Chapter 32

5.2K 75 4
                                    

Alyssa POV

"What is this, Alyssa? Bakit hindi mo sinabi na may kakambal pala si Allison?" Walang emosyong tanong niya nang makapasok ako sa kwarto.

Tamad akong napatingin sa mukha niya, "Sasabihin ko naman sayo ang tungkol kay Gabriel once na sigurado na akong hindi mo siya ilalayo sa akin."

Napabuga ng hangin si Gael at napasuklay sa kaniyang buhok gamit ang mga dali. Nameywang siya at pagak na natawa.

"How many time do I have to tell you na hindi ko nga ilalayo si Allison sayo? Alyssa, you're being unfair... Sobrang tagal kong nangulila sayo at nag luksa sa pagkamatay ng anak ko. Dalawang beses ako nag luksa sa pagkawala niya, iba ang sakit na naramdaman ko noong malaman ko ang totoo galing sayo. Mas nasaktan ako nang malaman ko lahat ng nangyari sainyo! Kaya paano ko masisikmurang ilayo ang mga anak natin sayo gayong alam ko kung gaano kalaki ang sinakripisyo mo mapalaki lang sila ng maayos?!"

Natahimik ako at nag salubong ang kilay ko dahil di ko alam ang isasagot ko.

Hindi ko ma-explain kung bakit di ko siya magawang pagkatiwalanaan. Pakiramdam ko, ilalayo nila sa akin ang mga anak ko, pakiramdam ko hindi sila papayag na makasama ko ang anak ko.

Nag tagis ang bagang ko, lumalabo ang paningin ko dahil sa luhang namumuo sa mga mata ko.

Nakita yun ni Gael dahilan para mapabuntong hininga siya at hawakan ang mag kabilang balikat ko.

"Look. I understand, okay? Naiintindihan ko kung bakit ganun ka nalang kahigpit at nahihirapan mag sabi sa akin. Paano ko ba maibabalik ang tiwala mo sa akin? Kasi ako, gusto ko lang kayong makasama, gusto ko lang kayong makita, mayakap, at makausap. Wala na akong iba pang hinihiling kundi ang makasama kayo."

Tumulo ang luha ko, I feel like I'm really a selfish person. He deserves to be with them, with Allison and Gabriel pero pinagkakait ko.

Pinunasan ni Gael ang luha ko, "Willing akong tumira dito, kahit sa kalsada or bangketa pa yan, ayos lang. Kung sa ganung paraan ko makukuha ang tiwala mo, gagawin ko, kahit gaano pa katagal yun, ayos lang sa akin. Gusto ko lang talaga ulit kayo makasama. Kaya pagbigyan mo na ako, please? Hayaan mo akong bumawi sa pitong taong pagkukulang ko."

Napahikbi ako at napayuko, gusto kong sampalin ang sarili ko dahil pinagkakait ko kay Gael ang pagiging ama, hindi lang yun, pinagkakait ko din sa mga bata na maramdaman ang pagmamahal ng isang ama.

Pero ang hirap mag tiwala lalo na't galing sa pamilya niya ang dahilan kung bakit nawala ang isang anak ko. Alam kong wala siyang alam at kasalanan pero hindi ko lang talaga kayang mag tiwala sa kahit na sino, kahit pa kay Gael.

"S-susubukan ko. Basta wag mo lang ilayo sa akin ang mga anak ko, mababaliw na ako, Gael..."

"Shhh.. Hindi, hindi ko sila ilalayo sayo, pangako yan." Aniya habang nakahawak sa mag kabilang pisngi ko.

Tumango ako at niyakap ako ni Gael dahilan para maiyak ako lalo. Ano ba ang dapat gawin ko? Kailan ba ako magiging maayos? Kailan ba ako magiging okay? Kasi pagod na ako, pagod na pagod na.

Kung hindi lang dahil sa mga anak ko, marahil ay matagal ko nang winakasan ang buhay ko.

"I'm sorry for shouting at you. I shouldn't have done that. Hindi ko ilalayo sayo si Allison at Gabriel, I promise. Kung saan ko man sila dadalhin, dapat kasama ka, okay?"

