edited
TIN'S POVThis is it. Eto na talaga yun. etong eto na. gagraduate na ko. hindi ako makapaniwala. college na kami.
"Tintin! Nakabihis ka na ba?"
"Opo ma!"
Tiningnan ko yung sarili ko sa harap ng salamin. suot ko yung binili namin nila chelsey. excited na ko na kinakabahan.
Tiningnan ko yung oras. 9 ang start ng graduation. may isang oras pa ko para mag prepare. 7 palang ngayon. si mama kasi ang aga ako gisingin, excited na daw sya. hahaha
Nakaligo narin ako at nakabihis na. make up nalang at buhok.
Biglang bumukas yung pinto at nginitian ako ni mama.
"Ang ganda naman ng anak ko."
Hinalikan nya ako sa pisngi. Ma mimiss ko tong si mama hay."Upo ka na dun, aayusan pa kita eh."
At sinimulan na nga akong ayusan ni mama. nagtalo pa kami kasi gusto nya red lipstick ko. eh sabi ko ayoko. kaya ang nilagay nalang nya sakin, ay plum color. okay na yun. medyo dark nga lang pero aalisin ko nalang agad mamaya.
Kinulot nya buhok ko. pero sa baba lang. may suot akong earings na maliit lang. At may necklace akong heart medyo maliit lang din.
Tiningnan ko ulit yung sarili ko. parang hindi nanaman ako to. sanay ako sa tin na walang make up, hindi nagaayos ng buhok na ganto. kadalasan naka bagsak lang buhok ko o kaya ponytail. pero okay lang to. syempre graduation.
May nag doorbell na. bumaba na kami ni mama.
Nag rent sya ng hiace na van. para daw malaki yung kotse namin at hindi magugulo yung damit ko.
Masaya rin ako ngayon kasi, umuwi si papa para lang sa graduation ko.
Nag text na sakin si chelsey.
"Bes, nasan na kayo?"
"Papunta na. kayo?"
"Papunta narin see you!"
Ngayon palang nag papawis na kamay ko. kinakabahan talaga ako.
Bumaba na kami at pumasok agad sa school. madami na agad tao pero 8:15 palang.
Nakita ko kaagad sila chelsey at nads. tumitingin tingin sila sa pagilid.
"Mga bes!"
Tumingin agad sila sakin at ngumiti.
"Hay! Ang tagal mo. kinakabahan na kami."
"Sorry. hahaha. Nakalimutan ko nga pala graduate din ako."
Tumawa naman sila. ang galing ko talaga mag joke hahaha
Nag bye na ako kila mama at tumabi naman sila kila tita at tito.
Nag wave lang ako.
BINABASA MO ANG
Lucky (juan karlos fanfic)
FanfictionSi kristina gonzales. isang simpleng babae lng na ang ginagawa ay magaral. simpleng buhay at may malaking pangarap. pero may nakilala syang lalake. gwapo, mayaman at bad boy. magiging maayos ba ang buhay ni tin o gugulo ito? find out in the story!