Chapter 15

5.3K 75 8
                                    

Alyssa POV

Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko at bumangon, napahawak pa ako sa tagiliran at ulo ko bago ko ipinalibot ang tingin ko.

Anong nangyari? Bakit ako nawalan ng malay?

Habang inaalala ang buong pangyayari bago ako mawalan ng malay ay isa isa namang bumuhos ang luha ko.

Gael.. Hindi ko na kaya dito.. Masyado na nila akong sinasaktan.

"Alyssa! Bakit ka bumangon?"

Napatingin ako 'kay Manang, "Anong oras na manang?"

"Madaling araw pa. Nag dala ako ng doktor. Huwag kang mag alala mapag kakatiwalaan 'tong batang ito. Humiga ka, mabilis!"

Nag tataka man ay ginawa ko ang sinabi niyang humiga. Masyado lang naman akong nabigla kanina kaya ako nahimatay..

"Ninang...? Nasaan na ang pasyente?"

Napatingin ako sa pinto nang makarinig ng pamilya na boses. Nanlaki pa ang mga mata ko at gusto ko na sanang tumayo para tanongin siya kung kamusta na si Gael pero pinigilan niya ako.

"Jaxon.. Nasaan si Gael? Gusto ko siyang makausap, gusto kong malaman kung totoo ba ang sinasabi sa akin ni Prima.." Ani ko habang nakakapit sa mag kabilaang braso niya at nag mamakaawa.

"Mamaya sasabihin ko, humiga ka muna, ikalma mo sarili mo. Lalo na ngayong buntis ka."

Nanlamig ako at parang kinilabutan sa narinig mula sakaniya, guni guni ko lang ba yun? "A-ano? Pa-paki-ulit?"

"Buntis ka, Alyssa. Kung patuloy mo pa ding i-stressin ang sarili mo, baka mawala pa sayo ang dinadala mo."

Nanginginig ang kamay kong napahawak sa puson ko na kung saan nandoon ang bata na nasa sinapupunan ko.

"Pa-paano? Nag kakaroon ako ng dalaw? Though hindi normal dahil minsan three days lang.."

Napakamot sa kilay si Jaxon, "Actually there's this thing called spotting." Namulsa si Jaxon, "I suggest you na mag pacheck-up ka para malaman mo kung ilang buwan kanang buntis."

Hinaplos ko ang tiyan ko, "Hindi ako makalabas ng bahay... Inaantay ko si Gael. Nangako ako." Mahinang bulong ko habang nakatitig sa kawalan.

Dahan dahan akong napatingin kay Jaxon, "Totoo bang mag kasama sila ni Prima sa loob ng isang buwan?" Tanong ko, pinipigilan ang hikbi na gustong kumawala.

Dahan dahang tumango si Jaxon na ikinadurog ng puso ko, "Kasama ako sa pagpunta ni Gael sa Taiwan. Though dalawang linggo lang ako because my wife gave birth to our son." Tinitigan ako ni Jaxon, "I'm only saying the truth based on my own perspective, Alyssa. Mas better pa din kung si Gael ang tatanongin mo. Here, tawagan mo. May dala akong phone."

Dahan dahan akong tumayo kahit gustong gusto kong mag madali, hinanap ko sa contacts niya ang phone number ni Gael at tinawagan ko yun.

Ni-loud speaker ko pa para marinig ko kaagad, the phone rang five time before he pick up.

Tahimik ang kabilang linya, "Gael..."

Hindi pa din nag salita ang kabilang linya, pero may narinig akong kaluskos na ikinabuhay ng loob ko, "Gael.. Please tell me the truth.. Mag kasama ba kayo ni Prima the whole time? Bakit hindi kana tumatawag sa akin? I didn't have a chance to talk to you because Señiora Isabela took my phone, she hid it from me at ibabalik niya lang kapag tumatawag ka. Gael? Please tell me the truth, nag mamakaawa ako. Kaya kong tiisin lahat ng pagsakit nila dito maantay lang kita, kaya kong tiisin lahat malaman ko lang na hindi totoo lahat ng sinabi nila sa akin. Gusto kong sayo ko mismo marinig yun, gusto kong sabihin mo sakin.. Please.." Napayuko ako at napahagulgol.

