Naging abala si Hace at minsan na lang kung umuwi sa bahay.Naging routine na niya na maagang magigising at maalimpungatan akong paalis na ulit siya.May minsan pang naabutan ko siyang naglilinis ng sugat niya sa braso niya.Nagilalas akong napatingin sa kanya na nililinis ang kamay na may sugat sa banyo.Madaling araw at nakaramdam ako ng pagkaihi,pero umatras 'yon ng makita ko siya. Pilit niya akong pinapalabas,pero nagmatigas akong tulungan siyang magamot ang sugat niya. Kahit pa nga nanginginig ang kamay ko.
" Bakit hindi ka pumunta ng hospital,at dito ka pa sa bahay dumeretso. Baka maubusan ka ng dugo," napatingin ako sa dugong dumadaloy sa braso niya pababa sa tiles na sahig ng banyo.
" I'm okay,daplis lang ng bala ' 'to."
" Ano'ng daplis lang,tingnan mo nga ang sarili mo. Namumutla ka at ang sugat mo.." Nanghina ang boses ko at napatingin na lang sa ginagamot niyang sugat. Mabuti na lang talaga at hindi siya napuruhan at daplis lang .
Naluluha akong nag-angat ng mata ng hawakan niya ang kamay ko." I'm okay,malayo sa bituka 'yan. Bumalik ka na sa pagtulog mo."
Matapos mabendahan ang sugat niya nagkatinginan kami.Napalunok ako at dinaluhan siyang maglakad. Pinaupo ko siya sa kama,binalikan ang gamot niya sa banyo at kumuha ng tubig sa pitsel at pinainom siya.
Nakatingin lang siya sa'kin habang umiinom,nailang ako kaya nag-iwas ako ng tingin at napayakap sa sarili.Naalala kong wala nga pala akong suot na bra,at siguradong kita niya 'yon.
Kinuha ko na ang baso matapos siyang uminom,nahiga na rin siya.Inilagay ko ang baso sa mesita niya sa labas ng kwarto at mahihiga na sana sa nilatag kong higaan ng marinig kong magsalita siya.
" Nerissa come here!"
Napatayo ako ulit habang yakap pa rin ang sarili.
" M-may kailangan ka pa?"
Napatikhim ako ,parang may bumara bigla sa lalamunan ko.
" How many times do I have to tell you that you sleep on my bed?"
Napaiwas ako ng tingin,masama kasi ang tingin niya sa'kin.
" Ayos lang naman ako do'n sa hinihigaan ko . Matulog ka nalang at magpahinga,kailangan mo 'yon."
Tumalikod na ako,narinig ko siyang kumilos kaya napaharap ulit ako sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makitang pilit siyang tumatayo.Mabilis akong lumapit sa kanya.
" May kailangan ka ba,ako na ang kukuha mahiga ka na lang."
Tumingin siya sa'kin,nakaupo na siya at magkatapat lang ang mukha namin . Nakayuko ako sa kanya sa balak na daluhan kung tatayo siya,napaayos ako ng tayo.
" Yeah,you. You know I can't carry you now because of my arm. So don't force me and just sleep here."
Napabuntong hininga akong sumuko.
" Oo na po,ang weird mo talaga. Ano bang nakain mo at gusto mo na 'ata akong makatabing matulog ngayon?"
Nakuha ko pa talagang magbiro.
Napangisi pa ako sa huling sinabi ko.Umikot na ako papunta sa kabilang side para mahiga."I can see you."
Nawala ang ngisi ko at napatingin sa kanya.
" Ano'ng sinasabi mo?"
Nakakunot ang nuo kong hinarap siya,nakaupo na ako sa kama.
" I can see flashes of you. I don't know ,if it's real or not. Some are blurred,but I'm sure it's you."
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomantikPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...