate. Tell him to send the Glauters here."
Napahawak ako sa braso nito para pigilan sa binabalak.

"Hindi pa magaling ang braso mo Dash. Huwag ka nang lumabas."
Umiling ito sa akin.

"Just do what I say and I can handle myself. Pack my things I'm gonna sleep in your house."
Kinuha niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya at pinisil ito.

Lumabas na ito ng kwarto. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog nito dahil sa pag-aalala.

Palagi na lang niya pinaparamdam sa akin ang pag-alala. Nakakainis na siya!

Tatlong minuto na at hindi pa siya nakakabalik. Nakaready na rin ang mga gamit niya. I called Nate's number at sinagot naman ito.

"Yes bro?"
Pagbati nito.

"Nate si Amy ito. Dash needs the glauters right now."
Napaupo ako sa kama pagkatapos kong sabihin iyon.

"Something bad happened again? Hintayin mo kami Amy don't worry."
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga.

"Thank you, bye."

"Bye."
Pinatay ko na ang tawag.

Napakagat ako nang labi. Hindi talaga ako mapakali at nanlalamig ang mga kamay ko.

Napatayo ako when I heard gun shots outside. Please don't get hurt Dash. Napatingin ako sa wall clock dito sa kwarto. Alas sais na pala.

May narinig akong naglalakad sa labas ng kwarto and I hope it's Dash. Lumakad ako papalapit sa pintuan para buksan ito at tingnan.

Pinihit ko ang doorknob at bumukas na ang pintuan. Para akong binuhusan ng isang baldeng puno ng yelo dahil sa nakita.

Hindi si Dasha ang nasa labas kung hindi ay isang armadong lalaki na may itim na mask. Isinarado ko ang pintuan pero inipit nito ang kanyang baril para hindi tuluyang masarado.

Tinulak nito ang pintuan. Dahil sa hindi ako kalakasan ay napasalampak ako sa sahig.

N-no!

"Akala mo makakaya mo ako."
Sabi pa nito at humalakhak.

"Don't kill me p-please."
Tanging nasambit ko.

Hinila nito ang buhok ko at may panyong itinakip sa ilong ko na naging resulta ng pagkahilo ko.

Ang paningin ko ay tila umiikot. Binitawan ng nakamask ang buhok ko. Mas lalong nahihilo ako dahil doon.

Gusto kong sumigaw at humingi nang tulong pero dahil sa panghihina ay hindi ko magawa. Pinipilit kong gumapang pero may sumipa sa tagiliran ko at napangiwi naman ako sa sakit.

May naririnig ako tumatawa. Gusto nang pumikit ng mga mata ko dahil tinutubuan ako ng antok.

And just a minute. Bago ako tuluyang mawalan ng ulirat ay may naramdaman naman akong natumba sa sahig. May naririnig akong boses pero hindi ko na ito maintindihan pa.

All I know is that I'm already safe and everything went black.





------------------------

Hi guys!

Highly appreciated ang vote, share and comments guys.🥺 I'll try my best to update despite of many school works.🙏😔

@PiggyBank19

The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon