Eto nanaman ako palakad papuntang school. hay. okay lang! go lang!Naalala ko nga pala ilang araw nalang graduation na. grabe ang bilis talaga ng panahon. parang kahapon start palang ng pagiging 4th year namin ngayon malapit na graduation.
Ano na kayang nangyayari dun? ang tagal na namin na di naguusap. wait.. Bat ko nga ba iniisip yun? Haynako erase!
Dumeretso na akong locker at kumuha ng books. kung pwede lang talagang mag ditch ng class gagawin ko! haynako.
Pero syempre ako na mabait na bata, ayokong gawin yun.
"Boo!"
Humarap ako sakanya at inikutan ko ng mata.
"Grabe nagulat ako."
Tunalikod ulit ako at sinarado yung locker ko at sumandal.
"Ano bang meron? Bakit palagi ka yatang wala sa mood?"
"Nako darren, wag mo nga akong kulitin ngayon. Sumbong kita kay chelsey e."
nag sabay na kami maglakad papuntang classroom.
Nang bigla akong may naisip.
"Nga pala.. nasan si chelsey?"
Kumunot yung noo nya na parang may iniisip.
"Ay oo. may sakit daw sya ngayon e, kaya hindi nakapasok."
Nag nod nalang ako at umupo na ako.
•••
"Guuuuuuys! pasabay kumain sainyo!"
Ang ingay naman neto. Papunta lang naman kami nila darren at kenneth sa canteen, tapos etong si nadine kung makatakbo parang ang layo namin.
"Hoy! ang ingay mo naman para namang ang layo namin."
Tapos pinalo ko yung braso nya. Hahaha!
"Aray ko naman! Tingnan mo kenneth inaaway nya ko!"
Tapos tumingin sakin si kenneth pero bago sya makapag salita inunahan ko na sya.
"Ohsige! Subukan mong saktan ako mas sasaktan kita!"
Tapos tinaas ko yung kaliwang kamay ko para suntukin na sya.
Pero syempre hindi ko yun tinuloy hahaha.
"Ano ba ang iingay nyo, bilisan nyo nalang kaya."
Tumingin kami lahat kay darren at sinundan nalang sya.
Umupo kami sa inuupuan namin dati, nung.. nagsasama pa kaming lahat.
"Darren, pabili naman ng burger at fries tapos juice yung drinks. Salamat!"
Sumigaw ako kay darren at tiningan nya ako ng masama.
"Pleeeeease?"
"Oo na sige."
Yes, hahaha!
Naiwan kaming dalawa ni nads dito at nag phophone lang kami.
"Oy tin."
"Hmm?"
"Nasan si chelsey? Bakit wala sya?"
"May sakit daw sabi ni darren."
"Ahh okay."
Dumating na sila darren at kumain na kami.
"Oy guys alam nyo ba yung naririnig na balita?"
"Ang chismosa mo talaga."
Nginitian ko si nads, hahaha!
"Grabe. Naririnig ko lang kasi."
"Ano ba yun?"
"May bago daw na girlfriend si JK?"
Natahimik ako dun at kumain nalang.
"Ano? Bagong girlfriend?"
"Yup."
"Ang alam ko wala syang girlfriend ngayon?"
"Eh yun yung mga naririnig ko e."
Nag kibit balikat sya at kumain ulit.
"Tin?"
Nasamid ako at uminom nalang ng juice.
"Oh?"
"Okay ka lang?"
"Bakit naman hindi?"
Ngumiti nalang ako.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
______________Halluuu :p
BINABASA MO ANG
Lucky (juan karlos fanfic)
FanfictionSi kristina gonzales. isang simpleng babae lng na ang ginagawa ay magaral. simpleng buhay at may malaking pangarap. pero may nakilala syang lalake. gwapo, mayaman at bad boy. magiging maayos ba ang buhay ni tin o gugulo ito? find out in the story!