"Its true. What they told you is true." Matigas na ani ni Gael na ikinabigla ko. His voice and tone... Is weird dahilan para mas lalo akong kabahan.

Nanikip ang dibdib ko dahil sa huling sinabi niya,

"I don't like you nor I don't even love you. Isa lang ang babae sa buhay ko, si Prima yun at hindi ikaw. So stop assuming and daydreaming. Kasi hinding hindi ako mapapasayo."

"Kung ano man ang sinabi ko at pinangako lahat ng yun ay hindi totoo. All of them was just a bull crap for me."

"So, just leave. I don't want you since my father gave me the inheritance already."

He then ended the call.

"What the fuck....?" Gulat na ani ni Jaxon.

Natulala ako, pero ang mata ko ay lumuluha na sa sobrang sakit ng mga salitang binitawan niya. Napahagulgol ako sa iyak, niyakap naman ako ni Manang at kinuha naman ni Jaxon ang cellphone niyang aksidente kong nalaglag.

"Shet, latest model 'to.." bulong ni Jaxon.

"Ikalma mo ang sarili mo, Alyssa. Tama na ang kakaiyak, hindi maganda sa buntis ang palaging stress.." Ani ni Manang na umiiyak na din.

Napatigil ako at napahawak ako puson ko, that's right... Nang dahil sa narinig ko kay Gael akala ko walang wala na ako. But i have her or him now.

Pinahid ko ang luha ko, "Paano ako makakalabas sa mansyong ito?"

Binitawan ako ni manang, kumuha siya ng trash bag at doon niya inilagay lahat ng mga damit ko.

"Wala akong maleta, wala akong ibang magagamit kundi ito lang kaya pag pasensya mo na, Alyssa. Pero gustong gusto ko na mapaalis ka dito, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil hindi ko na kaya ang ginagawa nila sayo. Masyado kana nilang pinagmamalupitan! Kung hindi ko pa isasangga ang katawan ko sayo siguro ngayon ay patay kana!" Mangiyak ngiyak na ani ni Manang.

Nakagat ko ang ibabang labi ko at niyakap siya sa likod, "hinding hindi ko po kayo makakalimutan.." tumingin ako kay Jaxon, "Pwede mo ba akong tulungan makaalis? Ihatid mo lang ako sa cavite..."

Tumango si Jaxon. Napahawak ako sa aking tiyan. Napatingin ako doon at napaluha. I'm sorry baby, dahil satingin ko ay hindi ko kayo mabibigyan ng magandang buhay...

Nang matapos si manang ay itinali niya yun at ibinigay sa akin, wala na siyang sinabi pa at tumalikod nalang matapos niyang ayusin at ilagay sa trash bag ang mga gamit ko.

Kinuha yun ni Jaxon, hinawakan niya ang pulso ko at nag tungo kami sa kusina. Doon kami lumabas, umikot pa kami para lang makarating sa garahe.

Pinapasok ako ni Jaxon saka naman siya walang imik na pumasok sa kotse at pinaandar niya yun.

Napatingin ako sa labas ng bintana. Parang ngayon ko lang napansin na sobrang laki pala talaga ng mansyon na ito.

Eto yung mansyon na nag bigay sa akin ng saya at kasabay doon ang mala impyernong buhay...

I'm leaving the mansion. And eaving the memories and feelings that I have for Gael at the same time.

How silly of me to fall inlove with someone I can't have.

How fool of me to fall inlove with you for just a short amount of time?

How stupid of me to think that I believed those promises? Promises na galing sa taong may mahal nang iba..

Ang tanga ko kasi lahat ng yun kinalimutan ko.

How stupid? This marriage won't work, and it will never work because it's nothing but a forced marriage between us..

To be continued

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon