THIRTY NINE

35 5 0
                                    


apat na araw ng nakalipas pero ganun parin kami. oo, nag usap na nga kami pero ang sagot lang nya "huh? wala lang yun." o kaya "wag mo ng isipin." seryoso ba sya? kaya ko bang hindi isipin yun kung ang mga sagot nya ay ganun lang? nahihirapan din naman ako.

naglalakad ako ngayon papuntang classroom dahil kakatapos lang namin mag lunch. ako lang magisa nag lunch kasi ayoko naman na mag abala pa sila sakin. alam ko naman kasing iiyak nanaman ako, ayoko naman sa harap pa nila kaya ako nalang magisa.

nakayuko ako habang naglalakad ng may nabunggo akong tao.

"Sorry."

palakad na ko pero hinila nya yung braso ko.

"Tin?"

inangat ko yung ulo ko para makita ko sya.

si karl.

"Sorry di ko kasi tinitingnan dinadaanan ko."

lumapit sya sakin.

"Hindi hindi okay lang. i mean, may problema ba?"

"Wala. okay lang ako. sige una na ako."

tinanggal ko na yung kamay nya sa braso ko at naglakad na ulit ako papuntang classroom.

umupo na ako at hinintay nalang si prof.

dumating na si prof pero wala pa rin sya.

5 minutes.

10 minutes.

15 minutes.

wala parin sya. hobby na nya yata ang mag ditch ng class ngayon. sa pagkakaalam ko, ayaw nya mag ditch ng class kasi ayoko rin.

syempre pag wala sya, wala din si claire sa class. di kaya magkasama sila?

UGH. ayoko na magisip. ganto nalang ba talaga? madalang na syang magsalita sakin. ni isang text, wala. siguro "goodnight" lang. isang beses. iba na sya. ibang iba na sya sa dating JK na nakilala ko.

hindi ko namalayan nag bell na pala. mabilis ba yung klase o sadyang ang tagal ko lang talagang magisip.

kinuha ko kaagad yung bag ko at pumunta ng locker para ilagay yung books ko.

"Bes... okay ka lang?"

hindi na ko magiging okay.

"sorry. kailangan ko lang talaga mapagisa."

yumuko ako at naglakad na palabas ng school.

*

"Hi anak. kamusta school?"
lumapit si mama sakin at hinalikan yung noo ko.

"Okay lang po. pagod." sigh.

pumunta na agad ako sa taas at nag shower saglit at nag palit lang ng damit at humiga agad ako sa kama.

kanina pa nagtatalo yung isip ko. itetext ko ba sya? o hahayaan ko nalang? tatanungin ko ba kung anong problema o hihintayin ko nalang sya na sya yung magsabi? aaaggghhh. hindi ko alam gagawin ko.

________________
hi guuuuuys ^.^

alam ko galit kayo o nagtatampo o walang pake sa story ko. kasi hindi na ako nakakapag update. sorrryyy :(
tulungan natin si tin! ano kayang nangyayare sakanilang dalawa? hmm.

p.s. new coveeeeer!! yay.

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon