Nang makarating sa trabaho ay nagsimula na agad ako. Isa akong waiter dito at nagpapasalamat akong natanggap dito. Dati kong kaklase sa high school ang may- ari kaya natanggap ako at hapon ang shift ko.
Matapos makapagbihis ng uniporme ay lumabas na ako at nagsimula ng magserve.
Nakakapagod ang pabalik-balik na lakad at hindi ka halos makaupo kahit sandali sa dami ng custumer. Sikat ang restaurant na ito dito sa bayan namin at dinarayo talaga. Dahil bukod sa hindi kamahalan ang mga pagkain, afford na afford pa talaga at masasarap din.
"Isang large burger at fries! " saad ko sa counter ng kitchen.
Sa restaurant na ito ay hindi lang pang umagahan, tanghalian o hapunan, kun'di pati na rin sa meryenda ay kumpleto sila.
"Oh, Nerissa nandito ka na pala?" tanong ni Echo. Siya ang dati kong kaklase at may - ari at isa din siyang chef dito.
"Echo, kanina pa po ako nandito. " sagot ko dito at mapapaikot ko nalang ang mga mata ko.
Napatawa lang ito at itinuloy ang ginawa. Manliligaw ko siya dati lalo na at transferee ako sa school nila, pero hindi ko ito pinatulan. Marami ang babaeng naghahabol sa kanya at isa na doon si Fely.
Nang magkita ulit kami ay inalok niya ako na mag-asawa nalang kami para hindi na raw ako mahirapan sa pagtatrabaho. Pero hinindian ko ito, kaya inalok niya nalang akong magtrabaho dito na agad ko namang tinanggap dahil kailangan na kailangan ko talaga ng trabaho noon.
Nang matapos ang order ay dinala ko na ito sa custumer. Malayo pa ang gabi at marami pa ang customer na dumarating. Kung may aalis, mayamaya naman ay may dumarating din.
Hanggang sa dumating na ang gabi at natapos ang shift ko ay marami pa rin ang kumakain. Nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at kay Echo.
"Here, bring this! " abot nito sa akin ng isang paper bag. Inabot ko ito at sinilip ang loob.
Napasinghap at nanlaki ang mata ko ng makita ang laman nito. Fried chicken, fries at burger. Muntik ko ng makalimutan,ito ang pangako ko sa mga kapatid ko kanina bago umalis. Napaangat ang tingin ko kay Echo na ngayon ay nakangiti.
"Salamat, muntik ko ng makalimutan. Ibawas mo nalang sa sahod ko." saad kong napapakamot sa ulo.
"Hindi na, pasalubong ko nalang 'yan sa mga kapatid mo. T'saka mag-iingat ka sa daan. Alam ko naman na ayaw mo ng ihatid kita, kaya ikaw nalang ang magbigay niyan sa mga kapatid mo."
Napatango-tango ako. Ayaw ko talaga na magpahatid pa sa kanya. Hindi lang sa tsismis na aabutin ko sa amin, kung hindi dahil pagod din siya kahit na may katulong pa siya sa pagluluto sa kusina.
" Sige, salamat. Mauna na ako."paalam ko at nagsimula ng pumunta sa paradahan ng tricycle.
Napansin kong may nakasunod sa akin kaya nilingon ko ito. May dalawang lalaki at bigla nalang silang humarap sa isa't - isa at nag-usap.
Napakunot-noo ako at itunuloy ang paglalakad. Hindi naman siguro mga masasamang loob ang mga ito. Naalala ko tuloy ang sinabi ni tiyang kanina bago ako umalis ng bahay.
May mga men in black daw na naghahanap kay tatay.
Napalingon ulit ako at nawala sila. Napatingin ako sa paradahan ng tricycle, medyo malayo pa ako kaya tinakbo ko na ito. Niyakap ko ang paper bag na dala at binilisan ang takbo.Hingal akong nakarating sa paradahan. Nilingon ko ang pinanggalingan ko at nakatayo doon ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mata ko at kinalibutan akong napasakay sa tricycle at nagpahatid sa bahay.
Bago makarating sa bahay ay dumaan muna ako sa nadaanan naming convenience store at bumili ng yakult na parehong paborito naming tatlo.
Dahil gabi na ay tahimik na ang paligid ng makarating ako ng compound. Dumeretso na ako sa bahay at naabutan si tiyang na nagkakape.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...