NERISSA
“Umiiyak ka na naman.”
Napalingon ako sa nagsalitang si tiyang, yumuko ako at pinunasan ang luha. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko at hinaplos ang likod ko.
“ Magiging maayos din ang lahat,sa ngayon kailangan mong magpahinga . Para na rin sa anak niyo,pilitin mong kumain at magpahinga .”
Napaiyak ako ulit na niyakap si tiyang,humagulhol na ako. Akala ko ,naubos na ang luha ko. Isang buwan na rin akong umiiyak. Oo ,isang buwan na simula ng mangyari ang lahat na ikinaguho ng mundo ko.
Akala ko magiging ayos din ang lahat kapag nakabalik si Hace. Nakatulog ako sa sopa sa kakahintay sa kanila,nagising lang ako ng makarinig ng sigawan at ingay sa paligid. Nang tuluyan akong magmulat,umuusok na ang paligid. Nataranta akong nagtakip ng ilong para hindi masinghot ang usok.
Hanggang sa nakita kong pumasok si Amanda ,may kasama siyang mga lalaki na inuutusan. Nakatingin lang ako sa kanya ng lumapit siya sa’kin at hilahin ako palabas ng bahay.Nakatulala ako,hindi ko alam kung ano’ng nangyayari. Nang tuluyan kaming makalabas ,napalingon ako sa bahay na na kinakain na ng apoy. Napaigtad ako ng biglang may sumabog,nagsasalita si Amanda pero wala akong maintindihan. Hanggang sa niyakap niya ako at dinala sa loob ng sasakyan.
Namalayan ko nalang na umandar na kami,napatingin ako sa katabi na may kausap sa phone niya.
“ Sila ‘nay Lara at ate Marj!”
Napatingin siya sa’kin,kinabahan ako bigla ng maalala sila.
” They’re fine don’t worry. “
Sagot niya at bumalik sa kausap.
Mabuti nalang talaga dumating si Amanda ng araw na ‘yon,dahil kung hindi . Hindi ko alam kung ano’ng mangyayari sa ‘min.
Akala ko ng makita ko si Draco, ayos na ang lahat at susunduin niya nalang ako sa utos ni Hace.Pero nagkamali ako,hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na kayang gawin ‘yon ni Hillary sa’min. Naiintindihan ko siya sa pinagdaanan niya,pero sa ginawa niya, sa pamilya ko at kay Hace. Pati na rin ang pagtatangka niyang patayin ako sa sunog na ‘yon kung hindi dumating si Amanda.
Nasabi na rin sa ‘kin ni Draco na nasawi rin si Hillary sa nangyaring pagsabog sa gusaling ‘yon. Ngayong wala na siya,hindi ko alam kung magpapasalamat ako . Kasi kung ako lang,gusto kong pagbayaran niya ang kasalanan niya. Sa pamilya ko at sa batas. Masyadong mababaw ang parusang kamatayan para sa isang tulad niya.Kung tutuusin,pwede siyang magbago at magsimula ulit. Pero nabulag siya sa lahat ng nakapaligid sa kanya.
“ Maglahinga ka na ,ako na muna ang bahala dito at magbabantay.”
Kumalma na ako at nakatingin na lang sa nakahigang bulto sa harap namin.
Huminga ako ng malalim at tumingin kay tiyang Merna,masaya ako at nakaligats sila. Buo silang nakabalik sa’kin,pero ang kapalit no’n ang ang sakripisyo ni Hace.
“ Sobra ang pasasalamat ko sa ginawa niya,pinili niya kami na mailigtas kaysa sa sarili niya. At habang buhay akong magpapasalamat sa diyos na binigyan niya tayo ng taong katulad ni Hace. “
“ Sa tingin niyo po talaga ,may diyos?”
Napakunot ang nuo ni tiyang sa tanong ko.
“ Nerissa anak.”
“Magpapahinga na po ako tiyang.”
Tumayo na ako,lumapit ako sa nakahigang si Hace. Hinalikan ko ang pisngi at nuo niya,hinaplos ko ang pisngi niya at ngumiti.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
Storie d'amorePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...