TIN'S POV
Dumaan ang ilang araw at malapit na ang graduation namin. medyo excited narin ako kasi bago mag graduation syempre madami pa kami kailangang gawin. Kailangan ko pa bumili ng bagong damit para maayos naman yung damit ko sa grad. Ewan ko nga kung nakabili na sila nads e.
"Nads! Nakabili na ba kayo ng damit?"
"Hindi pa. Ikaw ba?"
"Hindi parin. Ano bang maganda?"
"Uhm, sige kami bahala ni chelsey dyan. Sama ka nalang samin bukas."
Next week na kasi yung grad kaya dapat makabili na agad kami. ano bang paborito kong kulay? Sa pagkakakaalam ko asul e.
Nandito kami ngayon sa canteen kasi wala naman ibang mapuntahan sa school kundi canteen dahil may pagkain, hahaha.
Nga pala after nung sa mall nakauwi na ko ng mga 8:45 nagalit si mama sakin kasi daw bakit gabi na ko nakauwi tas sino daw kasama ko. syempre sinabi ko nalang na "mga kaibigan ko lang" pero ang totoo silang dalawa.. baka mas lalo lang magalit si mama kapag sinabi kong "si JK at yung bago nyang girlfriend" tss hahaha
"Tiiiin!!"
"Ay kabayo! Bakit ba ang hilig mo sumigaw?!"
"Hindi naman ako sisigaw kung papansinin mo ko. Kanina pa kita kinakausap e!"
Matagal naba akong nagiisip hahaha!
"Ano bang sasabihin mo?"
"Nabalitaan namin na kasama mo daw si JK?"
At sino nanaman nagsabi nun? Haynako dami talagang spy dito sa school!
"...at yung girlfriend nya."
"What?! At si claire?"
"Oo."
"E bat sabi ni--"
Hindi nya natuloy kasi tinakpan ni chelsey yung bibig nya. Ano nanaman ba tinatago ng dalawang to?
Tinaasan ko ng kilay silang dalawa.
"Oo na sasabihin na.."
Sabi ni chelsey."Si ano kasi, si kenneth, yung magaling na boyprend ni nads nakita daw kayo. Napadaan sya sa may boutique yata ng mga dress tapos nakita nya kayo magktabi sa upuan so ayun.."
Ahhh, yun kasi yung time na nagsusukat ng damit si claire.
"Ah. Nagsusukat kasi ng damit si claire nun sa fitting room, e tumabi lang naman sya."
""Lang naman sya" tsk"
"May feelings ka pa ba para dun?"
Meron pa nga ba? Wala! Wala na!
"Wala!"
"Defensive?"
"Wala nga. Alam nyo naman yun e."
Nag nod lang sila at naglakad na kami palabas ng gate.
BINABASA MO ANG
Lucky (juan karlos fanfic)
FanficSi kristina gonzales. isang simpleng babae lng na ang ginagawa ay magaral. simpleng buhay at may malaking pangarap. pero may nakilala syang lalake. gwapo, mayaman at bad boy. magiging maayos ba ang buhay ni tin o gugulo ito? find out in the story!