Chapter Five

186 9 2
                                    

Chapter Five

Ana's POV

"Wow ang laki nang bahay niyo Gian...ang gandaaaaaah!"

Haay si Karen talaga. Hahaha...pero totoo ang ganda at ang laki ng bahay nina Gian.

Nandito kami kasi ngayon para mag shoot ng project namin sa filipino.

Sa isang exclusive subdivision sila nakatira. Dito ring subdivision ang bahay nang biological father ko eh.

Ang yaman talaga nina Gian. Ang alam ko may sarili silang kompanya.

"Eh thank you Karen. Hali na kayo pasok na tayo. Nandito pala si mama ngayon."

Nag aya na si Gian na pumasok. Nandito parin kami kasi sa may pinto.

Na mesmerize kasi kami sa bahay nila Gian.

Pumasok na kami sa loob at may nakita kaming magandang babae sa may sala.

Ang ganda parang model. Ate niya siguro dahil may hawig sila ni Gian eh.

Pero sa pagkakaalam ko nag iisang anak lang si Gian eh.

"ma nandito na kami!"

O_O....mama niya ang parang model na to sa harap namin?

Grabeh may pinagmanahan talaga ang good looks ni Gian.

"hello baby..."...grabeh ang sweet ng tawag ni mama ni Gian sa kanya.

Kaya lang parag nahiya si Gian...hahahahah..namumula eh.

Haaaay sana ganyan din si mama sakin.:-(

"hello Ana iha...ang ganda mo ang gali....."

"ma mag sho-shoot na kami sa taas may pupuntahan pa sila mamaya"...

Putol ni Gian sa mama niya.

Panu kaya ako nakilala ng mama niya eh ngayon palang kami nagkita?

"ah thank you po Mrs. Sy. Pero panu niyo po ako nakilala.?"

"Oo nga po. Ngayon lang kami nakapunta dito. Karen po pala."

Dagdag ni Karen. Nagtaka din siguro kung bakit ako kilala nang mama ni Gian.

"Mommy Key nalang tawag mo sakin Ana. Palagi ka......"

"Maaaaa..... aakyat na kami".

Putol na naman ni Gian sa sasabihin ng mama niya. Ang bastos namang bata ito.....palaging pinuputol ang sasabihin ng mama niya. Hindi ko tuloy nalaman kung bakit ako kilala ng mama niya.

At namumula pa siya. Bakit kaya?

"ahh sige po Mrs...ay Mommy Key pala mag so shoot na kami. Nice to meet you po"

Paalam ko sa mama ni Gian habang kinakaladkad ako ni Karen paakyat para sumunod kina Gian at Jared.

Kahit ang weird kung bakit parang kilala nako nang mama ni Gian, ok lang. Ang bait naman kasi niya eh.

Ang sarap niya sigurong maging mama.

Hindi naman sa hindi ko mahal ang mama ko. Mahal na mahal ko yun noh!

Pero sana maging sweet din siya sakin.

Na maging open din kami sa isat isa.

"Nice meeting you din iha. Shopping tayo next time ha?!"

Sagot naman ni Mommy Key. Naki Mommy talaga...hahahaha...Pero siya naman nagsabi eh.

Ang weird talaga....pero ang bait niya super.

To Love a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon