Alyssa POV
"Hi sir, welcome po. Tagal niyo pong di nakabisita," sumulyap sa akin si manong guard, "Good morning din po ma'am. Pasok po kayo."
Nginitian ni Gael si manong guard bago niya binuksan ang glass door at pinauna akong pumasok.
Ang building na ito ay pag aari ng kaniyang mama, na ngayon ay pag aari na ni Gael.
Grabe, sobrang yaman talaga nila. Everytime na kasama ko siya, palagi akong sinasampal ng katotohanang mahirap lang ako.
I was looking and roaming my eyes when suddenly someone grabbed me, napatingin ako sa nilalakaran ko kanina.
Kung hindi ako hinila, siguro nauntog na ang ulo ko sa poste.
"Alyssa you should be careful while walking. Sa daan ka tumingin hindi sa taas." Galit ang boses ni Gael. Hinarap ko siya at yumuko, "Sorry..." Sabi ko.
"Hold my hand. Baka sa susunod mauntog ka na.." inilahad niya sa akin ang kamay niya, tinanggap ko yun at naramdaman kong pinisil ni Gael ang kamay ko.
And once again, i felt something weird inside my stomach.
Pumasok kami sa isang jewelry store. Nag bigay galang sa amin ang sales lady at iginiya kami paupo sa kanilang sofa. Binigyan niya kami ng tig-iisang brochure ng kanilang mga alahas.
"Pick whatever you want and I'll buy it. Kahit ilan." Saad nito habang nakatingin sa akin.
Tiningnan ko ang mga alahas na nasa kanilang brochure at chinicheck ang presyo na kahit ibenta ko ang laman loob ko ay hindi ko pa din ma-aafford yun.
"Gael, hindi mo naman kailangan bilhan ako, may mga alahas naman sa bahay, pwede namang yun nalang ang gagamitin ko."
Sumandal si Gael, "I'm not allowing you to wear those old jewelries, Alyssa." Hinawi ni Gael ang buhok ko upang makita niya ang aking leeg, "You skin and neck is too precious, baka mag karoon ka ng rashes kapag sinuot mo yun."
Pinamulahan ako ng pisngi at ibinalik ang buhok na hinawi niya. Pagkatapos ay nag titingin nalang ng pwedeng bilhin sa brochure.
Natigil ako sa pagbuklat nang mapansin ko ang isang simpleng kwintas. It's a simple gold butterflynecklace but it costs a thousands.
Marahil ay totoong diamonds yung nasa butterfly at hindi peke ang gold kaya halos mag isang million na ang presyo niya.
"Do you like it?"
Napatingin ako 'kay Gael na ngayon ay nakatingin sa kwintas na tinititigan ko.
Kaagad akong umiling, "Hindi! Hindi, tinitigan ko lang." Napanguso ako, I really like it..
"Then, nakapili kana ba?"
Kaagad akong tumango at tinuro ang kwintas na nasa 40 thousand ang presyo, nanlaki ang mga mata ko at akmang babawiin nang tawagin ni Gael ang manager.
"We'll buy this."
Napanganga ako, "Ga-gael! Wag na ang mahal..."
Nag tatakang tumingin si Gael, "it's not expensive as you think it is, Alyssa." Tila parang wala lang sakaniya ang 40 thousand na presyo.
Napanganga ako at nakasunod lang ang tingin 'kay Gael na kinakausap ang manager.
Yumuko ako at kinakalikot ang daliri ko. Kailangan niya ba talaga akong bilhan ng kwintas na sobrang mahal?
"Let's go?" Napaangat ako ng aking tingin, napatitig ako 'kay Gael na ngayon ay nakalahad ang kamay sa akin.
Bumuntong hininga nalang ako at tinanggap ko yun, sabay kaming lumabas ng Jewelry store at umabot pa kami ng ilang oras sa kakabili bago namin napag desisyonang kumain sa restaurant.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage
RomantizmShe dreams of having her own family. She wanted a happy family and a loving husband, but that dream was crushed when she met the most heartless man everyone known. She was forced to marry someone she had just met, and that man was Gael Zavier Gonzal...