NERISSAMabilis akong humarap sa kanya,mali ang pagkakarinig ko di’ba?
“ Ano’ng sabi mo?”
Nakakunot ang nuong tanong ko,tumikhim siya at umiwas ng tingin.
“ Nothing,you can go back to your work now.”
Pumormal ang boses niya at tumalikod na.Napatingin na lang ako sa likod niyang papalayo,ang weird ng lalaking ‘yon. At bakit niya ba ako niyakap,amoy pawis kaya ako.
Naglakad na ako papuntang kusina.Naabutan ko si ‘nay Lara at ate Marj na nag-uusap . Nang makita ako nila ,napatayo sila pareho.
“ Halika,magmeryenda muna tayo. Nagutom ako sa kakahanap sa’yo eh.”
Napangiti lang si ‘nay Lara sa sinabi ni ate Marj at naglagay ng bananaque sa isang plato at inabot sa’kin.Lumapit muna ako sa lababo at naghugas ng kamay.“ Salamat,sakto po at nakaramdam na din ako ng gutom.”
Sabi ko ng makaupo,kumagat sa bananaque at napatingin sa kanila. Naiiling na napangiti,ngumiti na din ako.
“ Hindi ka kasi nagtanghalian,bigla ka pang nawala.Sa sususnod magsasabi ka kung saan ka pupunta,sobra kaming nag-alala ng hindi ka makita.
Si sir Hace napauwi ng sabihin naming hindi ka makita. Nalibot na namin ang buong bahay ,tapos wala ka. Pati ang mga bantay,tumulong na sa paghahanap sa’yo. Naku,kung nakita mo lang ang pag-aalala ni sir Hace kanina.Parang gusto na niyang suntukin ang mga tauhan niya,dahil wala man lang daw nakapansin kung sa’n ka nagpunta.”Hindi na ako nagkomento sa sinabi ni ate Marj at kumain na lang.Malamang nag-alala lang ‘yon,baka takasan ko siya. Hindi niya ako makikita,at hindi niya malalaman ang gusto niyang malaman mula sa’kin. Mahirap ng paniwalaan ang ginagawa niya,hindi ko alam kung magtitiwala pa ako sa kanya.
Lumipas ang ilang araw at naging busy na naman si Hace at hindi pa kami nakakapag-usap ulit.May problema daw sa trabaho,’yon ang sabi ni ‘nay Lara kahit hindi naman ako nagtatanong . Siya na mismo ang magsasabi sa’kin,bumalik ako sa pagtulog sa sahig at naglalatag lang ng higaan. Ng unang gabi lang nangyari ‘yon,sa sumunod ay nagising na naman akong nasa kama na niya.
Iniiwasan ko din siya,ayo’ko muna siyang makausap o makita. Parang naiirita ako sa mukha niya,mainipin na din ako.Magigising akong masama ang pakiramdam,mainit sa katawan palagi kahit pa ang lakas na ng aircon.
Nagbababad ako sa bathtub,wala si Hace ngayon at busy na naman daw. Nakangiti akong naglalaro sa bula ng may tumikhim. Masama ang tinging ibinato ko sa taong nakasandal sa hamba ng pinto. Hindi ko ba na-lock ang pinto? Pa’no nakapasok ang asungot na’to . Naiirita talaga ako sa mukha niya.
“ Ano’ng ginagawa mo dito? “
Napakunot ang nuo niya sa tanong ko,umayos siya ng tayo at naglakad palapit sa’kin.Sinamaan ko siya ng tingin ng tuluyan na siyang makalapit sa’kin. Tinapuan ko siya ng bula,napatingin lang siya sa bulang nasa damit niya.“ What the hell is your problem?”
“ Lumabas ka nga,kita mong may tao dito sa loob eh. Lumabas ka at naiirita ako sa mukha mo!”
Napasinghap siya at sinaman akong tingin,napahawak siya sa mukha niya.
“ What’s wrong with my face?”
Tanong niyang hawak sa magkabilang palad ang mukha.
“ Nakakairita ang mukha mo,lumabas ka. Ayo’kong nakikita ang mukha mo,labas!”
Napasinghap s'ya sa sigaw ko,napaatras.
“ May I remind you,that this is my house?”
“ Wala akong paki,labas na!”
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomansPUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...