Chapter 25

5.6K 75 6
                                        

Alyssa POV

"Alyssa.. What, what are you doing here?" Takang tanong niya habang bumaba ng hagdanan.

Tahimik lang ako at inihanda ang sarili ko, naikuyom ko ang kama-o ko dahil sa kabang naramdaman ko sa aking dibdib.

Sobrang bilis ng tikbok ng puso ko. Kaba nga ba 'to? Or yung nararamdaman kong pilit na inaalis?

Lihim akong napailing, I don't love him anymore. He killed Gabby, my baby, he killed my daughter.

"I want to hear the truth, Gael. Yung katotohanang dapat sasabihin mo sakin noon."

Pagak na natawa si Gael, "Na dapat sasabihin ko lang kapag tinupad mo ang pinangako—"

"I waited for you to come back to me, Gael." Nag tagis ang bagang ko, nag sisimula na namang lumabo ang paningin ko.

Inilibot ko ang paningin ko sa mansyon ni Gael na madilim. Hindi kagaya dati na sobrang liwanag.

"Pero hindi ka sakin bumalik. Bumalik ka kay Prima, hindi sa 'akin. Ikaw ang unang bumali sa pangako mo!"

Nakita ko ang paggalaw ng panga ni Gael, "I did! Bumalik ako sayo, Alyssa! After 1 year na pamamalagi ko sa ibang bansa, bumalik ako. But you weren't there, they said you found someone."

Napahalakhak ako, "Isang buwan lang ang sinabi mong itatagal mo sa ibang bansa pero ngayon naging isang taon na?"

Sinubokan niyang lumapit sa akin pero umatras ako, kinuyom niya ang kama-o niya at nag iwas ng tingin.

"I want to know the truth. Everything."

Tinitigan ako ni Gael, "Fine.. Sasabihin ko sayo ang bagay na dapat kong sasabihin noon"

"It's true about the inheritance. Pero hindi ko ginusto yun, nag protesta ako kay Papa na pwede ko naman pakasalan si Prima kasi siya ang kasintahan ko. But he insisted na ikaw dapat ang pakasalan ko. I was forced to accept it and break up with Prima a month before our wedding. Noong una hindi ko alam kung bakit kailangan ikaw pa ang pakasalan ko kung andiyan naman si Prima."

Sumikip bigla ang dibdib ko. I told myself na handa na ako pero bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Sabi ko sa sarili ko hinding hindi ako mahuhulog sa mukhang perang taong katulad mo, I distanced myself kasi nasisigawan kita. Even though I don't like you and I despise you, ayokong maramdaman mong wala akong respeto sa asawa ko. We're legally married and I'm responsible for you."

"Pero lahat yun nawala, I feel like my defenses are melting. I started to care for you, I started to get jealous, and I don't even know the reason why. Until I found out that I have feelings for you. Not a simple like but I fell inlove with you, Alyssa."

Is this what I wanted to hear? Eto ba ang pinangako niyang aaminin sa akin?

"I worked harder than usual, para may pantustos ako para sa magiging pamilya natin, it may sound cringe but I actually imagine myself having a happy family with you, with a child who looks exactly like you." Tumulo ang luha ni Gael.

"I told my father that I don't need the inheritance anymore noong nasa taiwan kami, kasi wala nang mas mahalaga sa akin kundi ang makasama ka lang. Then he made a deal na mag stay ako doon for one year para sa business. Tinext kita, tinawagan kita, walang araw na hindi ako nag update sayo patungkol sa mga ginagawa ko, but you. You didn't responded. Hindi mo sinasagot ang tawag ko at hindi mo nirereplyan ang texts ko."

Tumulo ang luha ko, "Because you never did..." What is this? Pinaglalaruan lang ba kami?

"I did, Alyssa. I did. Noong isang buwan na nasa Taiwan ako, sinabi kong andoon si Prima at kinuha akong model for photoshoot at hanggang doon lang yun. Kasama ko si Alexander, ang kakambal ko."

I clenched my jaw in anger. They're playing with me. With us.

"After one year na walang balita sayo dito ako sa mansyon dumeretso, pero imbis na ikaw ang sumalubong sa akin, si Prima ang lumapit. Nag expect akong ikaw yung tumatakbo palapit sa akin. Pero hindi... Tinanong ko sila kung nasaan ka and they said na sumama ka sa iba, sa lalaking bagong nakilala mo." Narinig ko siyang huminga ng malalim, "And what fucking kill me is ang sinabi nilang pinalaglag mo ang anak natin para sa lalaking nakilala mo."

Umiling ako, tumulo ang luha ko sa sobrang pait ng dinanas namin, "I didn't... Your grandmother abused me, Gael! Lumayas ako sa mansyon na ito dahil dito muntikan malaglag ang anak ko."

"She's not my real grandmother, Alyssa... I should have told you, that.."

I froze, is that the reason why hindi niya kinakausap ang lola niya dati?

Natawa ako, tangina, pinaglaruan niya lang kami sa mga palad niya.

Napatingin ako ngayon kay Gael na nakayuko at umiiyak. Pero hindi na mababago ng katotohanan na hiwalay na kami ni Gael. Tapos na ang kwento namin, tapos na ang masasayang alaala namin.

Kaya siguro ganun nalang ang naging kapalaran namin kasi hindi kami para sa isa't isa.

"Thank you for telling me the truth, Gael. Atleast nabawasan ang tanong sa isipan ko." Tinuro ko ang dibdib ko, "Pero hindi mababawi ng katotohanan ang sakit na naramdaman ko sa pagkawala ng anak ko."

Tumingin si Gael sa akin, "Please give our relationship a chance, Alyssa.. I don't want to lose you again."

Napahagulgol ako at umiling, "Hindi na pwede, Gael..."

Saka ako nag mamadaling lumabas ng bahay, tinawag pa ako ni Gael pero hindi na niya ako hinabol pa dahil pinigilan siya ni manang.

Lumabas ako sa mansyon nila at nag tungo sa puno ng mangga. Tumigil ako doon at napahawak sa dibdib ko. Ilang katotohanan paba ang malalaman ko bago gumaan ang pakiramdam ko?

Dahil kunti palang ang nasasagot na katanongan sa isipan ko.

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon