Chapter Ten

135 4 2
                                    

Chapter Ten

Gian's POV

"good morning ma!"

"good morning baby. Breakfast na tayo. Andun na papa mo."

"ma...hindi na ako baby."

"ayyyyyiie...nainlove ka lang hindi kana nagpapatawag ng baby...kakatampo naman."

Ooooowwww...si mama nagpacute pa. May pa pout pout pang nalalaman....heheh

"hindi naman ma. Malaki na talaga ako para tawagin pang baby. Diba pa?"

Nakaabot na pala kami ng dining room.

Another saturday morning na naman.

Two days ko ulit na hindi makikita si Ana.

Haaaayyyyy....sino ba kasing naglagay ng weekends sa kalendaryo.

Di ko tuloy mapagmasdan si Ana kahit palihim lang.

"anak pagbigyan mo na mama mo. Nilulubos niya lang ang time na hindi ka pa nakakapag propose kay Ana. "

"pa...pati ba naman ikaw?...ni hindi pa nga ako nakakapagtapat."

"ang hina mo naman anak. Alam mo ba na unang kita ko palang sa mama mo at natiyak kong siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay, sinunggaban ko agad. Wala ng hintay hintay...heheheh"

Si papa talaga. Yan tuloy nakakuha ng batok kay mama....heheheh

"tama na nga yan. At ikaw Ricardo kung anu-ano ang tinuturo mo kay Gian. Magkaiba naman kasi ang sitwasyon niyo. "

Nga pala hindi ko pa napapakilala ang mga magulang ko.

Ang mama ko ay si Klarissa Sy. Tawag sa kanya ng mga close sa kanya Key.

Ang mga cousins ko naman Mommy Key.

Kaya yun nadin ang pinatawag niya kay Ana sa kanya. Nu bah?!...feeling ko ang mana ko eh.

Ang papa ko naman ay si Ricardo Sy. Siya ang CEO ng SGC (Sy Group of Companies). Ang kompanya namin na siya ring mamanahin ko pagdating ng panahon.

Mga five star hotels around the Asia ang siyang pinamamahalaan ni papa.

Hindi naman sa pagmamayabang pero mayaman kami...heheheh

"o anak. Kain na. Mamaya kana magdaydream kay Ana."

Hahaha....si mama talaga.

"hindi ma. Pinapakilala ko lang kayo sa mga readers...hehehe"

"sus yun naman pala ma. Hello mga readers salamat sa pagbabasa sa love story ng anak namin ha. Pasensya na kayo at hindi to nagmana sa akin. Naging torpe siya."

"pa....pinapahiya mo naman ako."

"tama na nga kayong dalawa. Kumain na kayo. Hayaan niyo na ang mga readers diyan na abangan ang story niyo. Pero Gian. Dalian mo nang magtapat kay Ana. Naiinip na ang mga readers."

"ma....akala ko ba kakampi kita?"

"eh anak excited na akong magkaapo eh!"

"O_o...ma second year college palang kami ni Ana, apo na agad hinihingi niyo."

Grabeh talaga mga magulang ko.

Nakakaloko naman sila.

"ah anak muntik ko nang makalimutan. Diba birthday na ng papa mo next Friday. Imbitahan mo ang mga kaibigan mo. At gusto ko nandun din si Ana ha. Para ma meet na rin siya ng papa mo."

"haaayyyy...may magagawa pa ba ako. Pero ma, pa. Please wag naman kayong OA sa pag asikaso kay Ana ha. Baka makahalata eh. "

"eh anak. Gusto ko nang maging close sa daughter-in-law ko habang maaga."

To Love a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon