Dumaan nanaman ang mahabang oras ng klase namin. ngayon, palabas na kami nila nads ng classroom, kakatapos lang kasi ng huling klase namin.
kanina ko pa gustong gusto lumabas dito sa classroom na 'to. pano na cucurious kasi talaga ako sa lalakeng pinagkakaguluhan nila sa labas kanina. ewan ko ba kung bakit gusto ko lang malaman kung sino sya.
mas binilisan ko yung lakad ko kasi ang daming taong nakaharang sa harap namin.
"huy! bat ba nagmamadali ka?"
"may titingnan lang ako."
"aynako sabi ko wag mo na yun tingnan e."
"huh? wait di ko gets. sino ba?"
typical nads, ang slow tss.
"yung lalake! yung lalakeng pinagkakaguluhan kanina!"
"Ahhh. e bat ba asar na asar ka dun?"
"Ay basta!!"
Hindi na ako naghintay sakanila at nauna na talaga ako maglakad.
Nasa may office na ako. bubuksan ko na sana yung pintuan kaso nga lang binuksan na agad nung principal namin.
may topak nanaman to. kapag kasi nauna syang magbukas sayo ng pinto galit nanaman sya. anong connect? diba.
"ay hello po."
"anong kailangan mo?"
alam mo kung hindi ako mabait pinektusan ko na to kanina pa. kakainis!
"may tatanong lang po sana ako."
Pinapasok nya ako sa loob at pinaupo sa upuan na harap ng table nya.
"ano yun?"
"may bago daw pong transferee sa school? gusto ko lang po sana malaman kung anong pangalan nya."
"Bakit gusto mong malaman? hindi sya transferee dito. may pinadaan lang ako sakanya na kailangan ko talaga."
Napa facepalm ako sa sarili ko. ang tanga ko naman. oo nga pala! anak nya yung lalake kanina, bat pa ako nagtanong?
"Ahhh sige po."
patayo na sana ako kaso hinila nya ako ulit.
napa kagat labi nalang ako. hala baka kung anong itanong nya!
"Bakit po?"
"Bakit mo natanong yung anak ko?"
halaaa! pwede bang tumakbo nalang?! nakakainis naman oh!
"A-ah e-eh k-kasi po, nakita ko lang po syang pinagkakaguluhan kanina, so naisip ko pong hanapin sya."
Maganda bang reason yun? ang gulo ko!
"Ah okaysige. You may go."
Tumayo na ako at lumabas na sa room nya.
Haaaayy! kinabahan ako dun ah. haynako, nextime magiisip muna ako!
Nakita kong nakasandal sila nads at chelsey sa may locker kaya naisipan kong puntahan sila.
"Hi guuuys."
"Oh ano? may nakuha kang impormasyon dyan sa iniistalk mo?"
Sabi ni chelsey habang nakataas yung isang kilay nya.
"Uhm, actually, pumunta ako sa principals office. tapos tinanong ko sa principal kung anong pangalan nung lalake kanina, e naalala ko na anak nya nga pala yun.."
yumuko nalang ako at tiningnan yung mga sapatos ko. nahihiya tuloy ako, ano bayan.
"Ayy gaga! diba sabi namin anak nga sya ng principal? jusme kristina!"
"Wag mo nga akong tawagin sa buong pangalan ko! nakakainis ka!"
"Hahahaha. ang galing mo talaga bes, im so proud of you."
Inirapan ko nalang sila at hinayaan nalang. grabe ha? ako na nga yung napahiya tinawanan pa ako? tanga mo talaga tin!
"Oh sya sige una na kami, andyan na sundo. hahaha, ingaaat! we love you!"
tumingin ako sa may gate ng school namin at nandun yung kotse nila darren at kenneth.
maglalakad lang naman ako.
Nag babye na ako sakanila at naglakad na ako. sabi ko isabay na ako emay pupuntahan daw sila. magisa nanaman ako.
5:30 pa lang naman di pa masyadong madilim kaya pwede pa akong maglakad.
naglakad na ako papunta sa bahay namin.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
_________________________________
Hiiii. ngayon lang ulit nakapag update T.T sino pang nagbabasa dyan? huhu.
BINABASA MO ANG
Lucky (juan karlos fanfic)
FanfictionSi kristina gonzales. isang simpleng babae lng na ang ginagawa ay magaral. simpleng buhay at may malaking pangarap. pero may nakilala syang lalake. gwapo, mayaman at bad boy. magiging maayos ba ang buhay ni tin o gugulo ito? find out in the story!