FORTY ONE

29 5 0
                                    

________

napatigil sya at tumingin sa likod ko.

binitawan narin ni chelsey yung kamay ko at tumingin din sa direksyon na tinitingnan ni nads.

ano ba talagang nangyayare?

hindi na ako mapakali kaya tumingin narin ako sa tinitingnan nila.

siguro, hindi narin ako magugulat kasi ganun naman yung pinaparamdam nya sakin. tama. tama nga yung iniisip ko. sa dami dami ba naman ng babae bakit sya pa? SYA pa talaga na, ibang iba sakin. sobrang dami ng pagkakaiba namin. at dahil pinili nya sya kesa sakin, wala na akong magagawa doon...

napatingin rin sya sakin. nakatitig lang sya. hindi ko alam kung anong sinasabi ng mata nya pero wala na akong pake don. simula ngayon ayoko ng lumapit sakanya. sobra na.

tumakbo ako papunta ng girls cr at pumasok sa isang cubicle.

ayoko to e. ayokong nangyayare to. ngayon nalang ulit ako umiyak ng ganto. at sa dami dami ba naman na iiyakan eto pa. ayokong umiiyak dahil lang sa lalake. kaso wala naman akong magagawa dahil ang tagal na namin. pinili nya yun e. pinili nya YUN kesa sakin. bakit kailangan ko pang maranasan to? hindi ba pwedeng masaya na lang lagi? akala ko ba magtatagal sya. akala ko hindi nya ako iiwan. akala ko mahal nya ko. edi sana kung mahal nya ako hindi nya gagawin yun. dahil ba ayaw na nya ako kaya naghanap sya ng iba? boring naba ako kasama? o baka naman nagsisi sya sa lahat. ako nalang lagi yung nagiisip e. nakakapagod din.

may narinig akong sunod sunod na tunog. tumayo ako at kinuha yung phone ko sa bulsa ko.

puro texts lang naman nya at nila chelsey, nads, darren, kenneth.

pare pareho lang naman tanong nila sakin.

"Nasan ka?"

"Okay ka lang ba?"

"Bes, sorry."

sa totoo lang ayoko ng binibigyan ako ng sympathy e. kasi ang nararamdaman ko parang kinaaawaan nila ako. at ayoko ng ganun. pero pasalamat nalang na may kaibigan akong ganto.

tumayo ako at lumabas sa cubicle. inayos ko muna ng konti yung sarili ko at lumabas na ako.

hindi ako babalik sa classroom at papasok lang dun na parang walang nangyare. at katabi ko pa sya kaya hindi talaga ako papasok.

dumeretsyo ako sa principals office para magpaalam na uuwi muna ako.

tinulak ko yung pinto sa principals office at nakita ko si maam.

Lumapit ako sakanya. "Maam? Hindi po maayos yung pakiramdam ko."

"huh? Ohsige. wala naman sigurong assignments or projects ngayon kaya okay lang."

"Sige po, salamat maam." At umalis na ako.

Binigyan lang ako ni maam ng slip para ipakita sa guard. Bawal kasing lumabas pag class hours.

Naglakad ako pabalik sa bahay. Syempre pag dating ko, walang tao.

Dumeretsyo agad ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

*after 2 hours*

Andito parin ako nakatitig sa salamin. *sigh*

Every minute kapag naiisip ko, iiyak ako bigla. Tapos tatahimik. Kunyare walang nangyare.

Haay.. Ewan ko ba.

May narinig akong kumakatok sa baba ng front door namin. Sino naman kaya yun?

Lucky (juan karlos fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon