FORTY TWO

26 5 0
                                    

Double update :P
___________

TIN'S POV

Monday monday monday.

Bumaba na ako dahil tapos na ako maligo at bihis narin ako.

"Nak? Di ka kakain."

"Di na po."

Sinarado ko na yung pinto at naglakad na ako papunta sa school. Eto nanaman po tayo.

Lakasan mo lang loob mo tin..

Nakadating naman na ako kaagad sa school ng safe at medyo marami naring students. Dumeretsyo lang ako kaagad sa locker ko at kinuha yung books.

May nag tap ng shoulder ko kaya tinaas ko kaagad yung ulo ko.

"Hi bes. Buti pumasok ka ngayon- wait. Parang may nagiba yata sayo?"

Inikot ikot naman ni chelsey yung kamay ko. Ano bang ginagawa nito?

"Bakit?"

"Parang.. Pumayat ka yata."

Uhm? Ganun ba kabilis yun?

"huh? Ewan ko. Tara na."

"Okay."

Hinila ko na sya papuntang classroom namin. Wala pang masyadong tao kaya hindi naman nakakahiya.

Umupo na ako sa upuan ko.

"Balita ko break na sila?"

"Oh? Sayang. Gusto ko pa naman silang dalawa."

"Akalain mo yun, sila yata yung pinaka sweet na couple dito sa school tapos ngayon break na."

Pinikit ko yung mata ko at yumuko. Kailangan ba talaga nilang pagusapan yun? Kung kelan nandito talaga ako. Hayy..

Dumami na yung students kaya umingay lalo. Naalala ko.. Katabi ko nga pala sya.

Naramdaman ko naman na may umupo sa tabi ko. Sa left at right. So sabay talaga sila dapat?

"Hi tin! Kamusta?"

Tiningnan ko si karl at nag nod ako.

"Okay lang."

Sabi ko sa pinaka mahina kong boses.

"Okay ka lang?"

Wag ngayon karl, please.

Nag nod lang ako sakanya. Di ko kaya magsalita e. Baka pag nagsalita ako pumiyok pa ako, edi halatang umiiyak.

Ngumiti lang din sya at nag nod nalang.

Ang tagal naman ni ma'am. Para makauwi na ko agad.

Biglang may kumatok at binuksan naman ng isa kong kaklase yung pintuan.

"Class, wala daw kayong teachers ngayong morning, so.. free time nalang daw."

Sya si ma'am valencia. Assistant sa pricipal's office, pag may problema o ano man, sya palagi ang nagsasabi.

At magaling, wala kaming morning classes tapos hindi kami pwede umuwi. Anong gagawin ko? Kausapin tong mga katabi ko? Pft.

Naghintay lang ako ng ilang minuto. Si chelsey kausap si darren. Si nads kausap si kenneth. Hayy.. Okay ako lang talaga mag isa dito. Sakit ha.

Tumayo ako at pumunta nalang sa likod ng school. Tahimik dun, kaya makakapag isip isip ako kahit papano.

Hindi naman nila ako napansin sa sobrang ingay sa classroom.

Umupo ako sa may grass.

Sa sobrang tahimik, naiiyak naman ako. Ano bayan. Nawawala yata ako ngayon e.

Tuloy tuloy na umaagos yung luha ko kaya tuloy tuloy ko din pinupunasan.

May naramdaman akong umupo sa tabi ko kaya napataas ako ng ulo.

Nakatingin lang sya sa malayo na parang may iniisip. Ewan ko kung bakit nandito sya. At bakit nga ba nandito rin ako? Dapat hindi ko sya nilalapitan e.

Tatayo na sana ako ng sabihin nya yung pangngalan ko.

"Tin.."

Tiningnan nya ako. At ako naman ngayon ang umiwas ng tingin.

"Sorry."

Sorry? Sorry lang ang sasabihin nya? Wow ha. Okay sana kung nakalimutan lang nya akong sunduin kahapon, pero hindi e. Nakalimutan nya na talaga ako.

Hindi ko pinansin yung sinabi nya at iba nalang sinabi ko.

"Bakit ka nandito? Diba dapat na kay claire ka ngayon?"

"Nagkamali ako.."

"Hayaan mo na.. Nagawa mo na e, hindi mo na mababalik sa dati yun.."

Kinuha nya yung kamay kong nasa lap ko at hinawakan nya. At naging mahina nanaman ako.

"Sana maintindihan mo.."

Tinanggal ko yung kamay ko sa kamay nya.

"Pano ko maiintindihan kung ayaw mong sabihin sakin kung anong dahilan?"

Huminga sya ng malalim at pinikit yung mata nya.

"Gusto ko. Gusto kong sabihin sayo. Kaso baka maguluhan ka lang. Ayoko ng ganun."

Yumuko ako. Okay. Gusto nya yun e.

"Okay. Kung ayaw mong sabihin na sasayo yun.."

Tumingin sya sakin ng nakakunot yung kilay nya.

"Basta ang gusto ko lang.. tapusin na natin.."

__________________

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon