Chapter 12

5.5K 73 10
                                    

ALYSSA POV

"Sir, andito na po si Señiora Isabela at Señior Fernando." Anunsyo ng maid na ikinatayo ko sa gulat.

Nanlaki ang mga mata kong napatingin kay Gael, "A-anong gagawin ko? Andyan na sa labas ang lola mo!"

Nanginginig ang mga kamay ko at nag sisimula ko na namang kalikutin yun, pero kaagad din akong hinawakan ni Gael sa braso.

Marahan niyang minasahe yun, "Relax.. Kasama mo ako, hindi ko hahayaan na saktan ka."

Kahit papaano ay napanatag ang loob ko, huminga ako ng malalim at binuga ko yun nang nakayuko, pagkatapos ay tumingin kay Gael para ngitian siya.

"Let's go?"

Nakangiti akong tumango at tinanggap ang kamay ni Gael na nakalahad sa akin at pinag siklop niya yun.

Ssbay kaming bumaba ni Gael mula sa kwarto papuntang sala na kung saan andoon ang lolo at lola niya na nag aantay sa amin.

Naramdaman ko naman ang paghigpit ng hawak ni Gael sa kamay ko kaya nag tataka akong napatingin doon.

"Lolo."

Lumipat ang tingin ng dalawang matanda sa amin, tumayo kaagad ang lolo ni Gael at pinasadahan naman ako ng tingin ng kaniyang Lola.

"Gael! Hijo! How are you? Hindi ka-" Napatingin sa akin ang matanda na ikinayuko ko, "Yo pumunta sa birthday ng lola mo."

"Pumunta kami, umuwi lang kaagad kasi biglang sumama ang pakiramdam ko."

"Iyan ba talaga ang dahilan kaya hindi ka sumipot sa birthday ko?" Biglang singit ng kaniyang lola na mukhang nag tatampo.

Natahimik saglit si Gael pero kaagad ding tumango, "Well, Is this your wife Gael?" Nakangiting nakatingin sa akin ang kaniyang lola.

Tinanggal ni Gael ang nakasiklop naming kamay pagkatapos ay inakbayan ako, "Yes, she is." He proudly confirmed.

"Oh well! She's pretty! So pretty! Ang laki laki ng pisngi! Ang cute cute!" Pinanggigilan ng ginang ang aking pisngi, nang alisin niya ay naramdaman ko ang pamumula non.

"Why did you that?" Pagalit na tanong ni Gael sa kaniyang lola, "Masakit ba?" Aniya habang sinusuri at hinahaplos ang mag kabilaang pisngi ko.

Umiling ako at nginitian siya.

"So protective!" Napailing iling pa ang ginang.

Napayuko at lihim na napangiti, mukhang mabait naman pala ang lola niya.. Pero hindi ko nga lang mabasa ang lolo niya dahil palaging walang emosyon ang mukha.

"So, dito na kayo mag dinner?" Tanong ni Gael.

"Yes!" His grandma exclaimed.

Ipinulupot ni Gael ang kaniyang kamay sa braso ko, "Then, ipapahanda ko nalang sa maid ang kwartong tutuloyan ninyo ni Lolo."

Tumingin sa akin si Gael, "Balik na tayo sa kwarto, hon."

Akmang aalis na sana kami nang pigilan ako ng lola ni Gael, "Can I talk to you? For a few minutes?"

"No." Madiing ani ni Gael.

"Oh come on, stop being overprotective, wala naman akong gagawing masama sakaniya."

Tumingin sa akin si Gael na parang nag tatanong kung sasama ba ako o hindi, kaya nginitian ko nalang siya at umalis sa pagkakaakbay sakaniya, "Saglit lang naman daw."

He sighed, "Fine.." hinalikan niya ako sa noo, "Balik ka agad."

Tumango ako pagkatapos ay pinanood si Gael na mag tungo sa second floor. Hinarap ko naman ang Lola ni Gael na ngayon ay nakangiti na sa akin.

Hinila niya ako paupo sa sofa, "Sit, sit! Manang, can you bring us some snacks? Oh! And juice too!"

Yumuko si manang Rosita at nag aalalang napatingin sa akin, nginitian ko naman siya at tinanguan bago siya umalis.

"So, how old are you?" Nakangiting tanong niya.

Napangiwi naman ako, "25..." Mahinang saad ko.

"Ohh wow? Tatlong taon lang ang tanda ni Gael sayo? Ano trabaho mo bago kayo ikasal? Are you still working?"

Awkward akong ngumiti bago dahan dahang umiling, "Hindi na po ako nag tatrabaho... Sa isang fast food restaurant lang po ako nag tatrabaho bago ako ikasal kay Gael.."

Napayuko ako sa hiya at kaba kaya hindi ko nakita ang reaction ng lola niya nang malamang sa fast food restaurant lang ako nag tatrabaho.

"What about your educational background?"

Kinagat ko ang labi ko, "Third year college lang po ang natapos ko.. Accounting po sana.."

Narinig kong bumuntong hininga ang lola ni Gael and at the same time her phone rang.

"I'll just answer this important call."

Nakayuko akong tumango, kinakalikot ko na ang mga daliri ko sa kaba. Hindi naman magagalit ang lola niya dahil wala akong natapos, hindi ba?

"Hon? Where's lola?"

Nagulat akong napaangat ng tingin sa harapan ko, hindi ko man lang namalayan na nasa harap ko na pala si Gael.

Napatingin si Gael sa aking mga daliri, "Did something happen? Kinakalikot mo mga daliri mo."

Napatingin ako doon sa mga daliri ko at tinago sa likod, "Ahh, wala! Makati lang kaya kinakalikot ko."

"Alam kong hindi makati yan, kinakalikot mo daliri mo kapag kinakabahan ka at nag o-overthink."

Napayuko ako, paano niya nalaman yun? "Kinakabahan lang ako kasi tinanong ng lola mo yung background ko.."

"Like?"

"Kung ano yung trabaho ko bago tayo ikasal, kung ilang taon ako, kung may natapos ba ako..."

Hinawi ni Gael ang buhok na nasa pisngi ko at inilagay yun sa likod ng tenga ko, hinalikan niya ako sa noo at hinawakan ako sa pulsohan, "I can see that there is nothing wrong with your background, hon."

Napanguso ako, "Eh yung lola mo? Ganiyan din kaya ang iniisip niya?"

Natahimik si Gael, maya maya pa ay tumikhim ito, "If she did something bad to you don't hesitate to call me at mag sumbong sa akin."

Umupo si Gael sa sofa at inakbayan ako. Sumandal si Gael doon habang ako naman ay sumandal sa dibdib niya.

"Why would I do that? Lola mo siya.."

"Yeah.. But ayoko namang may gawin silang hindi maganda sayo, kaya kapag sinaktan ka mag sabi ka kaagad sa akin, okay?"

Nakangiti akong tumango, I feel at ease right now, matapos akong puntahan at kausapin ulit parang nawala ang kaba ko.

Napatingin ako kay Gael, "Gael, I think I like you too.." pag aamin ko na ikinatigil niya.

"Think lang? Don't worry pagbalik ko mulang Taiwan sisiguradohin kong hindi na 'think' yan."

Natawa ako sa sinabi niya, but I can't say it in front of him that it's not a simple like anymore. Saka ko nalang siguro sasabihin kapag nakauwi na siya..

Note:

»Review muna ako sa upcoming exam 😭

TO BE CONTINUED

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon