I woke up with a bit of pain in my head. Bumangon ako at napaupo sa kama kaya naramdaman ko ang sakit sa tagiliran ko.
I scan the room at nandito pala ako sa kwarto ko. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo nahihilo pa ako.
I looked at the wall clock and it's eight in the morning. Inaalala ko ang nangyari kahapon. I was literally scared. Bumabalik na naman ang takot ko.
Napabaling ang atensiyon ko sa may pintuan ng bumukas ito at iniluwa si mama na ikinagulat ko.
"M-ma? Paanong nandito kayo?"
Nagtatakang tanong ko kay mama. Lumapit naman ito sa akin at umupo sa kama."Kaninang mga alas tres lang kami ng umaga nakarating anak. Tinawagan kasi kami ni Nali dahil sa nangyari."
Napayuko ako dahil gusto nang kumawala nang mga luha ko."Ma, ano po bang kailangan nila sa akin? Why are they after my life?"
Napahikbi na ako.Kinuha niya ang suklay ko sa drawer at sinuklayan ako.
"Ito na siguro ang tamang oras para malaman mo ang lahat. Maligo ka muna hihintayin ka namin ng papa mo sa sala."
Tumayo na si mama pagkatapos akong suklayan.Eagerness filled within me. Kaya naligo na ako at nagbihis. I looked at myself in the mirror. This is the day that I can finally know who really I am.
Lumabas na ako ng kwarto at tumungo sa sala kung saan naghihintay sila mama at papa. Nandoon rin sila Nali, Nate at Dash.
Nang makalapit ako ay may bakante pang upuan sa tabi ni Dash kay doon ako umupo.
"So let's start."
I said. Tumango sa akin si mama."Unang-una sa lahat anak. Sana huwag kang magalit sa amin ng papa mo dahil ginawa lang namin ito para sa kaligtasan mo."
Napatango ako sa sunabi ni mama.I know na kailangan kong intindihin lahat kahit alam kong masakit.
"K-kilala namin ng papa mo ang mga magulang mo anak. Noong iniwan ka sa amin ng mama mo ay ay binalikan ka niya pagkalimang araw. Akala namin ay kukunin ka na nila pero humingi sila ng pabor sa amin ng pala mo na alagaan ka at ibahin ang apilyedo mo."
Huminto muna si mama at bumuntong hininga."Ginawa nila iyon dahil para daw sa kaligtasan mo. Ang mga magulang mo ay isang pinakamayamang negosyante dito sa Pilipinas. Maraming kalaban sa negosyo ang mga magulang mo. Kaya noong malaman nila na buntis ang mama mo ay marami nang tumatangka sa buhay niyo."
Pagpapatuloy ni papa sa paghinto ni mama. Sa huling sinabi ni papa ay nakatingin ito kay Dash.Bakit? Anong meron kay Dash?
Sila Nali at Nate naman ay tahimik lang na nakikinig."Noong araw kung saan kumatok ang mama mo dito sa bahay ay may humahabol raw sa inyo at gusto kang patayin dahil isa ka raw na tagapagmana. Hindi namin sinabi sa iyo kaagad ay dahil baka hanapin mo sila bigla at matunton ka nang mga humahabol sa inyo."
Pagkatapos sabihin ni papa iyon ay niyakap niya si mama.After knowing that, I don't know what to say. Ako? Magiging tagapagmana? Nakakagulat.
May gusto pa akong malaman kila mama."Ma,Pa. Gusto ko pong malaman ang p-pangalan nila."
Tumango si mama."Ang pangalan nila ay Amelia Remoldo Bautista at Antonio Valem Bautista. And your real name should be Amy Keen Remoldo Bautista."
I'm speechless. I don't know what to react.
BINABASA MO ANG
The Ex-Convict's Love (Dash Ravein Flauter) [On-Hold]
Storie d'amoreLove Series #1 This story is all about how an ex-convict guy accidentally fell in love with an unexpected heiress, not knowing that she's the daughter of his dad's business rival. He swear to take all the risks just to protect her. Would they live...