Gian's POV
"Hi Ana...anong group ka?" tanong ko kay Ana kahit na alam ko namang iisang group lang kmi..(^______^). Halata bang ang saya ko?..heheheh swerte ko ngayon.
"Group two ako. Eh ikaw?" balik tanong niya sa akin.
"Magka group pala tayo...sino pa ang mga kasama natin?"tanong ko ulit.
Kung minsan lang kmi magkausap eh. Susulitin ko na.
"Ang alam ko may dalawa pa tayong kasama. Ang isa si Karen. Hindi ko alam kung sino ang isa eh."
"ahhh...sige salamat...ah Ana..."
"bakit Gian?"
Haaaay ang sarap pakinggan nang pangalan ko kapag siya ang bumibigkas(buntong-hininga with matching dreamy eyes).
"Hoy Gian...napano ka?...ano nga pala sasabihin mo?"
Nagising naman ako galing sa pag dedaydream. Malala nako. Banggitin niya lang pangalan ko parang timang na ako.
"ahhh..hehehe wala lang Ana wag mo nalng akong pansinin...(-_-v)"palusot ko nalang.
Hindi pato ang tamang panahon para magtapat ako.
"ahhh kala ko naiisip mo na naman si Claire. Hala malala nayan Gian.hahahah(-_-v)...Ge una nako bukas nalang tayo mag meeting tungkol sa group project natin kapag kompleto na tayo."
"ge bye"walang sigla kong paalam sa kanya.
Tama bang ibang tao pa sisihin kung bakit ako natulala. Eh siya naman talaga ang dahilan. Ang ganda talaga niya kasi. At ang cuuuuute ng dimples niya. Sarap kurutin. Heheheheh.
Siguro nagtataka na kayo kung tungkol saan ang pinag uusapan naming project.
Ganito kasi yun, ang badtrip na filipino teacher namin ehh nagpaproject nang music video.
Ewan ko nga kung ano kinalaman nun sa subject na filipino eh. Nagfefeeling music teacher ata. Hahahahah.
By the way, back sa project. Yun nga gagawa kami nang music video. Kahit anong kanta basta tagalog. Kailangan galingan namin. Ipopost sa youtube eh. Ang saya ko nga at magka group kmi ni Ana.
Inabangan ko talaga kung anong number siya. Hindi pa sana kmi magkagroup dahil hindi tutugma ang seat plan namin. Alam nio ba ginawa ko?!hahahah. Binuhusan ko ng tubig ang katabi ko. Pero konti lang naman eh. Pinalabas ko lang na aksidente. Ayun lumabas muna at nag cr kaya nalagpasan na siya nang numero at ako yung nakakuha nang number niya na katulad ni Ana. Hahahaha...mean ko ba?..Hindi!!!!Inlove lang talaga.(°_____°)heheheh.Kaya ayun magkagroup kmi ni Ana.
Tapos na klase namin ngayong araw....kaya uwi nku?...hahahah..hindi pa no. Pupuntahan ko pa si Ken para ipalathala ang masayang balita. Hahahaha pang bible bah. Pasensya na po, masaya lang ang tao. Alam nio bah kung ano itsura ko ngayon?.
Ito oh (-__________________-).Hahah ganyan kalapad ang ngiti ko ngayon.
"oh Ken magandang magandang hapon!!!!!"bati ko kay Ken with matching batok. Hahahah.
Ganyan talaga kmi magbatian, BRUTAL. Heheheh.
"uy mukhang masaya ata tayo ah. Nakascore ka siguro kay Ana no?...oh kayo nah?"
Hala...eh mas excited pala tong bestfriend ko kesa sakin. Hindi pa nga ako nakakafirst move kmi na agad?!...hahahahah. Binatukan ko nga ulit.
"uy umaabuso kana ah. Nakakadalawa kana. Hindi porket umaasenso kana sa panunuyo kay Ana ay may karapatan kanang batukan ako. Ang honey bunch ko lang ang may karapatan bumatok sa akin nang marami. Ikaw isa lang. Bestfriend lang kita eh"
Sus ang drama talaga nang kaibigan ko. Ang daming satsat.
Haaay buti pa tong kaibigan ko steady ang lovelife.
Eh ako, umaandar nga pero parang pagong naman. Hirap kasi sa manhid pa ako na inlove. Pero hindi ko naman masisisi si Ana kung bakit niya panili na maging manhid nalang sa lahat nang pangyayaring nagaganap sa paligid niya.
Ikaw ba namang saktan nang paulit ulit nang pala mo.
Buti sana kung pinapalo lang siya o sinasampal.
Gumagaling naman yun....ayyyy hindi pala mabuti yun.
Subukan lang nang kung sino na sampalin ang Ana ko, lintik lang ang walang ganti. Whahahahah...evil laugh. Hehehe.
Pero seryoso. Talagang handa akong protektahan si Ana kahit kanino.
Kahit pa sa kanyang amang walang kakwenta kwenta.
Pero bilib talaga ako kay Ana.
Dahil kahit ilang ulit siyang saktan nang ama niya. Ilang ulit man siya nitong ikaila. Hindi siya nawawalan nang pag asa na isang araw ay matatanggap din siya nito.
Ang sabi nga niya sa amin noon,
"how can you stop loving the person who breaks your heart again and again if that person is the only one who can put it back into one piece?"
O diba?! Siya na martir. Ang sarap niya sigurong magmahal. Ang alam ko palang kasi,....
ang sarap niyang mahalin......
(a/n:..yan na po...pasilip sa kong bakit broken hearted si Ana....sa. mga susunod na chapter nalang kung bakit alam yun ni Gian at nang mga klasmates nila.....)
pls comment po...hindi po ako humihingi nang vote...hindi ko po kasi alam kong maganda tong story ko eh....pero kung gusto niyo po ok lang....hehehehe
salamat sa pagbabasa...:-*
BINABASA MO ANG
To Love a Broken Hearted Girl
Short StoryGian Sy, gwapo, matalino, mayaman. Almost perfect na diba? Kaya lang ang malas naman niya dahil HE'S INLOVE!..... Malas ba ang mainlove? Sa kanya oo dahil he's inlove with a broken hearted girl named Ana. Will his love mend Ana's broken heart? Or w...