FIFTY FIVE

37 0 0
                                    


"Uy excited na talaga ako sa graduation!"

"Ako rin."

Nandito kasi kami ngayon sa canteen, syempre tambayan yata namin to, puro pagkain e. Hahaha! Wala 'nanaman' kasing klase kami sa science. Pano ang sipag kasi ng teacher namin.

"Ako rin! Yung feeling na college na tayo tapos yung maghihiwalay hiwalay na tayo, ikaw malayo tapos si tin din tapos-- aray ko! Para san yon?!"

"Ikaw naman kasi e, mag kakalayo layo na nga tayo ang saya mo pa!"

"Hindi ako masaya no! Ang ibig sabihin ko kasi, atleast after ng college mag kakasama ulit tayo tapos matatapos na natin yung bestfriends bucketlist!"

Korny man pakinggan samin dahil 4th year na kami, meron parin kaming bucketlist. Alam nyo na, bestfriend goals!

"Hahaha, okay lang yan nads. Masaya lang talaga si chelsey sa graduation natin."

"Nakakainis 'to. Masyado kang mabait no?"

"Kayanga ang bait parin kay JK e. Oy bes, dapat nga galit ka dun e."

"Bat naman kailangan magalit? Lahat naman ng tao nagkakamali."

Tama naman ako diba?

"Haynako! Di ko nga alam kung bakit bestfriend kita e!"

"Hoy grabe ka naman chelsey. Ayaw mo yun may mabait tayong tin. E ikaw kasi hindi mabait! Hahaha"

Inirapan naman sya ni chelsey.

Si chelsey kasi may pagka "girly" e kilala nyo naman ako, di ako girly e. Napag kakamalan nga akong tomboy.
(a/n: parang ako yan guys. Napag kakamalan talaga akong tomboy :) hehez.)

"Oy mabait naman ako."

"Guuuuys!!! Wala daw ulit klase sa susunod na klase natin, may sakit si ma'am valdez. Para lang sa mga 4th year, section polaris thankyou!"

May narinig naman kaming mga "whooo! "Yeesss! Ayos yan!"

Haynako mga kaklase ko talaga, ang tatamad mag klase hahaha.

"Nanaman? Napapadalas na to ah?"

"Di ka na nasanay nads. Sipag ng teacher e." 

So anong gagawin namin dito? Magiingay sa canteen kasama mga 4th year? -_- tsss

"Labas nalang kaya tayo guys."

"San naman tayo?"

"Kahit saan. Mall?"

"Bawal kayang naka uniform kapag pumupunta ng mall."

Isa sa mga rules yan sa school. Pinagbabawalan kaming mag gala kapag nakasuot ng uniform. Sikat kasi tong school namin so, parang ang panget daw tignan.

Hindi ko rin gets kung bakit e.

"Ay shocks! Oo nga pala."

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon