“Ayos ka lang ?”Napalingon ako kay ate Marj at ngumiti.
“Oo naman,ayos lang. Tapos ka ng maglinis sa labas?”
Tukoy ko sa ginawa niyang pagwawalis sa garahe. Nandito kami sa laundry area at ako ang naglalaba.
“Oo,kaya tulungan na kita !”
Akma niyang kukunin ang isasampay ko ng pigilan ko s’ya.
“Huwag na,ako na nito. Kaya ko naman!”
“Ano’ng kaya mo, wala ka ng ginawa kung hindi ang magtrabaho. At ngayon pa pinalipat ka na talaga sa k’warto ni sir Hace! Ano ba talaga ang mayro’n sa inyo at do’n ka na niya pinatutulog sa kwarto niya?”
Nag-iwas ako ng tingin at ipinagpatuloy na lang ang pagsasampay.
“Ano,’wag mong sabihin na hindi ka na naman magsasalita? Kasi kung kasintahan ka ni sir Hace,hindi ka niya pagtatrabahuin dito sa bahay. Eh kahit ang pag plantsa ng mga damit niya ikaw na ang gumagawa.Parang personal alalay ka na niya niyan eh!”
“ Pasensya ka na,kung anuman ang nakikita mo ‘yon na ‘yon. Wala akong ibang sasabihin,nandito ako para magtrabaho.”
Pinulot ko ang basket at aalis na sana ng magsalita ulit s’ya at napahinto ako.
“Pati ba sa gabi pinagtatrabaho ka pa rin niya? O baka iba na ang tinatrabaho mo?”
Napalunok ako at huminga ng malalim. Nakangiti akong humarap sa kanya.
“ Kumain ka na ba ? Nagluto ako ng ginataang langka,baka gutom ka na.”
Napanguso s’ya at nagdadabog na lumapit sa’kin.“ Ang daya mo naman eh,iniiba mo ang usapan .Na kwento din sa’kin ni ‘nay Lara na nagsagutan na naman kayo ni sir Hace kahapon dahil sa nasunog mong damit niya. Ano ba kasing iniisip mo at nasunog ang damit na plinantsa mo? O baka naman,ini-imagine mo si sir Hace. Ano masarap ba,sigurado akong natikman mo na ‘yon. Ilang araw na rin mula no’ng pinalipat ka na niya sa kwarto niya eh!”
Napailing ako sa sinabi niya, nalaman pa pala ‘yon ni ‘nay Lara kahit hindi ko na nasabi pa sa kanya kahapon.Binangga nito ang balikat ko,napailing lang ako at tinalikuran s’ya.
“ Hoy sandali lang,sabihin mo muna kung masarap nga si sir Hace!”
Hindi ko s’ya pinansin at deretso lang ang lakad,napalingon pa ako ng marinig itong magreklamo.
" Aray ko 'nay naman eh, sandali lang!"
Hawak ni ‘nay Lara ang tainga nito at hinila sa likod bahay.Natatawa akong napailing,tumuloy na ako sa loob at dumeretso sa kusina. Nakaramdam ako ng uhaw kaya nagsalin ako sa baso ng tubig.Mabilis ko ‘yong ininom at napahingang malalim.
Wala nang ibang ginawa si Hace kung hindi ang pahirapan talaga ako.Utos doon,utos dito.Pinalipat niya na rin ako ng kwarto at do’n na ako natutulog sa kwarto niya. At tulad ng sabi ko ,hindi kami magkatabing matulog.Maliban na lang pagkatapos ng aming pagtatalik.
Kagaya kagabi,matapos niyang makaraos ay basta niya na lang akong iniwan sa sopa at pumasok sa kwarto. Naalala ko pa ang nasabi ko sa kanya kahapon.
Totoo naman talaga na pagod na ako.Hindi pa din kasi nagpapakita si tatay Ronaldo at mas lalo s’yang nagagalit ngayon. Napahawak ako sa kamay kong may paso ,mahapdi s’ya.Pero mas mahapdi ang puso ko .Sa mga ginagawa niya sa’kin sa araw-araw,maswerte na ako kung hindi s’ya nakakauwi ng bahay.Naisip ko tuloy,pa’no kung sabihin ko na kaya sa kanya? Baka sakali,maraming beses na ‘yong sumagi sa isip ko.Baka sakali na magbago ang trato niya sa’kin.
BINABASA MO ANG
SOLD TO A HEARTLESS DEVIL ( UNEDITED )
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC ❤️ MONDEÑEGO SERIES #1 He is a heartless devil. A manipulative devil, and He can get what he wants. She is just an ordinary girl, living her life with her siblings. But one day, men in black came to their home. And that time...