“ Nay Lara maggandang umga po sa inyo,ate Marj!”Bungad ko sa kanila ng maabutan na naghahanda sila ng pagkain.Nakangiti naman silang bumati din sa’kin.
“Nand’yan ka na pala Nerissa,halika maupo ka na at kakain na tayo.Ipapatawag na sana kita kay Marj,mabuti at nandito kana.”
“Salamat po.”
Naupo na din sila at ipinagsandok pa ako ni ‘nay Lara ng pagkain sa plato ko.Napahinto ito at natuon ang mata sa braso ko.Napasunod ang mata ko kung saan s’ya nakatingin.Mabilis na itinago ko sa ilalim ng mesa ang kamay ko.Ngumiti na lang ako kay
‘ nay Lara kahit pa nagtataka ako nitong tiningnan.Napakiling ang ulo nito at ipinagpatuloy ang ginagawa.
Napahinga ako ng malalim,hinaplos ang braso kong nasa ilalim ng mesa.Hindi ko namalayan na umangat ang manggas ng suot kong sweat shirt.Nagkapasa kasi ang ginawang paghawak ni Hace kagabi.Naging marahas s’ya sa’kin, kanina ko lang din ‘to napansin.
“Kain na tayo!”
Nakangiting paanyaya ni ate Marj at naupo na matapos kunin ang kape niyang nakalimutan .
“Salamat po sa pagkain!”
Siniglahan ko pa ang boses ko,nakatuon pa din kasi ang tingin ni ‘nay Lara sa’kin ngayon.Nagsimula kaming kumain na si ate Marj lang ang dumaldal sa’min.Pareho lang kaming nakikinig ni ‘nay Lara sa kanya.
“At alam niyo kung ano ang ginawa ko sa lalaking ‘yon? Sinipa ko lang naman sa bitlog niya,ang yabang kasi.Pagkatapos niya akong iwan ,ngayon babalik s’ya? Hmp,asa s’yang tatanggapin ko pa s’ya ‘no! “
Nagkuk’wento kasi s’ya tungkol sa ex niya.At halata ang inis sa mukha niya habang nagkuk’wento.Pero lumungkot din kalaunan,nagkatinginan kami ni ‘nay Lara at nagkibit balikat lang s’ya.
“Gago s’ya,hindi ko na s’ya tatanggapin.Hindi na talaga!”
“Eh bakit parang iiyak ka na ngayon kung hindi pa s’ya tatawag sa’yo.Ang sama ng tingin mo sa selpon mo eh!”
Natatawa at napapailing saad ni ‘nay Lara. Napanguso na lang si ate Marj at isunoksuk ang phone niya sa bulsa ng suot na pantalon.“Ang sama mo ‘nay, dapat kinakampihan mo ‘ko eh! At saka,hindi ko naman na talaga tatanggapin pa ang gago na ‘yon . Asa naman s’ya,manigas s’ya kakasuyo sa’kin ‘no!”
“Gusto mo lang ‘ata magpasuyo eh!”
Bara ni ‘nay Lara,nangingiti akong nakatingin lang sa kanilang dal’wa.Napaayos ang upo ko ng magawi ang tingin ni ate Marj sa’kin na masama ang tingin.
“Sige,pagtawanan niyo pa ako. Wala kayong atay at balumbalunan!”
Anas nito at tumayo ,tinalikuran na kami.Pareho kaming napatawa ni ‘nay Lara.“Ano’ng wala kaming atay at balumbalunan? Hindi kami mabubuhay ngayon at kasama mo kung wala kami no’n!”
Hirit na sigaw ni ‘nay Lara.
Narinig lang namin na nagdabog si ate Marj.Umiling lang si ‘nay Lara.
Natatawa pa rin,kahit ako ay natatawa. Halata naman kasi na mahal niya pa.Pero siguro ay kunting suyo lang ng kung sino man ang lalaking ‘yon. Bibigay na si ate Marj sa kanya,baka naman kasi may rason din kung bakit gano’n ang akto niya.“Nerissa,halika may papasuyo sana ako sa’yo .”
“Sige po ‘nay,sandali lang po!”
Iniwan ko muna ang ginagawa ko at pinuntahan si ‘nay Lara. Nagsasalansan kasi ako ng mga bagong tanggal na kobre kama,at mga basahan sa kanya-kanyang washing.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
Любовные романыPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...