Alyssa POV
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto ng bahay namin, nang buksan iyon ay bumungad sa akin si Savannah na nakangiti.
"Ang tagal mo ah?"
Nag kibit balikat ako, "Rumaket pa ako eh, sayang naman kasi yung limang libo."
"Anong raket naman yun teh?"
Umiling nalang ako, "Basta hindi illegal."
Umingos lang si Savannah at pinapasok ako, dumeretso kaagad ako sa kwarto ng kambal ko. Nakita kong nag babasa ng libro si Gabriel while Allison is at his usual spot.
Nilapitan ko si Gab at hinalikan sa noo, "Ipahinga mo ang mata mo kakabasa hm?"
Hindi sumagot si Gab kaya naman ay nag tungo nalang ako kay Ali. Umupo ako sa gilid ng kama at hinawakan ko ang noo niya, hindi na siya ganun kainit. Pero may hika pa din, as usual may tunog pa din ang paghinga niya.
Hinaplos ko sa pisngi si Allison, "Mabigat ba dibdib mo, nak?"
Tumango siya, sinubokan niyang bumangon, pero dahil mahina ang pangangatawan niya ay di niya magawa, kaya tinulongan ko nalang siya.
"Mama, hindi po ako makahinga..."
Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko, napatingin ako kay Savannah na naaawang nakatitig sa aming dalawa, "Kumain naba sila?"
Tumango si Savannah, "Grabe ang hika ni Ali kanina kaya ni-nebulizer ko siya. Paubos na ang gamot niya Alyssa... Wala na din yung parang tubig na ilalagay sa nebulizer niya.."
Tumango ako, sobrang mahal ng mga gamot ni Allison pero kakayanin. Lahat kakayanin wag lang makitang nahihirapan ang mga anak ko.
"Mama.."
Kinuha ko kaagad ang nebulizer ni Ali at kaagad na inayos yun, pinahiga ko siya at isinuot sa kaniya ang oxygen mask.
"Kumain kana ba, baks?"
Tumango ako, kanina pa kumakalam ang sikmura ko, pero once na kumain ako, mababawasan ang perang sinahod ko ngayon.
"Baks? Bat di ka nalang kaya humingi ng tulong sa asawa m—"
"Sav! Hindi ko siya asawa..!"
Hinawakan ni Savannah ang mag kabilang balikat ko, "Baks, aminin mo man o hindi, hindi annulled ang kasal niyong dalawa! Baks babaan mo naman ang pride mo para sa mga bata.."
Tumayo ako at tinitigan si Savannah, "Sinasabi mo bang hindi ko magagawang ipagamot si Allison?"
"Hindi sa ganun, Alyssa..!" Parang maiiyak na ani ni Sav, "Pero tingnan mo naman yang sarili mo! Ang laki ng ipinayat mo! Papayag kabang mapagamot mo nga si Allison pero ikaw naman tong mag kakasakit? Baks, hindi ko naman sinabi sayong ibigay mo kay Gael ang mga bata eh, humingi kalang ng pera, para kay Allison.."
Napakurap kurap ako at napaiwas ng tingin, wala sa sariling napatingin ako sa mga bata. Tama nga si Savannah, kailangan kong babaan ang pride ko, pero everytime na naaalala ko ang mga nagawa nila sa akin umaayaw ako.
Hindi naman kami mag hihirap ng ganito kung hindi dahil sa pesteng matanda na yun eh! Hindi pa enough sakaniya ang umalis ako sa mansyon, talagang tinanggalan niya pa ako ng karapatan mag trabaho.
Dahil sa lahat ng pinapasokan ko pangalan ko palang inaayawan na nila!
Mapakla akong natawa, babaan ang pride? Kingina, "Hindi mangyayari ang ganito kung pinabayaan niya na lang sana akong umalis sa mansyon. Pero hindi Sav. Porket mayaman siya nagagawa niya ang lahat ng gusto niya! Ayos lang sana kung ako lang ang mag hihirap pero hinding hindi ako papayag kung pati ang anak ko madadamay at dinadamay!"
"Pare pareho lang sila na walang puso."
Kinabukasan ay maaga akong nagising para pumasok sa trabaho, hindi pwedeng may absent ako.
"Sav ikaw na bahala dito ha. Wag mong palabasin si Gabriel, baka kung saan na naman yan mag punta. Yung charger ng laptop mo nasa kwarto ko."
Sobrang thankful ko kay Savannah na kasama ko mula ng umalis ako ng mansyon hanggang sa manganak ako. Sa bahay lang siya nag i-stay, dahil online naman ang pinasukan niyang trabaho.
"Ingat ka, baks."
Tumango ako, hinalikan ko sa noo ang dalawang kambal ko na mahimbing na natutulog.
Hinaplos ko ang mukha ni Gabriel. Kapag tinititigan ko siya naaalala ko sakaniya si Gael, paano ba naman kasi? Eh manang mana siya sa tatay niya, habang si Allison naman ay medyo nag mana sakin but overall kay Gael pa din.
Kaagad na akong lumabas ng bahay, pumara ako ng jeep at nang makarating sa fastfood restaurant ay kaagad na akong kumilos.
But to my surprise, mag aalas diyes na wala pa ding costumer na pumapasok.
"Trisha? Bat walang costumers?"
"Ahh, may nag reserve ng buong area eh, birthday ata. Big time teh!"
Nag tataka akong tumango, bat hindi ko alam na may nag pareserve pala ng buong area? Hindi ko man lang alam. Siguradohin lang talaga nila na may ibibigay silang tip.
Bumuntong hininga ako, since nakapag linis na ako ay umupo nalang ako sa isa sa mga upoan, nag cecellphone ako doon at nag titingin ng mga pictures ng mga anak ko.
Napatingin ako sa labas, kasalukuyan akong nag tatrabaho ngayon sa isang fast food restaurant na Jollibee. Itong restu na ito lang ang tumanggap sa akin, why? Kasi tinulongan ako ni Jaxon.
At yun na ang kahuli-hulihang beses na nakita ko siya. I don't want to see him again din naman kasi, kahit sino ba connected kay Gael ay ayaw kong makita. Lalong lalo na si Gael.
I think God didn't heard or answered my prayer because right now, the man that I don't want to see is right in front of me. With his new family.
BINABASA MO ANG
Forced Marriage
Roman d'amourShe dreams of having her own family. She wanted a happy family and a loving husband, but that dream was crushed when she met the most heartless man everyone known. She was forced to marry someone she had just met, and that man was Gael Zavier Gonzal...