Warning: R-18
Napaigtad ako sa sobrang lakas ng pagbagsak ng pinto nang pumasok si Gael sa aming kwarto.
Binalingan ko siya, binaba ko ang mga damit na tinutupi ko. Mainit ang kaniyang ulo at namumula ang mukha, marahil ay dahil sa galit. Niluwagan niya ang kaniyang necktie at napaupo sa kama.
"A-ayos kalang ba?" Concern na tanong ko.
Masama ang tingin na binalingan niya ako at tumayo, malayo ang distansya naming dalawa pero napaatras pa din ako.
"You know what? This is all your fault. My girlfriend, the girl that I love, broke up with me because of you!" Tumulo ang kaniyang luha, "Do you even know how important she is to me?! Kung hindi ka pumayag 'kay papa na ikasal sakin, edi sana hindi umalis si Prima sa buhay ko!"
Napayuko ako, "Hindi ko din naman ginusto 'to. Maniwala ka man sa hindi, wala lang talaga akong ibang choice kundi ang tanggapin ang alok niyang ikasal sayo sa loob ng isang taon..." Mahinang saad ko.
Sarkastikong tumawa si Gael, "Really? Walang choice? What is it that you want, huh? Money?! If its a yes, then just say it! And i will give it to you!"
Napaigtad ako sa sobrang lakas ng kaniyang boses, isang buwan matapos kaming ikasal, ramdam kong ayaw talaga sa akin ni Gael, bukod sa hindi niya ako kilala ay may mahal na siyang iba. Pero kahit ayaw niya sakin, ay hindi niya ako sinasaktan. Nasisigawan, oo, pero never pa niya akong sinaktan ng pisikal.
"Hindi ko kailangan ng pera..." Mahinang sabi ko habang nakayuko.
"Then bakit kapa nandito?! Kung hindi mo kailangan ng pera bakit ka pumayag na ikasal ka sa akin!?"
Hindi ako nakasagot. Malaki ang dahilan ko kung bakit pumayag ako sa alok ni Mr. Alejandro Gonzalez, ang ama ni Gael Zavier Gonzalez. At napag usapan namin pareho na hinding hindi ko sasabihin 'kay Gael ang dahilan.
Nanatili akong tahimik, hanggang sa umalis si Gael sa kwarto at pabagsak na naman niyang sinara ang pinto.
Napadaosdos ako ng upo sa sahig, niyakap ko ang aking tuhod at palihim na umiiyak. Ganito palagi ang ginagawa ko sa loob ng isang buwan, everytime na matapos na akong sigawan at sisihin ni Gael ay umiiyak ako.
I'm too soft and fragile, hindi ako palaging nakakaligtas sa sigaw ni Gael, kahit simpleng galit niya lang ay iniiyakan ko.
Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng kwarto, dali dali akong tumayo at tumalikod para mag punas ng luha dahil akala ko ay si Gael ang pumasok.
"Hija, ayos kalang ba? Sinigawan ka na naman ba ni Gael?"
Kinagat ko ang pangibabang labi ko at tumingin 'kay Manang Rosita, ang natatanging kakampi ko sa loob ng mansyon.
Patakbo ang lumapit sakaniya upang yakapin siya at isubsob ang mukha ko sa kaniyang dibdib. Hindi pa ganun katanda si Manang, mas matangkad siya sa akin at gustong gusto ko ang pagiging chubby niya.
Napabuntong hininga si Manang, "Tahan na.."
Napahikbi ako at mas lalong sinusbob ang aking mukha hanggang sa manghina ang aking tuhod at pareho kaming napaupo sa sahig. Hindi ko na namalayan kung gaano katagal akong umiiyak, naramdaman ko nalang na bumibigat ang tulikap ng aking mga mata at pumikit na.
Nagising ako at kadiliman ang bumungad sa 'akin, mukhang ginabi ako ng gising. Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table at napabuntong hininga nang makitang ala una na ng madaling araw. Hindi ako nakakain ng dinner..
Akmang babangon na ako nang maramdaman kong may mabigat na bagay ang nakayakap sa akin, at hinila ulit ako pabagsak sa kama.
I sighed, eto na naman.. Lasing na naman siya. Hinayaan ko ang sarili kong humiga sa kama, umikot ako paharap 'kay Gael, ang aking asawa.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage
Roman d'amourShe dreams of having her own family. She wanted a happy family and a loving husband, but that dream was crushed when she met the most heartless man everyone known. She was forced to marry someone she had just met, and that man was Gael Zavier Gonzal...