Tumango ako, susubokan kong mag tiwala ulit sakaniya, sana sa pagkakataong ito magiging maayos ako, ang mga anak ko. Kahit hindi na kami mag kabalikan ni Gael, ayos lang.

Humiwalay si Gael mula sa pagkakayakap sa akin, "So, alam na pala ni Gabriel na ako ang papa niya? I think I saw him before, hindi ko lang matandaan kung kailan."

Natawa ako, "I think he's the one who stole your favorite watch." Sabay turo ko sa relo niyang nakasabit sa dibdib.

Nag tataka naman siyang napatingin doon at gulat na gulat na binalik ang tingin sa akin dahilan para matawa ako.

"Gabriel is still young. Kasalanan ko ata kung bakit sa murang edad niya sobrang mature na niya. Dapat nga sa edad niyang yan, nag lalaro sa labas eh, yung uuwing madungis at makulit. Pero mas pinili ni Gabriel na mag basa ng medical books at samahan si Allison sa loob ng bahay. Although nakikita ko sa mga mata niya na gustong gusto niyang makipag laro sa mga bata sa kapitbahay."

Nawala ang ngiti sa mga labi ko, "Nasaksihan ni Gabriel kung paano ko sinaktan ang sarili ko." Pinahid ko ang luha sa mga mata ko, "Hindi ko alam na gising pa pala siya, kaya nakita niya lahat.."

"It's not your fault. I'll help you, just trust me. Hinding hindi ko na hahayaang masira yan. Hindi na din ako aalis."

Napatingin ako sa mga mata niya, he's serious.

Napayuko ako, "And what about Prima and Isabella?"

"You don't have to worry about them, ako na ang mag aasikaso doon. Sadyang hindi pa kami tapos sa pag iimbistiga."

Tumango nalang ako, hangga't wala siyang ginagawang masama sa anak ko, hinding hindi ko siya papakialaman.

Bumuntong hininga ako at tumayo, binuksan ko ang pinto ng kwarto at sinenyasan si Gael na lumabas.

Naabutan naming nag babasa na naman ng libro si Gabriel at nang mapansin niya kami ay kaagad siyang tumakbo papunta kay Gael.

"Did you save, Allison na po sir Gael?"

Nagulat ako sa tawag niya kay Gael, nag aalala naman akong napatingin kay Gael at nang makita ang lungkot sa mga mata niya ay napaiwas ako ng tingin.

"Yes, para kay Allison gagawin ko lahat, para na din sayo."

"Wala po akong kailangan. Si Allison lang po ang gusto kong tulungan niyo. Ayoko na pong mag suffer siya, sabi niya gusto na din daw niya pong pumasok sa school."

Napakagat ako ng pangibabang labi ko at nag desisyong lumabas ng bahay. Hindi ko kayang marinig lahat ng lumalabas sa bibig ni Gabriel. I'm so sorry anak, ginawa ni mama ang lahat pero sadyang may taong pumipigil lang doon.

Sandali akong napatigil sa pag-iisip nang biglang tumawag sa akin si Savannah, kaagad kong sinagot yun pero tanging pag iyak lang ang naririnig ko sa kabilang linya.

Bigla akong kinabahan, "Sav? Nasaan si Allison?"

Napahikbi si Savannah, "N-nag cr lang ako saglit, Alyssa, paglabas ko biglang nawala si Allison..."

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa likod ko, hindi ako makagalaw, hindi ako makakapag salita.

Nawala? Si Allison? Bakit? Hindi... Hindi maari yun.

"B-baka andyan lang, Sav. Hanapin mo please..!"

"Wala talaga, Alyssa. Kanina ko pa hinanap si Allison. Saglit lang akong nag banyo pagkalabas ko wala na siya!" Umiiyak na sabi niya.

Kahit nanginginig ang mga binti ko at umiikot ang paningin ko sa pagkahilo ay sinubokan kong pumasok sa loob ng bahay.

Kailangan kong sabihan si Gael.

Nang makapasok ay kaagad ko siyang tinawag, nilingon naman niya ako at kita ko ang pagtataka sa mukha niya nang makita akong nanginginig at lumuluha.

"Gabriel... Si Allison, nawawala!"

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon