NERISSA“ Ikaw,dalhin mo ‘to do’n !”
Tinulak ako nito kaya napalakad ako at ibinigay sa’kin ang mga alak na nasa tray. Naglakad ako ,sa kamay ang ilang alak. Lumingon pa ako sa lalaking nag-utos sa’kin,pinakita nito ang baril na nasa beywang niya. Tumalikod na ako at nagpatuloy sa paglalakad,nadadaanan ang mga kwartong may umuungol.
Nanindig ang balahibo ko,sa mga ungol na narinig ng mapadaan. May mga kwartong may kababaihan din na hubo’t ubad, umiiyak at tapos palang parausan. May mga babaeng inaayusan,kababaihan na menor de edad pa.
Lahat ng babaeng narito ay mga menor pa,maliban sa’kin at sa babeng nakasabay kong pumasok dito.Hindi madumi ang lugar katulad ng inaasahan ko. Malinis at puro puti ang paligid. Mula sa mga pinto ,dingding at sahig. Malinis nga tingnan,pero hindi ang mga taong namamahala nito. Mga hayop sila,hindi sila tao.
Naalala ko pa kung pa’no ako napunta sa lugar na ‘to.Gising ang diwa ko ,pero hinang hina ang katawan ko . May kalayuan ang nilakbay namin mula sa siyudad,pagkatapos ay inilipat nila ako sa isa pang sasakyan. Do’n ko nakilala si Biatrez,katulad ko ay nadukot din siya.
Hindi na kami nakapag-usap sa sasakyan ng takpan ng mga ito ang mga mata namin at itali ang kamay at paa. Pagkatapos ay bumiyahe ulit kami,hindi ko alam kung sa’n,pero nagising na lang kami ni Biatrez na nasa isang kwarto.
Pareho kaming nagpanic,at naghanap ng paraan para makatakas. Pero naka lock ang pinto,naka lock mula sa labas. Wala kaming nagawa at nanghihinang napaupo sa sahig.
Hanggang sa may pumasok at kinuha kami pareho at dinala sa isa sa mga kwartong naro’n. Itim ang kulay ng pinto,nabubukod tangi sa lahat ng puting pinto na nadaanan namin.Ipinasok kami do’n at iniharap sa boss nila. Parang slow motion ang nangyari ng makita ko kung sino ito.
Nakangisi at maotoridad ang aura.Nasa late fifty’s na ,at kilala ko siya.
Napako ako sa kinatatayuan ko ,ramdam ko ang takot na lumukob sa katawan ko. Si Biatrez ay napahawak din sa braso ko.Napahawak din ako sa kamay niyang nasa braso ko at napahigpit ang hawak ko sa kanya.Nawala ang ngisi ng matanda at tumayo sa pagkakupo. Tinitigan niya kami,kay Biatrez bago bumalik ang tingin nito sa’kin.Napasinghap ako ng maglakad ito papunta sa’min. Nagsumiksik si Biatrez sa’kin,ramdam ko ang takot niya sa mahigpit niyang hawak sa braso ko.
Napaatras kami pareho ni Biatrez ng mas lumapit ang matanda sa’min at kumunot ang nuo nito.Kalaunan ay ngumising nakatingin sa ‘kin. Nakilala niya ba ako? At nasagot ang tanong ko ng banggitin nito ang pangalan ko.
“ Nerissa.”sambit nito sa pangalan ko na umiiling .” What a coincidence, of all places and how many years has it been? Five or six years?”
Nagtagis ang bagang kong nakatingin sa kanya,pilit na nilalabanan ang takot.
“ 10 years and three months.”
Naikuyom ko ang kamay ko ,nanginginig ako sa galit.
Napatawa ito sa sinabi ko,napapalakpak. Ramdam ko ang tinging ipinukol sa’kin ni Biatrez,nagtataka.“ Oh well,you still remember . I’m amazed,how’s Amanda anyway?”
“ Wala kang karapatang banggitin ang pangalan niya!”
Bulyaw ko,lalapit na sana ang tauhan niya dahil sa pagsigaw ko sa boss nila. Pero inilingan ito ng matandang nasa harap ko.Tumawa lang siya at sininyasan ang isang tauhan.
“ Break this two,I want to talk to her first. We will just reminisce our past, and I just miss one of my favorite girl.”
Pinaghiwalay nila kami ni Biatrez,pero hinawakan ko siya ng mabuti at pilit na nakikipag-agawan sa tauhan niya.Bumaling ako sa matanda na nakangisi at tuwang tuwa sa nakikita.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...