Chapter Four

201 11 10
                                    

Chapter Four

Gian's POV

"oh anong kanta ang gagamitin natin sa music video" tanong ni Jared.

Siya pala ang isa pang member nang group namin sa filipino. Bali ang group namin ay si Ako, Karen, Jared at syempre si Ana my one and only.

"ano kaya kung Ngiti nalang...para madaling lagyan nang action"sagot ni Karen

"tama yun nalang"...heheheh sabay pa kmi ni Ana na nag agree.

Nagkatinginan kmi at tumawa siya. Napangiti na rin lang ako. Pero sa loob kinikilig ako..hahaha...ang gay ko naman ata. Heheh.

Pero ang mga tawa niya hindi pa rin umaabot sa mga mata niya.

Ewan ko kung ako lang ang nakakakita dahil mukha namang di napapansin nang mga kaklase namin.

Siguro ako lang talaga. Dahil nga lahat nang ginagawa niya, hindi ko mapigilang hindi mapansin.

Hindi ko mapigilang wag siyang tingnan.

Halos lahat nang tungkol sa kanya interesante para sakin. Matindi na siguro ang tama ko talaga sa kanya. Heheh

"o sige final na yun..Ngiti nalang by Ronnie Liang ang gagamitin nating kanta" sabi ni Jared.

"ok!!!!!"...sabay naming sang ayon nina Ana at Karen.

"ok...so ngayon sino ang magiging bida sa video natin?"tanong ni Jared.

"si Ana at Gian nalang....bagay kayo ehhh!!!!ayyyyiieh...."kantyaw ni Karen.

Ako naman tinatago ang kilig. Sus kung nararamdaman niyo lang tibok nang puso ko parang si flash sa bilis. Hahahahah. Bagay daw kami ni Ana. yeeeeeey!!!(^_________^)

Si Ana naman namula. Hala...wish ko sana kinilig din siya.

"uy si Ana nagbublush...ayyyieh" tukso ni Karen ulit.

Sige lang Karen pagpatuloy mu lang ang pagtukso.

Feel na feel ko talaga eh noh?!...hahahaha...

"uy blushing is just a normal reaction of a person who is embarrassed or is in a situation he or she is not comfortable with!"sagot naman ni Ana na lalong namula.

Hala....ang cute niya talaga. Para na siyang kamatis.

Nosebleed pa ang dahilan niya. Heheh.

"hala Ana. Defensive much ??!..uyyyyyy"

Haaay sige Karen ililibre kita mamaya. Pagpatuloy mo lang. Hahahahahah.

"Ehhhh tama na nga. Kita niu si Gian o tumatahimik na. May Claire na yan eh...." sabat ni Ana. Mukhang napipikon na. Ang cuuuuuuteeee. :O

Kaya lang, bakit nasama pa si Claire?

Ikaw Ana, ikaw ang mahal ko!!!

Ikaw ang nagpapatulala sakin.

Ikaw ang dahilan kung bakit hindi ako makatulog sa gabi nang kakaisip sayo.

At kung makatulog man ako, ikaw lang laman nang mga panaginip ko.

Haist.....Ang sarap ipagsigawan kaya lang natatakot ako baka pagtawanan niya lang ako.

Yun kasi ginagawa niya sa mga nagtatapat sa kanya. Sabay sabi pang," maghanap kana lang nang iba. Wala kang mapapala sakin. tsaka mas marami diyang mas deserving sa feelings mo kesa sakin. Friends nalang tayo pwede?".

Oh diba?...grabeh talaga siya. Tingin niya sa sarili niya basura na hindi karapatdapat sa paghanga nang iba.

Kaya nga hindi nalang lumalapit ang mga may gusto sa kanya eh. Ang dami kaya naming may gusto sa kanya. Natatakot sigurong mabasted.

Hahahaha.. Buti nga at wala akong kaagaw kay Ana. Dahil ako, maghihintay ako hanggat maging ready na si Ana na tanggapin na isang kawalan sa mundong ito ang lahi niya. Hahahaha.

Lalo na ang pinagsama naming lahi.

Hala...malala na talaga ako to the highest level. Mga lahi lahi na ang pinagsasabi ko.

Pero tama naman ako eh.(-_-v)

"uyy Gian. Napano ka? Wag mo nang intindihin si Karen. Wala lang magawa yan. Ok lang ba sayo na tayo nalang ang bida sa video?"sabi ni Ana.

Haay ang sarap pakinggan nang boses niya. Heheheh

"uyyy Gian!!!!"hala sumigaw na si Karen. Nagdedaydream na naman ako eh.

"uyy guys wag nalang kaya ako. Si Karen nalang. Papangit ang video natin kapag ako ang bida eh."...sabi ni Ana.

"Anong papangit eh siguradong tataas ang grade natin. Eh ang ganda nang team niu ni Gian eh. The campus hearthrob ang the campus crush!!!!ayyyyie...."

Haaay si Karen talaga.......

Like na like ko nah.!!!!!!hahahaha...

"Ako campus crush?...eh kayo lang sigurong mga classmate ko ang nakakaalam nang existence ko sa skul na to eh!"...takang sabi ni Ana.

Kitams niu na?...panu ba naman niya makikita na palagi siyang tinitingnan nang mga admirers niya kapag naglalakad sa hallway eh palagi siyang nakayuko. Nakayuko na parang naghahanap nang piso sa daan.

"heler Ana....di mo ba nakikita ang malagkit na tingin nang mga lalaki sayo?...buti nga hindi ka natutunaw kapag naglalakad ka!"..

Sige lang Karen ipagpatuloy mo lang nang malinawan naman si Ana na isa siyang magandang nilikha nang Diyos.

"hephep...tama na yan..final na to ha...si Ana at Gian ang bida at kina Gian nalang tayo magso shoot. Siya ang may equipment eh. Ok lang ba yun Gian?"..sabad naman ni Jared.

"ok lang...dun nalang tayo sa bahay..tomorrow after class diba?"..sagot ko kay Jared.

"eh bakit ba hindi nalang si Karen ang partner ni Gian?!"..pilit parin ni Ana.

"Ana, ikaw nalang ha. Tandaan mo maganda ka. Ikaw lang siguro hindi nakakaalam nun."

Sabi ko na. Hindi ko napigilan eh. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.

Speechless naman sila. Minsan lang ako mamuri eh. Si Ana lang naman kasi ang maganda lagi sa mga mata ko.

"Tapos na tayo?...una nako ha babye."

Bago pa sila makasagot naglakad na ako. Bigla akong nahiya.

Bakit ko ba yon nasabi?

Si Ana naman kasi eh.

Naglalakad nako at bigla ko nalang narinig ang tili ni Karen.

"ayyyyyie Anaaaaaaa!!!!nagbublush...hahahahah"

Napangiti na rin lang ako.

Kompletong kompleto na ang araw ko. (^_____^)

(a/n:..ok lang po ba ang chapter na to?...abangan niyo po sa mga susunod na chapter kung ano ang gagawin ni Gian para mapansin ni Ana ang feelings niya...thank you po sa pagbabasa;-)

pls. comment po)

To Love a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon