FORTY SEVEN

39 3 1
                                    


sabado ngayon at nandito lang ako sa bahay. ang boriiiing nanaman.

Wala si mama kasi may work sya ng sabado, so home alone nanaman po ako.

Pero minsan gusto kong mapagisa at walang kasama pero minsan gusto ko rin naman may kasama at kagulo. di naman ako ganun loner.

*bzz bzz*

kinuha ko kaagad yung phone ko at hindi na tiningnan yung caller ID.

"Hello?"

"besss pupunta ko dyan, babye!"

bago pa ako makapagsalita binaba na nya agad. Bastos tong batang to.

After 5 minutes, may nag doorbell na.

Bumaba ako at binuksan yung pinto..

"Hellooo!"

Sinarado ko na yung pinto at pinapasok sya.

"Hoy, bat nandito ka? at andami mong energy."

Binaba nya yung mga dala nya.. Andami lang naman.

"Masama bang gusto kitang makasama? Saket ha."

Pumunta sya sa may ref at kumuha ng tubig.

"Dejoke lang. nakakagulat ka naman kasi.. bigla nalang pupunta sana tinawagan mo ako kagabi para nakapagayos ako kaagad."

"Sus, andrama mo bes. wala naman sakin kung naka pajamas ka palang, ilang beses na kita nakitang ganyan."

Nag nod lang ako at umupo sa harap nya.

"Oh tara dali kain naaa!"

May dala lang naman syang dalawang box ng pizza, isang galon ng icecream, at madaming chocolates at candies. Mauubos ba namin to?

"Hoooy, bat andami mong dala? papatabain mo ba ako?"

"Aaaayyy, parang ang taba mo sa lagay na yan ah?"

"Okay fine."

Umupo na ako sa sala at dinala yung mga pagkain sa table. kumuha sya ng movie at umupo rin sa tabi ko.

"Bakit dalawang pizza?"

"Eh, gutom ako e. tapos pag hindi natin naubos edi sayo nalang."

baliw talaga to. sobrang dami ba naman binili? magkano kaya to lahat? pero sabagay, sino bang kaibigan ang gagawa ng ganto?

ganun lang ginawa namin. kumain ng kumain tapos nood, sigaw kapag ayaw nya yung part hanggang mag seven na ng gabi..

"Bye bess! salamat sa movie, hehe."

Hinug nya ako.

"sige babye. salamat sa pagkain, hehe."

Tumawa sya at niyakap ako, at umalis na.

Ganyan kami palagi. Either lalabas kami or kaya pupunta sila dito mag oover night. tapos magdadala ng isang malaking sako ng pagkain, dejoke hindi naman sako. basta ganun karami.. nakakamiss din sila kapag nag college na kaming lahat.. kung pwede lang

hindi mag college at mag stay nalang sakanila, gagawin ko. Kaso hindi e..

Itawa nalang lahat ng problema...

________________

hi guys! nakakapag update parin ako kahit may pasok! achievement! Haha. ohraaaayt.

sana someday makita at makilala ko kayong mga readers. ❤️ salamat po sa pagbabasa. :-)
-ate A

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon