Alyssa POV
"Alyssa.. Please, gusto pa kita makausap." He begged.
Hinabol niya ako mula sa mansyon nila hanggang dito? For what reason, Gael? Please stop torturing me. I've had enough drama and I'm tired.
"Ano ba ang gusto mong pag-usapan."
"Give our relationship a chance.. Matapos ng mga narinig kong katotohanan, wala tayong kasalanan. Wala kang kasalanan, it's just a misunderstanding... Please."
"Tanginang misunderstanding yan, umabot ng 7 years?"
Hinawakan niya ang kamay ko, "Kasi hindi kita hinanap.. Akala ko totoo na sumama ka sa iba, akala ko masaya kana, hinihintay lang kita sa mansyon na bumalik."
Tamad akong tumingin sakaniya, "Sa tingin mo ba ganun nalang kadali para sa akin na iprocess lahat yun?"
Dahan dahan niya akong binitawan, "I'm sorry... Sorry dahil binigla kita. But please tell me when you're ready to give us a chance. I'll wait."
"Eh pano pag hindi?" Hamon ko sakaniya.
"I don't care.. Gusto lang kitang masilayan maging masaya, hangga't wala kapang iba, hangga't wala ka pang bago at hangga't hindi pa annulled ang kasal natin, mananatili ako na mag aantay sayo."
Nilapitan niya ako at hinawakan ang pulsohan ko, pagkatapos ay napatingin doon, nagulat siyang nag angat ng tingin saakin na mag kasalubong ang dalawang kilay.
"You.. You've been hurting yourself...?"
Tumahimik ako at tumango nalang sakaniya, pagkatapos ay tinalikuran siya. Hindi na ako tumingin pa ulit at nag tuloy tuloy lang sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa kalsada. Ayokong pag usapan ang bagay na iyon.
Pumara ako ng jeep at sinabi kay manong kung saan ako bababa. Tumingin ako sa labas ng bintana at hinayaan ang hangin na humampas sa mukha ko.
Lumabo na naman ang paningin ko, ano ba 'to? Bakit ba naging ganito? Kung hindi ko ba nakilala yung Lola ni Gael, hindi kami mag kakaganito?
Pero huli na ang lahat eh, nawalan na ako ng anak, kapatid at dalawang mabuting magulang na kumupkop sa 'akin.
I know na wala siyang kasalanan pero hindi ko magawa ang hinihiling niyang chance...
Nang makarating sa bahay ay si Gabriel at Allison kaagad ang hinahanap ko, pumasok ako sa kwarto nila at nakita na mahimbing na natutulog ang dalawa.
Napangiti ako, kinumotan ko si Allison at binuhat si Gabriel at ilipat sa foam na hinihigaan ni Allison. Nakatulog kasi siya sa study table niya kakabasa ng libro.
Umupo ako sa sahig, wala kasing kama, nasira kaya sa sahig kami humihiga, may makapal na foam naman at electric fan para hindi sila pagpawisan.
Napatingin ako kay Allison. Hinaplos ko ang buhok niya at pinasadahan ng tingin ang pangangatawan niya.
Napaiyak ako, "Isasakripisyo ko lahat maging maayos kalang, anak.." Pero bakit hindi ko kayang sabihin kay Gael ang tungkol sakanila? Bakit nahihirapan ako.
Marahil ay takot akong pati sila mawala sakin, marahil ay dahil sa pagkawala ng isa ko pang anak ay natatakot akong aminin sakaniya ang tungkol kay Gabriel at Allison.
Si Gael lang ang makakatulong sa akin pagalingin si Allison, "Pero hindi ko kaya..." Mahinang bulong ko at napaluha.
Tumingala ako, "Ayokong mawalan ulit.. Ayoko na, napapagod na ako... Kayo nalang ang nag bibigay lakas sakin para mag patuloy sa buhay..."
Narinig kong bumukas ang pintuan, alam ko na kung sino iyon kaya hindi na ako nag abala pang tumingin.
Naramdaman ko nalang na may yumakap sa akin sa likoran.
"Kaya mo yan baks... Nga pala, nakapag bayad na ako ng kuryente at tubig kanina. Yung pera pala na binigay mo pang grocery nakabili na din ako, pero baks kinulang yung pera na para sa gamot ni Allison.."
Dahan dahan akong humarap sakaniya, "Ha? Eh paano yan? Last na gamot na niya yun kanina, ibig sabihin ba hindi siya nakainom ng gamot kanina?"
Umilig si Savannah, "Tinawagan kita kanina kaso hindi kita makontak, sorry baks, wala na akong pera sobrang short ko na, alam mo naman na may utang pa ako tsaka binayad ko na sa kuryente at tubig ang pera ko..."
Tumango ako, "Ayos lang, naiintindihan ko. May natira pa naman akong ipon dito kunti—"
"Hindi ba binayad mo yun kasi na admit si Allison?"
Natahimik ako. Wala na kaming pera. Sinubokan ko naman na mag apply sa ibang company na pwedeng pagtrabahuan, kahit janitress man or maid ayaw akong tanggapin.
Napasabunot ako sa sariling buhok ko, "Saan ako hahanap ng pera ngayon..."
Napayuko ako at maya maya lang ay biglang bumangon si Allison at kumapit sa laylayan ng damit ko.
Tumingin ako sa kaniya at nanlaki ang mata sa gulat dahil sobrang putla niya.
The next thing that happened made my world collapse; he fainted. And his last words before he became unconscious were,
"Ma.. I can't breathe.."To be continued

BINABASA MO ANG
Forced Marriage
RomanceShe dreams of having her own family. She wanted a happy family and a loving husband, but that dream was crushed when she met the most heartless man everyone known. She was forced to marry someone she had just met, and that man was Gael Zavier Gonzal...