*after two weeks*"Ma! alis na po ako!"
kinuha ko na yung bag ko at sapatos ko.
"Sige anak ingat ka!"
mabilis akong naglakad papuntang school. ayoko kasing malate.
naging maayos at masaya naman yung debut ko last last week. kahit kinabahan ako atleast naging masaya naman ako.
kinabukasan nung debut ko, umalis na rin agad si papa kasi kailangan pa sya sa trabaho. kahit masakit, hinayaan ko nalang syang umalis. wala naman akong magagawa dun.
pagkapasok ko ng school wala pa masyadong estudyante. kinuha ko muna yung books ko sa locker.
pupunta sana akong library para magbasa pero may narinig akong tawanan.
inisip ko na wag nalang lumapit pero, pasaway ako e. kaya tiningnan ko parin.
nung papalapit ako ng papalapit na rerecognize ko yung boses. lalake at babae.
wait....? si claire yun ah?
nagtago ako para hindi nila ako makita.
nakita ko kausap ni claire si JK. parang may sinasabi sya pero hindi ko maintindihan yung pinaguusapan nila."Sigesige, mamaya nalang." masayang sabi ni JK.
"Sige, see you."
niyakap pa sya ni claire bago umalis.
anong pinaguusapan nila? bakit sila magkausap? anong mamaya?
bago pa ko makita ni JK, tumakbo na ako papuntang cr. pumunta ako sa isang cubicle at sumandal ako.
ano yung narinig ko? mahirap mag assume agad pero may kakaiba akong nararamdaman. naramdaman ko nalang na may tumulong luha sa mata ko. bakit ganto?
pinunasan ko muna yung luha ko bago ako lumabas. dumeretsyo agad ako sa classroom. madami ng dumadating sa students at naririnig ko narin sila nads.
nakatitig lang ako sa board sa harap, ang tagal naman ni sir. gusto ko ng umuwi!
"Uy bes, may problema?"
nagulat ako ng hawakan ni chelsey yung braso ko."H-huh? w-wala."
nagkasalubong yung kilay nya. halata nya yatang may problema nga.
"Magusap tayo mamayang lunch."
bumalik na sya sa upuan nya.at dahil swerte ako ngayong araw, naalala ko katabi ko nga pala sya. great!
Mag act ka nalang na parang wala kang nakita kanina!
nung pagkaupo nya sa tabi ko ngumiti agad sya nung nakita ako at hinalikan yung ulo ko.
ha! galing nya talagang actor.
ngumiti nalang din ako.
"May problema ba tayo?"
tinitigan ko lang sya.
"Babe, okay ka lang?"
this time, naisipan ko ng sumagot.
"H-huh? oo, oo naman. bakit?" fake smile.
"wala naman. parang ang lalim yata ng iniisip mo." dumeretsyo yung tingin nya sa harap.
Oo. gusto ko sanang tanungin kung anong meron kanina pero wala akong lakas.
gusto ko sanang sabihin yan kaso, wag muna.
•••
*lunch*
"Ano bes?! anong gagawin mo ngayon?"
kanina pa nila ako sinisigawan dito kasi daw wala akong ginagawa tungkol dun. kinwento ko na kasi sakanila.
"Bes, hindi ko rin naman alam e. hindi ko alam kung anong yun. mahirap mag assume agad." yumuko ako.
"Bes, alam namin. pero yung ganon? nako, hindi mo ba alam na si claire yon! madami syang pwedeng gawin. ayaw lang namin na masaktan ka."
medyo kumalma na yung boses nila."Basta, pag may naramdaman akong kakaiba sa galaw nya sasabihin ko nalang agad sainyo."
niyakap nila ako at pumunta na kaming canteen.
tumabi ako kay JK na nag tetext.
ugh. these past few days wala nalang syang ginawa kundi mag phone phone phone phone.
nakita kong sinipa ni darren yung paa mya sa ilalim ng table.
"aray! para san yon?"
"Hindi mo man lang kasi naramdaman na dumating na si tin." nag smirk si darren.
tumingin sya sa direksyon ko. nagtama yung paningin namin. pero ako una umiwas agad.
"*sigh* una na ko guys."
tumayo ako at pumunta sa likod ng school. narinig ko na tinatawag nila ako. kumain daw muna ako. pero tuloy tuloy lang akong naglakad.
umupo ako sa bermuda grass.
*sigh* di ko na alam gagawin ko. two weeks na yung nakalipas. two weeks na magkasama nga kami, pero parang ang layo naman namin sa isat isa. ako naka tingin sa malayo, sya naka tingin sa phone nya. ako walang emosyon, sya tumatawa. parang last last week lang ang saya namin kasi eighteen na ako. ang bilis talaga mag bago ng mga pangyayari. pero may magagawa nga ba ako don? wala naman diba?
nag bell na at kailangan ko nanaman magtiis ng ilang oras bago uwian.
•••
finally. nag bell na. tumayo na agad ako at pumunta sa locker ko.
habang naglalagay ako ng books, nakita kong lumapit si claire sakin.
"bantayan mo yang boyfriend mo. baka di mo alam nananakaw na sya ng iba sayo. watch out." bulong nya pagkatapos nag smirk at umalis na.
bwiset sya. kailangan ba talaga ng kontrabida sa buhay mo?! kung pwede ko lang talaga syang suntukin kanina ko pa ginawa.
"Bes, anong sabi sayo nung bruha?"
sinarado ko yung locker ko at sumandal.
"bantayan ko daw si JK. baka daw kinukuha na ng iba."
nakita kong umikot yung mata nilang dalawa.
"Psh. more like "sya" yata yung aagaw. tss. ayoko talaga sya." sabi ni chelsey.
"iknowright. nakakainis! bakit ba hindi nalang sya makuntento kung anong meron sya? hindi yung aagawin pa nya si JK sayo."
huminga ako ng malalim.
"Hayaan nyo na guys. basta kung anong mangyare yun nalang."
inikutan ako ng mata ni chelsey.
"Haynako bes, yan ayoko sayo e. puro nalang "hayaan mo na". so hahayaan mo nalang makuha sya ng iba? iibigay mo talaga sya? bes, hindi laruan si JK."
tiningnan ko sya.
"Alam ko yun. pero hindi ko rin naman kasi alam gagawin ko e. titingnan ko nalang si JK muna."
nag sigh sila at niyakap ako.
"Oh basta ha, kung may kailangan ka katok ka lang sa bahay namin nandyan na agad kami." ngumiti sila.
ngumiti rin ako. "thank you mga bes."
niyakap ko din sila at nag bye na sila sakin. naglakad na ako papuntang bahay.
hindi man lang nya ko hinatid o ano. nag bye lang sya. hay.
________________
OH NO, WHAT HAPPENED!
Hiii guys. sorry natatagalan yung update. patawarin nyo koooo. 😬✌
BINABASA MO ANG
Lucky (juan karlos fanfic)
FanfictionSi kristina gonzales. isang simpleng babae lng na ang ginagawa ay magaral. simpleng buhay at may malaking pangarap. pero may nakilala syang lalake. gwapo, mayaman at bad boy. magiging maayos ba ang buhay ni tin o gugulo ito? find out in the story!