“ Hoy ,ano pa’ng ginagawa mo diyan?”
Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko ngayon.Hindi ko namalayan na nakatayo na lang pala ako dito sa labas ng pinto.“ Hinihintay na ‘yan do’n, baka kung ano’ng gawin no’n sa’yo ang tagal mo eh.”
Binuksan niya ang pinto at pumasok na ako do’n.Napatingin ang mga lalaking naro’n ng makita ako.
May apat na lalaki na magkakaharap at may kanya-kanyang mga babae sa kandungan. Nakasuot pa ang iba ng pang trabaho sa opisina.
Sinigurado kong walang emosyon na makikita sa mata ko bago ako lumapit sa pwesto nila.Inilapag ko ang alak sa mesa nila,at aayos na sana ng tayo ng maramdaman ko ang kamay sa pang upo ko.Hindi ako nag-alinlangang paluin ‘yon ng hawak na tray.
“ You whore,you dare ?!”
Sigaw ng lalaking singkit ang mata at mabilis na dumapo ang kamay nito sa pisngi ko.Tumabingi ang mukha ko dahil do’n. Mabilis na linapitan ako ng tauhang naro’n at ng babaeng nagbukas ng pinto sa’kin kanina. Kinausap nila ang intsik at dinala naman ako ng babae sa labas.
“ Hindi mo dapat ginawa ‘yon.”
Napabuntong hiningang saad nito at napailing.” Malalagot tayo pareho kay boss.”” Binastos niya ako.”
Katwiran ko,napaikot ang mata nito.
“ Girl, wala sa vocabulary natin ang salitang bastos. Nandito ka sa loob ,ano sa tingin mo ang mangyayari sa’yo dito? Ang nangyari kanina,ang ginawa sa’yo ng intsik na ‘yon.Normal ‘yon sa atin na nandito sa loob.”
Hindi ako sumagot at hinayaan lang siyang magsalita.Napakamot ito at pinaalis na ako,bumalik siya sa loob dahil kailangan niya daw amuhin ang lalaki kanina at galit ito sa ginawa kong pagpalo sa kamay.
As if may pakialam ako,alam kong normal lang ‘yon dito. Pero hindi ako nagtatrabaho dito,at walang sino man ang pwedeng humawak sa’kin.
Huminga ako ng malalim at naglakad pabalik sa kwarto namin ni Biatrez. Naiiyak na naman ako ng maalala ang napag-usapan namin ni Fred kahapon tungkol kay mama.“ Huwag mong sisiraan ang mama ko sa’kin!”
Galit na sigaw ko sa kanya,napatawa lang siya at umiling.
“ Your mother,we’re childhood friends .”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
” We’re best of best friends. Lahat ng kalokohan,maganda man o mabuti ang nangyayari sa buhay namin. Palagi kaming magkasama. We’re inseperable,not until that incident happen.I’m not gonna tell you that part,your mother doesn’t want you to know that part of her life. Kahit ang sasabihin kong ito ngayon,wala siyang balak na sabihin sa’yo at babaunin nalang niya sa hukay.”
“ Kung gano’n ,bakit sinasabi mo sa’kin ngayon ang lahat ng ‘to?”
Tanong ko,ngumiti siyang malungkot pero sumeryoso din agad.
“ Fast forward,we’ve been doing this business together not until you came.” Mas lalo akong naguluhan.” I didn’t know that your mother is dating that time. I was abroad for months ,because of business.Nang bumalik ako,buntis na siya sa’yo.”Nakita ko ang lungkot na dumaan sa mata niya.Tumingala ito at ilang beses na pumikit.
” You know,I was planning on marrying her when I get back. But all that plans dissappear when she told me that she was pregnant to you. I was happy at first ,because I thought your mine. But then..”huminga siya ng malalim at parang hirap na magkwento pero nagpatuloy pa din.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...