DJ's POV
"Oi Pre! Pakshet. Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Khalil.
"Huh? Ang alin dude?"
"Pvta! Di mo alam?" hindi makapaniwalang sabi niya.
"Sasapakin na kita! Ano ba kasi yun?"
"May transferee daw."
"Ano ngayon?"
"Taena! Palibhasa busy ka sa mga babae mo! May bagong lipat daw na hot chick. Kaso panggabi siya eh."
Dito sa university-ng pinapasukan ko, May panggabing klase. Tulad nga ng sinabi ni Khalil. 7:00-11:00 ang oras ng pasok.
"Tara! Cutting muna tayo! Tapos pasok nalang tayo mamayang gabi."
"Ayoko nga! Magbabar nalang ako mamaya."
"Hi Dude!" nagsidatingan na yung mga kabarkada ko sa private room namin. At dahil pamilya ni Enrique ang may ari ng university. Nagpatayo siya ng private room para sa aming magkakaibigan lang.
"San ba kayo nanggaling?" tanong ni Khalil.
"Dyan lang sa tabi-tabi. Naghanap ng chicks." sagot ni Seth.
"Oo nga pala. Mga Pre! Pilitin niyo nga 'yang si Dj na pumasok mamayang gabi."
"Bakit anong meron?" tanong ni Katsumi. Nakatanggap ng batok si Katsumi kay Khalil.
"Isa ka pa! May bago nga kasing transferee. Taena. Maganda daw eh." sabik na sabik talaga si Khalil sa babae -_- Mahilig mang-chicks pero hindi marunong dumiskarte. Tsk.
"Talaga!? Oy Dj! Sama ka na!" nagmamakaawang sabi ni Seth.
"Mas maraming chicks sa bar."
"What?! Hindi ka ba nagsasawa? Puro hipon naman yung andun eh!" sabi ni Enrique.
"Psh! Oi Gil! Itanong mo nga kung anong pangalan ng transferee." utos ni Khalil.
"Ge."
"Hey Ms. Manuel! Anong pangalan nung transfeere na maganda daw." kumunot yung noo niya. "What?! At bakit hindi?!!" naiinis niyang inend yung call.
"Bro? Ano daw sabi?" -Khalil
"Bawal daw sabihin eh."
"Ha?! Bakit naman?" -Seth
"Baka alam niyang lalandiin mo." pang-aasar na sabi ni Katsumi kay Enrique. Sinamaan naman siya ng tingin ni Enrique.
"T*ng*na mo!"
*Bzzzt*
Nagvibrate yung phone ko.
From Zharm
Hey baby! Can you fetch me later? Im scared kasi pauwi.
To Zharm
Why baby? San ka ba pupunta?
Si Zharm ay isa sa mga flings ko. Hayst. Mga babae nga naman, Masyadong mahaharot. Makita lang ako. Nako. Daniel John Padilla yan eh ;)
From Zharm
Im going to attend the 7:00-11:00 class eh.
"Okay. Sasama na ako mamaya."
"Ayaaan!" nag-apiran sila Enrique, Seth, At Khalil.
"Pvta! Sasama nga ako sayo sa bar eh." inis na sabi ni Katsumi.
"Sorry dude, Si Zharm kasi eh."
"Tanga tanga mo! Dapat siya naghahabol sayo! Hindi ikaw!"
"Pake mo ba!"
(FAST FORWARD)
6:30. Tinext ko si Zharm na abangan ako sa gate. Tch. Excited na excited siya. Alam niya na kasi kung anong gagawin namin. Hindi na din tuloy siya makakapasok sa klase niya.
"Hi Baby." agad siyang lumingkis sakin.
Madami na ding students ang nagsipasukan sa klase nila. Dinala ko naman si Zharm sa bakanteng room. Wala masyadong taong nagpupunta dito kasi ang alam nila may mga namatay na daw dito. At tanga sila para maniwala dun.
"Baby, Im scared! Sa ibang lugar na nga lang tayo!" mas humigpit yung kapit ni Zharm nang makapasok kami sa loob. Tanging liwanag lang ng buwan yung ilaw namin sa loob.
Agad ko siyang sinandal sa pader at sinimulan na siyang halikan. Madilim dito sa pwesto namin kasi andito kami sa sulok.
Kumapit siya sa leeg ko. Pero naputol agad yung ginagawa namin ng biglang may bumagsak sa kabilang dulo ng kwarto.
"Punyeta! May tao ba dyan?!" inis na sigaw ko. Nabitin ako eh.
Walang nagsalita.
Nakita kong may babaeng tumayo, Nasinagan kasi siya ng buwan.
"S-sino ka?" kinakabahang tanong ko.
"Omgee baby, Baka multo." natatakot na sabi ni Zharm.
"Shut up, Zharm. Ang tanda tanda mo na naniniwala ka pa sa multo? Tsss."
Hindi nagsalita yung babae, Naglakad lang siya papunta sa pinto. Pero bago siya lumabas may sinabi siya.
"Nakakaistorbo kayo."
2 words lang pero mararamdaman mo kung gano ka-cold yung pagkakasabi niya. Talagang kikilabutan ka.
