FORTY FIVE

34 5 1
                                    

Warning: medyo madrama 'to. Mag ready kayo. Haha.
_______________

Tiningnan ko sya..

nakatingin na agad sya sakin. Ewan ko kung bakit. binalik ko nalang yung mata ko sa binabasa kong libro.

Pero naramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Okay... no hard feelings.

Tapos dun na nagsimulang magusap sila chelsey at nads para mawala yung awkwardness namin dito sa iisang table.

Naramdaman ko nalang na lumapit sakanya si claire. Kita ko si claire dahil sa peripheral vision ko.

"Babe? bat ka nandito."

naramdaman kong naging uneasy sya.

"Uhh.. Ano kase, sinamahan ko sila darren pumunta dito."

"Ahh. E bakit katabi mo yan?"
Sinabi nya sa "duh" tone nya. Tss

Kung okay lang talaga ako ngayon at hindi mabigat pakiramdam ko susuntukin ko 'to e. Kaka bwisit.

"Uhm? Wala na kasi akong maupuan? Pati ba naman yun claire? Grabe.."

"Tss. Halika na. Sumama ka nalang sakin."

Narinig kong nag sigh sya at tumayo at sumama na kay claire.

Uhm.. Ang awkward naman neto. nung nag uusap kasi silang dalawa nakikinig sila darren tapos ngayon wala na, nakatingin naman sakin. Ano to? Kailangan talagang hintayin reaksyon ko?

"Uh.. Alis muna ako. Bye."

Kinuha ko yung libro ko at tumayo na at yumuko sabay labas ng canteen.

Haayy.. sa wakas.

Dumeretsyo nalang ako ng library. grabe may 40 minutes pa kami.

Umupo nalang ako sa mga upuan sa library. Hindi na ako nagbasa.. Nakakatamad.

***

Lumipas ang ilang oras at uwian narin. Haayy.. makakapag solo na ulit ako.

Nilagay ko muna yung books ko sa locker at naglakad na pauwi.

***

pagkabukas ko ng pinto walang tao. As usual wala naman talaga.

Dumeretsyo ako sa kwarto ko at pagka bukas ko halos sumigaw na ako.

"Shit!"

Tumayo sya dun sa sulok na inuupuan nya. Ano nanaman ang ginagawa nya? Nababaliw ba sya? Papasok nalang sya bigla sa kwarto ko. Haayyynako!

"Bakit ka ba nandito? Pano pag namatay ako sa sobrang gulat dahil makikita ko nalang may tao sa kwarto ko?!"

"Hindi ko kaya yun..."

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi nya at binaba yung bag ko sa may gilid ng kama ko at dumeretsyo sa cr.

Naghilamos lang ako at lumabas ulit.

"Oh? Bat nandito ka parin? may sasabihin ka ba?"

Lumapit sya sakin. As in malapit talaga yung parang gusto nya akong yakapin pero hindi nya magawa.

"Gusto ko lang sana magusap tayo."

tinanggal ko yung i.d. ko at sinabit sa rack.

"Magusap? Akala ko ba tapos na tayo magusap?"

Umupo ako sa sahig at ginaya nya rin ako. So bale, magkaharap kami..

"Yung totoo. Yung sincere. yung maiintindihan mo a-"

Pinutol ko yung sasabihin nya dahil ayokong marinig yun. yun nanaman sasabihin nya. Pwede naman mag short cut. 'Mas gusto ko si claire kesa sayo.' Tapos.

"Maiintindihan kita? Naiintidihan naman kita ah. naiintidihan ko na mas pinili mo sya at gusto mo. Pwede mo naman paikliin, di na kailangan ng explanation." Sinabi ko sakanya ng derederetsyo.

"Hindi ko sya gusto tin."

Tumawa ako ng may scoff.

"Huh? Pwede ba yun? Ahh.. Kasi mahal mo sya."

Sinusubukan kong hindi maiyak pero konti nalang talaga tutulo na luha ko.

"Tin.. Hindi ako nag loloko. Hindi ko sya gusto. at mas lalong hindi ko sya mahal. ginawa ko yun dahil may rason ako."

"Rason? anong rason? Na ayaw mo na talaga sakin kunyare lang na oo?! JK pwede mo naman sakin sabihin ng deretsyo e. Kung ayaw mo na talaga edi okay! May magagawa ba ako dun? yun yung gusto mo e! Pero sana naman hindi mo nalang dinaan sa pag iiwas at hindi ako kakausapin. Sana naman mas maayos para maayos din yung pag hihiwalay natin." Huminga ako ng malalim dahil nawawalan na ako ng hininga sa sobrang pagsasalita ko. Sa puntong ngayon, nakatayo na kami.

"Hindi nga ganun yun! Diba sinabi ko nanaman sayo?! Ayaw lang kitang masaktan! Dahil pag nasaktan ka hindi ko kakayanin yun. Hindi ko kaya na lagi ka nalang nila ginaganun! Ayoko!" Nilagay nya yung kamay nya sa mukha nya. at humihinga sya malalim na paulit ulit.

"Ayaw mo kong masaktan?! E yung ginawa mo nga sapat na yun para masaktan ako e! Ano bang sa tingin mo, na hindi ako nasasaktan nung hindi mo ako kinakausap?! Hindi mo ako pinapansin?! Ni isang reply wala ka?! Tapos pag tatanungin kita ang sasabihin mo lang wag akong magisip?!  Panong hindi ako magiisip kung ganun inaasal mo sakin?! Mahirap JK! Sana alam mo yun."

Huminga ulit ako ng malalim at nilagay yung kamay ko sa mukha ko dahil ayokong nakikita nya akong umiiyak.

Naramdaman kong lumapit sya sakin at niyakap nya ako. Ngayon ko nalang ulit naramdaman yung yakap nya. feeling ko safe ako...

"Sorry.. Sorry.."

Nag stay lang kami ng ilang minuto at kumawala narin ako sa yakap nya.

Kinakalimutan ko na nga, baka bumalik pa.

"Umalis ka na.. Baka may naghihintay pa sayo." Sinabi ko ng pinupunasan yung luha ko.

"Ayoko.. Ayoko umalis."

Lalapit na sana sya pero lumayo ulit ako.

Nakita kong tumingin muna sya sa mata ko at yumuko.

"Umalis ka na."

May sinabi sya pero hindi ko ganun narinig. Ang narinig ko nalang ay ang pag bukas at sara ng balcony ko. Dun yata sya umakyat kanina.

Humiga ako sa kama at nakatulog ako kaagad.

_____________

Di ko alam kung boring na ba tong story ko o ano e. wala ng nag vovote at kung meron ang onti naman. ayoko naman kasing mag publish ng chapter tapos sobrang onti naman ng votes.

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon