“ What happened?”I asked as I walk towards them.Mabilis na lumapit sa’kin si manang Lara at hinawakan ako nito sa braso.
“ Hace ,kasalanan ko ‘to. Dapat kasi ako nalang ang kumuha at hindi na si Nerissa eh.”
Hinawakan ko sa balikat si manang Lara at kita ko ang takot sa mga mata niya.
“ Manang ,calm down. Tell me what happened?”
Hinarap ko ang tauhan ko at hinintay na magsalita sila.Napalunok si Pedro at napatingin kay Nathan bago ito nagk’wento sa nangyari.
“ Pabalik na po kami boss nang huminto kami dahil nagpakuha siya ng toothpaste na nadaanan namin.Wala kaming dalang cart kaya naglaglagan ang bitbit ko.Tapos umalis po siya para kuhanin ang nakitang cart di kalayuan sa’min.Tiningnan ko pa siya habang papalakad,yumuko lang ako saglit para ipunin ang dala namin ng mag-angat ako ng tingin wala na siya."
" Ang akala ko ay may nakita lang siya at kinukuha ‘yon,pero tumayo din ako at nilapitan ang basket na dapat na kukunin niya. Hinanap ko siya sa paligid ,pero hindi ko na siya makita pa. Nilibot ko na po ang buong supermarket para mahanap siya ,pero hindi ko na siya makita. Pasensya na po,dapat hindi ko inalis ang mata ko sa kanya.”
Napayuko siya matapos magkwento. Tumingala ako at huminga ng malalim. Tumakas ba siya?
“ Pero boss ,kung tumakas man po siya dapat naabutan ko pa siya! ”
Napatingin ulit ako kay Pedro ng magsalita ito.“What do you mean?”
I knotted my forehead ,all of us are waiting for his answer.
“ Ito po ang unang beses na nakapunta dito si Nerissa. Hindi niya alam ang pasikot-sikot ,kaya nakakapagtaka na mabilis siyang nawala.”
Nakakunot ang nuo nito at nilingon ang supermarket. Napatingin na din ako do’n at napaisip. But what if,habang namimili sila kanina ay naghahanap na din siya ng lulusutan at naghanap lang ng tyempo na makatakas .
“ Did you check the cctv?”
Sabay silang napatingin sa’kin at si Nathan na ang sumagot.“ Naisip na din namin ‘yon boss. Ang kaso, hindi daw gumagana ang cctv nila ngayon at hindi pa dumadating ang maintenance para sa araw na ‘to.”
Napakunot ang nuo ko sa sagot niya,ngayon pa nangyari? Is it just a coincidence that it happen on this very day?
“ Go home!”
Napatingin sila sa’kin sa sinabi ko,maski si manang Lara ay nagulat sa sinabi ko.
"Pero Hace, pa'no si Nerissa?"
Mangiyak-iyak na tanong ni manang Lara.“ Just go home for now,ako na ang bahalang maghanap sa kanya. Pero kung sakaling tumakas nga siya,alam niya ang magiging kaparusahan niya sa ginawa niya.”
Nagatatgis ang bagang ko sa isip na tumakas nga siya.
“ Hindi tatakas si Nerissa Hace,kahit pa gustong gusto na niyang makita ang mga kapatid niya .Hindi niya magagawa ‘yon,nandito lang siya kanina eh. Hindi nga siya masaya na makakalabas siya. Parang gusto niya nalang magtrabaho sa bahay .”
“ Pa’no kung palabas niya lang na hindi siya masayang makalabas ng bahay. Malay niyo kung tumakas talaga siya at naghanap lang ng tyempo?”
Umiling iling lang si manang Lara sa sinabi ko at napahawak sa magkabila niyang pisngi.Sinenyasan ko ang dalawa na umuwi na muna.Iginiya nila ang matanda sa sasakyan,ng makaalis sila saka ako pumasok sa loob ng supermarket.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...