Chapter 21

5.4K 74 3
                                    


Alyssa POV

Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa, puno ng pagtataka at pagkagulat ang ekspresyon ng mukha ni Gael..

Natawa ako dahil doon, how come he's acting like he didn't know? Na wala siyang alam sa pinag-gagawa ng pamilya niya? Pinapaikot lang nila ako sa mga palad nila. Matapos nila akong pakinabangan gagawin nilang impyerno ang buhay ko.

Ayos lang sana kung ako lang ang pinahirapan nila, pero pinatay nila ang kapatid ko, ang anak ko, at ang dalawang magulang na tinuring ko.

Apat na tao ang kinuha nila sakin.

"I... I didn't know.. I'm.. I'm sorry."

Sarkastiko akong napangisi, nag iwas ako ng tingin sakaniya. Sorry? Maibabalik ba ang buhay ng mga nawala sa sorry mo, Gael?

"But, hindi ko inutusan si Prima na patayin ang kapatid mo."

Tamad akong tumingin sakaniya, "And you expect me to believe that shit, Gael?" 

Kaagad na umiling si Gael, "No but, I didn't do it."

"Oh yeah? Really?" Napahalakhak ako.

"I'm not a murderer, Alyssa!"

"Liar!"

"I don't even know that you have a sibling!!" Sigaw niya na ikinabigla ko.

What? How? If he doesn't know then—no, he's lying, again.

"Umalis kana, Gael.. I don't have time for you, I just want this marriage to end."

Natulala si Gael, nag tagis ang bagang niya at nag salubong ang kaniyang kilay na para bang pinipigilan ang sarili na lumuha.

"I already lost my child, do you think na hahayaan kong pati ikaw mawala?"

Pagak akong tumawa at napaiwas ng tingin, I clenched my fist at tumingin uli sakaniya, "I'm not the same Alyssa anymore, Gael. The Alyssa that you knew is dead. She's dead. Because you killed her, they killed her along with her child."

Kinuha ko ang sling bag ko at ako na ang nag desisyong umalis, kung ayaw niyang umalis, ako ang aalis.

Tumakbo ako palayo sa restaurant, hapon na at kunti nalang ang tao sa gilid ng kalsada. Nanlalabo ang mga mata ko, napatigil ako saglit sa may waiting shed at napakapit sa upoan, nanghihina akong napaluhod sa lupa.

I gave in to my tears. All those years of suffering and pain that I kept to myself.

"Hija? Ayos kalang ba?" Nag aalalang tanong ng ginang na napadaan lang.

Kaagad akong tumayo at yumuko, "A-ayos lang po ako.."

Tumakbo ako palayo, ni hindi ko na alam kung saan ako dinala ng mga paa ko. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa dalampasigan. Walang tao, tanging tunog lang ng mga alon ang naririnig ko.

Walang pagdadalawang isip akong lumusong sa dagat, tumigil lang ako ng umabot na sa dibdib ko ang tubig.

"AAHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!"

I yelled. A scream that is laced with suffering, rage, and regret. I screamed until my lungs went numb, and the tears stopped rolling down my cheeks.

Hindi ako tumigil sa pag-iyak, sadyang ubos na ang luha ko sa kakaiyak.

Umuwi akong basang basa at maga ang mata. Nang makita ako ni Savannah ay pinapasok niya kaagad si Gabriel sa kwarto na ipinagpasalamat ko.

I don't want him to see me na ganito ang itsura at sitwasyon.

"Anteh! Saan kaba galing at ngayon kalang nakauwi? Basang basa kapa! Umiyak kaba?" Nag aalalang tanong ni Savannah.

Nginitian ko si Savannah, lumabo na naman ang paningin ko, "Nag kaharap kami, Sav."

Kaagad na napalitan ng gulat ang pagaalala sa mukha ni Savannah. "A-anong nangyari? Anong ginawa niya sayo? Ayos kalang ba? Sinaktan kaba niya kaya ka umiyak?"

Pinapasok niya ako at kumuha siya ng towel, pinalibot ko yun sa katawan ko at ininom ang gatas na tinimpla niya para sa 'kin.

"He asked me why I killed Gabby."

"Ha? Hindi naman ikaw ang dahilan sa pagkawala ni Gabby kundi yang Lola niyang demonyo!"

Tumango ako, "And I told him everything... Everything that he wanted to know."

Natigil si Sav at hinawakan ang kamay ko, "Alam na niya ang tungkol 'kay Gabriel at Allison? Sinabi mo din ba ang tungkol sa kanila?

Umiling ako at nakahinga ng maluwag si Savannah, "Hindi niya deserve malaman ang tungkol 'kay Gab at Ali kahit mat karapatan siya kasi siya ang tatay pero at the same time gusto kong malaman niya para mapagamot si Ali. Pati na ikaw."

He wanted to know about Gabby then I will tell him, but ayokong ipaalam sakaniya na nakaligtas si Gabriel, lalo na si Allison.

Hinding hindi ako papayag, baka mawala pa sila sakin. Baka matuloyan na ako.

Umiling ako, "I'm fine, Sav. Wala naman akong sakit physically... And I can manage my mental health and I don't need a psychiatrist."

"Are you sure? If that's what you want then andito lang ako para sayo, Baks!"

Lumipat ng upoan si Savannah at niyakap ako, niyakap ko din siya pabalik at umiyak uli sa mga balikat niya.

I cried, without knowing that my son overhead our conversation about his father.

Forced Marriage Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon