Chapter 7

6.2K 72 14
                                    


I was busy reading a book when a maid announced that I have a visitor.

Nag tataka naman akong tumingin sakaniya, sino ba naman kasi ang bibisita sa akin eh wala naman akong ibang kilala? Maliban nalang kung...

Kaagad akong tumayo at patakbong lumabas ng mansyon, kaagad kong binuksan ang gate at nakagat ko ang labi ko nang makumpiramang si Savannah nga ang bisita ko.

"Sav! I missed you so much!" Sabi ko habang kayakap siya.

"Ang gara mo ah! Ang yaman pala ng asawa mo, sayang hindi ako naka attend sa kasal niyo."

Malungkot akong napangiti sakaniya, "I'm sorry.. Isang buwan lang kasi yung preparation eh. Tsaka timing din kasing may exam ka that time." Pinapasok ko siya sa mansyon at pinaupo sa sofa.

Kumuha naman ako ng prutas at nag patimpla ng juice.

"How are you, Alyssa? Mag dadalawang buwan na nang ikasal ka."

Ngumiti ako, "I'm good. Maayos naman buhay ko dito."

Kumuha ako ng apple at kinagat yun

"Hindi ka naman minamaltrato ng asawa mo?"

Umiling ako, "He's good. He really takes good care of me kahit palagi niyang sinasabi na hindi niya ako gusto at kinamumuhian niya."

Napalabi ako, kapag naaalala kong kinamumuhian ako ni Gael parang bumibigat ang dibdib ko.

"Mabuti nga yun at hindi ka inalila eh. Pero baka yung tatay non api-apihin ka."

Natahimik ako, when Savannah mentioned Gael's father, I felt a shiver down my spine.

Umiling nalang ako, "I don't know? Siya naman ang pumili sa akin na pakasalan ko si Gael sa loob ng isang taon eh. Hindi ko nga alam kung bakit, like, I don't even have a good background. Hanggang third year college nga lang ang natapos ko."

Tinampal ni Sav ang noo ko, "Gaga! Anong 'lang'? Kukunti nalang ngayon ang nakaka survive sa third year college. At tsaka ikaw lang ata ang nakita kong sobrang fresh pa din kahit andaming pinapagawa eh."

Lumipat ng upo si Sav, tumabi siya sa akin at bumulong na ipinagtataka ko, "Hey? Ano? May ganap na ba sainyong dalawa ng asawa mo?"

Nag tataka akong nilingon siya, "Anong ganap?"

"Dzuhh! Like seggs ganun?"

Pinamulahan ako ng pisngi, hinampas ko ang braso ni Sav at humalakhak naman ito sabay turo sa akin, "So meron nga?" Saka tumawa ulit, "Masarap?" Bulong niya.

Dumating na ang katulong at nilapag niya sa mesa ang juice na pinatimpla ko, sinigurado ko pang naka alis na siya bago tumingin 'kay Savannah.

Hinampas ko ulit siya pero nakaiwas siya sa akin, "Namumuro na yang kamay mo Alyssa ha? Nag tatanong lang naman ako, alam mo na? Interview para sa kagaya kong wala pang experience. So, malaki ba?"

Mistulang parang kamatis na ngayon ang aking mukha sa tanong ni Savannah, "Sav, ang kalat mo kamo..."

"Kaya ko naman mag linis, eto naman parang mag kukwento lang eh."

Bumuntong hininga ako at kumuha ng grapes. Kinagat ko yun and at the same time bumukas ang pinto ng mansyon at pumasok doon si Gael.

Sinulyapan niya ako at tinguan ng isang beses bago sumulyap 'kay Savannah. Habang papalapit si Gael sa pwesto namin ay niluluwagan niya ang kaniyang necktie.

"Gago ang pogi..." Bulong ni Savannah.

Lumapit sa akin si Gael at hinalikan ako sa noo, napahawak ako doon at nag tatakang tiningnan siya, "Have fun." Sabi niya bago tumalikod at umakyat.

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon