Chapter Fourteen
(continuation of previous chapter)
Gian's POV
"Karen nakita mo ba si Ana?"
"hindi nga eh. Bigla nalang akong iniwan dun sa cr. At ngayon wala pa siya."
"ganun ba? Sige hanapin ko muna siya ha."
"bakit mo ba siya hinahanap? Baka nandiyan lang yan sa tabi-tabi."
"basta. May sasabihin lang ako....heheh"
"so magtatapat kana bah?"
O_o...
"a-anung magtatapat."
"ay hindi pa ba? Akala ko nagkalakas loob ka nang magsabi ng i love you....sayang."
O_O...alam niya?
"oo alam kong love mo si Ana...heheh...kala mo di namin napapansin ang tingin mo kay Ana without her knowing?"
"n-namin?"
"heheh....oo. Alam naming lahat sa barkada. Si Ana lang ang hindi nakakaalam. Bilib talaga ako sa kamanhinran niyang bestfriend ko. ..tsk .tsk.."
Uwwaaahhh....kung may ilalaki pa siguro ang mata ko siguro nangyayari na yun ngayon.
Alam nilang lahat?!!!!
"ah...eh....heheh..." speechless ako.
"sige na. Hanapin mo na si Ana."
"sige Karen.."
Nakatalikod na ako para hanapin si Ana ng tinawag ako ulit ni Karen.
"Gian.....kung sakali mang magtapat ka na kay Ana. Wag mo siyang madaliin ha. Marami siyang pinagdadaanan ngayon at hindi makatutulong sa kanya ang dagdag na pressure."
"alam ko Karen. At wag kang mag-alala, kung sakali mang hindi pa handa si Ana, handa akong maghintay."
Tumango lang siya sakin at nagpatuloy na ako sa paglalakad para hanapin si Ana.
Hinanap ko siya sa loob at labas ng bahay namin.
Inisa-isa ko lahat ng kwarto pero hindi ko pa rin siya makita.
Malapit na akong sumuko sa paghahanap ng matandaan ko ang pag-uusap namin sa may park malapit sa bahay namin.
Natatandaan ko na dun din siya pumunta nung magkita sila ng papa niya na si Tito Luis pala.
Mabilis naman akong lumabas ng bahay at pumunta sa park.
At tama nga ako nandun siya sa may swing nakayuko.
Pero hindi siya nag-iisa. May kasama siyang lalaki at mukhang guest din sa party ni papa dahil naka-formal attire din siya katulad ko.
Hindi ko makita ang mukha niya dahil pareho silang nakatalikod sa akin.
Unti-unti akong lumapit sa kanila at wala naman akong naririnig na pag-uusap.
Nakatayo lang sa likod ni Ana ang lalaki. At mukhang hindi alam ni Ana na may kasama siya.
Pumunta ako sa harapan ni Ana para mapansin niya ako at nakita ko na rin ang itsura ng lalaking nasa tabi ni Ana.
Si Terrence pala to eh.
Anak ni Mr. Adam Walters na isa sa mga investors sa company namin.
"oh Terrence anong ginagawa mo dito."
"Gian...."
Sabay na sabi ni Terrence at Ana. Ngayon lang siguro ako napansin ni Ana ng nagsalita na ako.
BINABASA MO ANG
To Love a Broken Hearted Girl
Short StoryGian Sy, gwapo, matalino, mayaman. Almost perfect na diba? Kaya lang ang malas naman niya dahil HE'S INLOVE!..... Malas ba ang mainlove? Sa kanya oo dahil he's inlove with a broken hearted girl named Ana. Will his love mend Ana's broken heart? Or w...