TWENTY FOUR

61 5 1
                                    


TIN'S POV

"Guys, gusto kong mag outing tayo! yung tayong anim lang."

nandto kami sa likod ng school kase wala yung prof namin. eto namang si chelsey, kanina pa sinasabi na gusto nya daw mag outing kami.

"Oo na sige. san ba gusto mo?"
tanong ko sakanya.

"Hmm, beach?"

"beach nanaman?" tanong ni darren.

"Pwede ba wag ka muna mangulit ngayon?"

nag "awwww LQ silaa" naman kami. haha

taray talaga nitong si chelsey. tarayan ba naman si darren? haha!

"Alam mo chelsey, wag naman beach. kasi diba nung last outing natin nag beach tayo? kaya sa iba nalang."
pag ieexplain ko sakanya.

maalburuto kasi yang si chelsey haha.

"Hmp, sige na nga."

naglakad na kami papuntang classroom ulit. baka kasi nandun na si prof.

habang naglalakad kami nakasulubong namin sila claire. kailangan ba talaga namin makita to?

"JK! pwede mo ba akong samahan sa lab? may naiwan kasi ako e."
sabi nya habang papalapit samin.

"Kailangan pang magpasama kay JK e kasama naman nya yung mga alipores nya." rinig kong bulong ni nads.

kahit sila naiinis na kila claire e. bwiset naman kasi talaga, kailangan lantaran yung landian?

"Uh, kasama ko si tin."

tiningnan kami nila darren at parang naghihintay ng sagot ko.

binigay ko sakanya yung pinaka sweet kong ngiti para maasar sya.

"Hindi mo ba nakikita, kasama yung GIRLFRIEND diba?"

tiningnan nya ako ng shock expression. minsan lang kasi ako sumagot ng ganon, kaya magugulat ka talaga.

she rolled her eyes at tiningnan ulit si JK.

"Sige JK, nextime nalang. pag hindi mo na kasama yang girlfriend mo."

tiningnan nya ako at ngumiti sya kay JK.

bago sila makaalis muntik ng madapa si claire kung hindi lang sya nasalo ni caitlyn.

nakita ko kasi na hinarangan ni chelsey yung paa nya bago makadaan si claire.

"Ay sorry. hindi kasi kita nakita e."

may pa sad face pang effect tong si chelsey. haha!

"Ugh! bwiset!"

tumakbo ng mabilis si claire at sinundan sya ng mga alipores nya.

"We won!!" sigaw ni chelsey.

"Hahaha! loka ka tlga! pano pag natuluyan yon?"

"Inaway nila tayo e. sorry nalang sila."

pumunta na kami ng tuluyan sa classroom.

pag upo namin, nag uusap usap na agad sila. si nads at chelsey ang ingay. buti wala pa yung prof. si JK at darren naman naguusap.

bago kasi ang seating arrangement namin. at swerte ako katabi ko si JK. so parang ganto.

JK| ako | karl | ibang girl
darren| chelsey| kenneth | nads

ang awkward nga lng. :/

tinitigan ko si JK. ang swerte ko talaga. matangkad, gwapo, sweet, caring. na sakanya na yata lahat e. hindi ko tuloy maisip na hindi ko sya kasama kapag mag cocollege na kami. sya kasi yung parang half bestfriend half boyfriend. yung kahit anong trip mo kasama mo parin sya. yung ipaparamdam sayo na mahal ka talaga, wala ng iba. yung parang kayong dalawa lang sa mundo. nung una ko syang nakilala nag slow-mo talaga yung paligid ko e. yung malabo lahat tapos sya lang yung malinaw sa mata mo. yung kapag titingnan ka nya sa mga mata mo parang laging nakakatunaw.

naputol yung pag dadaydream ko ng may bumulong sakin.

"Babe, alam kong hot ako, hindi mo kailangan tumitig."

walanjo -.- hindi ko alam ganun na pala ako katagal nakatingin sakanya.

tiningnan ko sya ng masama.

"wag ka ngang feeler."

sakto biglang dumating na si prof. ang tagal yata ng mga prof namin ngayon?

"Goodafternoon class. may kailangan akong iannounce sainyo. napagusapan ng mga teachers at principal na, tatanggalin nalang natin ang clubs. dahil hindi natin kayang ipagsabay ang club at school day. dahil next week na ang school day natin. so be ready about that. hindi na ako magtatagal dito. magsusulat nalang ako ng notes at aalis narin ako."

nagsimula na syang mag sulat at kinopya na namin lahat yon.

siguro magiging masaya ang school day namin. pag 'school day' kasi dito parang one week na nasa perya kami. haha! puro stalls, mga games at mga pagkain. parang tinawag din nilang 'northvale high day'. ewan ko kung bakit may gantong celebration dito sa school na to. haha!

natapos din kaming mag sulat ng notes at umalis na si prof.

tumayo ako para pumunta ng cr pero may yumakap sa likod ko. may mga "AWWW" at "YIIIEEE" akong narinig. mga loka lokang kaklase ko! haha yung ibang babae naman walang pake dahil gusto nila na nasa sitwasyon ko sila. sorry sila :P haha

"San ka pupunta ha?"
bulong nya sakin sa may leeg ko. na nag bigay ng kuryente papunta sa spine ko.

hinarap ko sya. ano nanamang kaartehan to ha? haha

"Sa cr lang po." sabay kurot sa cheeks nya.

"Sama ako."

tinaasan ko sya ng kilay. baliw ba to? sumama ba naman sakin sa cr.

"Sige na."

hinila na nya ako palabas ng room.

nung nasa may cr na kami tinulak nya ako ng mahina sa wall. tiningnan nya ako sa mata. ibang tingin. parang may gusto syang gawin pero hindi nya magawa. parang tinatanong nya ako. alam ko naman kung anong tinutukoy nya. pero maaga pa.

palapit sya ng palapit sakin. hindi ko alam kung anong gagawin ko, nagulat lang ako sa ginagawa nya. minsan talaga nagiging ganyan si JK. hindi nya mapigilan sarili nya. mag kakatulad lang sila nila darren.

akala ko gagawin na nya pero hindi nya tinuloy. nilagay nalang nya yung ulo nya sa may left shoulder ko.

"Sorry, sorry.."

niyakap ko sya.

"Wala kang dapat ika sorry. alam ko yun.."

"ang gago ko talaga.."

"Ssshh. wag mo yan sasabihin. balik na tayo sa room."

bumalik na kami. nakita namin na naglalabasan na yung mga students.

"Uy bes. anong ginawa nyo sa cr ha? tagal nun ha."

lumapit narin sila nads at kenneth.

"baliw ka talaga. may sinabi lang sya."

nginitian ko si JK at ganun din sya.

kinuha nanamin yung bag namin at umalis na sa school.

nag bye lang sila at umalis narin.

nandito na kami sa harap ng bahay.

"Sorry talaga. sorry." hinawakan nya yung kamay ko.

"Okay lang. alam ko yun. hindi lang talaga pa pwede..."

"Sorry kasi parang pinapakita ko sayo na wala akong respeto sayo."
yumuko sya.

"Sabi ko okay lang diba. wag mo na isipin yun. Ha? promise?"
tiningnan nya ako.

"Promise. i love you."

"I love you more. sige na uwi kana. mag papahinga ka pa."

niyakap nya ako at hinalikan nya ako sa buhok.

hinintay ko muna sya makaalis at pumasok narin ako sa loob.

_________________

sorry paiba iba ng age. kasi hindi ko kaya isingit ang isang year dito sa book e. kaya ginawa ko nalang na 17 sila, para debut na.

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon