Chapter Six

207 9 1
                                    

Chapter Six

Ana's POV

Minamasdan kita

Ng hindi mo alam

Pinapangarap kong ikaw ay akin...

Nandito kami sa may park malapit sa bahay nina Gian. Nagsisimula na nga kaming mag shoot ng music video namin.

Mapupulang labi

At matingkad mong ngiti

Dala abot hanggang sa langit

Ang ganda ng boses ni Gian. Kumakanta kasi siya na may dalang gitara habang nakatingin sa akin. At ako naman nakaupo lang kasama si Karen sa bench.

Kunwari daw dedma ko si Gian. Na di ko alam na tinitingnan niya ako. Hahahahah...ang drama naman ng video namin. Pero kinikilig ako...eeeeeeeh.

Huwag ka lang titingin

At baka matunaw ang puso kong sabik

Sa iyong ngiti

Akoy nahuhumaling

At sa tuwing ikaw at gagalaw

Ang mundo koy tumitigil

Para lang sayo

Ang awit ng aking puso

Sana ay mapansin mo rin

Ang lihim kong....PAGTiNGIN.

Grabeh parang feel na feel mo talaga ang song. Ang galing kasi ni Gian. Parang may pinaghuhugutan. Heheheh....Nakaranas na kaya siyang ma inlove?

Haaay ano batong nasa isip ko. Pati lovelife ng tao pakealaman bah?!...

Tapos na ang kanta at nag cut naman si Jared, Siya kasi ang videographer. At napalingon ako kay Gian pero nagulat ako. May nakita akong emotion sa mga mata niya habang nakatingin sa akin na di ko ma intindihan. Siguro hallucination lang yun. Feeling eye reader lang eh noh?!hahahaha

Napansin niya sigurong nakatingin nadin ako sa kanya na nakakunot noo.

Bigla naman niyang iniwas ang tingin niya. At medyo namula siya. Hindi naman mainit sa pwesto niya eh.

Siguro allergic sa alikabok...heheheh

"Gian!..halika na sa bahay niyo. Tapusin na natin ang shooting."tawag sa kanya ni Jared.

Napabalik naman ang tingin ni Gian sa amin.

"ok..tara na"

Habang naglalakad pabalik sa bahay nila ay may nahagip ang mga mata ko. Isang taong ang pagtanggap lang sa akin ang tanging pinaka aasam ko.

"guys sunod lang ako sa inyo ha" paalam ko sa kanila.

"san ka pupunta?"hay si Karen talaga ang daming tanong.

"ah...ehh..pupuntahan ko lang ang dati kong klasmate nung hiskul. Dito din kasi siya nakatira. Ge mabilis lang ako."

Bago pa sila makasagot ay tumakbo na ako para maabutan ko siya.

Sana ngayon na ang araw na matanggap niya ako.

Gian's POV

"sino naman kayang klasmate ang pupuntahan ni Ana. Wala naman siyang sinabing klasmate niya na nakatira dito kanina eh."

Takang saad ni Karen.

Kahit ako nga nagtataka rin. At bakit parang kinabahan siya bigla.

Sana wala lang yun. At sana walang mangyaring masama sa kanya.

To Love a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon