Alyssa POV
Grammar and typographical errors ahead. Edit ko nalang kapag may time hahaha
After I told Gael about what happened to Allison we rushed into the hospital. Pero bago kami pumunta doon ay iniwan namin si Gabriel sa kaibigan niyang si Prime.
"Sav!" Kaagad akong lumapit kay Savannah at hinawakan siya sa magkabilang balikat at marahang pinisil yun. "N-na-nakita ba sa cctv?"
Tumango si Savannah at napahikbi, "Sorry, Alyssa... Hindi ko alam, sana hindi ko nalang iniwan saglit si Allison. I'm sorry, this is all my fault."
Umiling ako, "No no.. Hindi, hindi mo kasalanan yun. Sadyang demonyo lang ang kung sino man ang dumukot sa anak ko!" Although may clue na ako kung sino man ang may gawa nito.
Tumayo ako at lumapit kay Gael na ngayon ay may kausap sa telepono, "Gael? Ano nang balita?! Wala paba? Baka kung ano na nangyari sa anak ko!!"
Hinawakan niya ako sa balikat, "Calm down, tinatawagan ko na si Xyril, he's good at tracking someone."
Tumango ako, maya maya lang ay tinawag na kami ng guard para pumasok sa cctv room. Doon namin pinanood kung sino ang dumukot sa anak ko.
"There! Stop it. She's suspicious, kwarto yan ni Allison." Ani ni Savannah habang nakaturo sa monitor.
Naningkit ang mga mata ko, hinuhulaan kung sino ang babaeng pasilip silip sa kwarto nang anak ko.
Pinanood ko ang kilos niya, maya maya lang ay pumasok siya sa kwarto, pagkalabas ay bitbit na niya ang anak ko.
"Allison...."
Napalunok ako, hindi ko makita ang mukha ng babae dahil sa sombrerong suot niya.
"That's Prima..." Bulong ni Gael, dahan dahan akong napatingin sa kaniya ayun na naman ang takot na naramdaman ko na baka may gawin silang masama sa anak ko.
Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko dahilan para manikip yun at mahirapan ako sa paghinga.
"How... How did you know?"
"The jacket. The jacket was mine and she said she wanted it that's why I gave it to her."
Nanghihina akong napaupo sa sahig. Hawak ni Prima ang anak ko, ibig sabihin kasama niya si Isabela tama? No. No. Hindi pwede. Wag ang anak ko.
Nanginginig ang mga kamay kong napakapit sa jeans ni Gabriel at lumuhod, "Please! Yung anak ko, Gael. Yung anak ko!"
"Alyssa!" Pinilit akong patayuin ni Savannah pero winaksi ko lang ang mga kamay niya at pinalayo sa akin. Saktan niyo nalang ako, wag lang ang anak ko.
"Alyssa, stand up! Tumayo ka," umiling iling ako at inuulit ulit kong banggitin ang pangalan ni Allison, "Alyssa!!! Calm down!"
Doon ako natauhan, nanginginig ang mga kamay kong napabitaw sa jeans ni Gael at ngayon ay nalipat ang mga kamay ko sa buhok ko. Sinasabunotan ang sarili ko at sinisisi dahil naging pabayang ina ako.
"Alyssa! Tama na!! Please! Help her! Hindi pa siya magaling, Gael!"
Narinig kong tumawag ng doctor si Gael at mamaya maya lang ay may nag si-datingang doctor upang pakalmahin ako, pero di nila nagawa kaya may kung anong itinurok sila sa braso ko dahilan para antokin ako.
"Allison... Gabriel.. Gabby.." Sabi ko bago ako lamunin ng kadiliman.
Savannah POV
Seeing my best friend in this kind of situation pains me. Kung hindi ko lang iniwan si Allison edi hindi sana nangyari 'to!
Napaiyak ako dahil sa frustrasyong naramdaman ko. Why did I let this happen? Alam ko ang sitwasyon ni Alyssa, alam kong hindi pa siya magaling sa trauma niya, sa lahat lahat!
At kung sakali mang may mangyaring masama kay Allison, sigurado akong mababaliw na naman siya!
I have to call my parents. But they already neglected me. At ayaw ni Alyssa na manghingi ako ng tulong sa magulang ko lalo na kapag problema niya. But I can't stand this!
Napapadyak ako sa sahig at napatingin kay Gael na ngayon ay may kausap sa telepono. Pinapatrack niya si Prima kay Xyril.
Naikuyom ko ang kama-o ko at nilapitan si Gael, "Call me pag nakuha mo na ang location. Tatawag ako ng pulis."
Hinawakan ako ni Gabriel sa balikat para pigilan ako, "No! You can't do that! Baka ginawang hostage ni Prima ang anak ko, ayokong mapahamak si Allison."
"They are not a normal police, Gael. Alam mo kung anong ibig kong sabihin kahit lumihis na kayo sa grupo!"
Nag dilim ang mukha niya, "You're not a member anymore!"
Tinampal ko ang kamay na nakahawak sa balikat ko, "But my sister does!"
"You know the consequences onces na manghingi ng tulong ang myembrong lumihis na sa grupo!"
"I don't care about the consequences! I would sacrifice everything for Alyssa! It's time for me to do something for her too. Eh ikaw ba?"
Nag tagis ang bagang ni Gabriel, "You knew the reason why I refused to become one of them. Now go. I already received the location, I'll send it to you, be quick, Ms. Dark."
Napangisi ako at kaagad na tumakbo palabas ng hospital. Consequences? Pft! Who cares if I marry Mr. Light kung babalik ako? I'm the boss and will forever be a boss.
A/N: Itutuloy ko pa rin pala talaga yung series, kala ko hanggang drafts lang. 😀
A/N: Thank you sa bumasa ng story ko kahit kunti lang kayo. Na appreciate ko, aym so happy. 😩
BINABASA MO ANG
Forced Marriage
RomanceShe dreams of having her own family. She wanted a happy family and a loving husband, but that dream was crushed when she met the most heartless man everyone known. She was forced to marry someone she had just met, and that man was Gael Zavier Gonzal...
