FIFTY FOUR

35 1 0
                                    

TIN'S POV

"Ano bang maganda sakin? Eto o eto?"

"Mas bagay sayo yung pink e."

Nandito kami ngayon sa mall naghahanap ng pwedeng suotin sa grad. Para silang ewan na nag papanick dito. di alam kung anong bagay sakanila.

"Pero mas bagay sakanya yung isa e!"
Protesta ni nads.

Si chelsey kasi yung nagsusukat tas tinatanong nya kaming dalawa ni nads. naguguluhan sya kasi ako mas bet ko yung isa si nads naman yung isa.

"Ha? Ano ba talaga?!"

Nag kibit balikat ako. "Bagay naman sayo kahit ano."

"Oo nga." Sumangayon naman si nads.

Kanina nag aaway lang kami kung anong mas bagay kay chelsey ngayon, pinapabayaan nanamin sya. Ang gulo ha!

"Hayy, osige na nga. Ako nalang pipili."

Bumalik naman sya sa fitting room at tumayo naman si nads para maghanap.

Sa totoo lang, di ko alam kung anong bibilin kong damit. para kasing masyadong sosyal. Pwede ko naman gamitin yung dati kong damit.

"Ikaw tin? Di ka ba mag hahanap?"

"Ewan ko. pwede ko naman gamitin yung mga damit ko dati."

Pinalo nya ako sa braso.

"Anong gamitin?! Bumili tayo dapat ng bago kasi special to, dahil gagraduate na tayo."

Napaisip ako. sabagay tama sya. eto na yung pinaka hihintay namin na araw dahil sa wakas gagraduate narin kami sa highschool. Napapaisip na tuloy ako kung saan ako mag cocollege. Kung mag dodorm ba ako? or mag s-stay nalang ako dito at dito maghanap ng university or kasama ko parin ba sila nads at chelsey.

Hayy.. Ewan ko.

Naghanap nalang din ako ng damit. Kung may makita akong maganda bibilin ko nalang. Buti pala may nadala akong pera ngayon.

Narinig ko naman lumabas na si chelsey sa fitting room at pumasok naman si nads. May nakuha na agad sya?

Nakakita naman ako ng black na offshoulder. Simple lang sya kaya kinuha ko para sukatin, sana kasya sakin.

"Uy bes, may nakuha ka na? Si nads kasi may nabili na ako din."

"Oo meron na."

"Osige, dito lang kami sa harap ng fitting room. Tas labas ka ha pagkatapos mong sukatin, gusto namin makita."

Sumang ayon naman ako sakanya at pumasok na sa fitting room.

Tinanggal ko na yung damit ko at sinukat na.

Pagkatingin ko sa salamin parang feeling ko ang ganda ganda ko kahit di naman. buti nagkasya saakin.

Lumabas na ako ng fitting room at nakita kong nakatingin na agad sila sakin.

"Ano, okay ba?"

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon