Chapter Sixteen

222 5 2
                                    

a/n: sori po talaga kung ang tagal tagal tagal kung hindi nag update. sana po magustuhan niyo to...

Chapter Sixteen

Ana's POV

Naglalakad ako ngayon papuntang classroom. Naguguluhan pa rin ako sa feelings ko since friday night nang nagtapat si Gian.

Surprise, takot at isang di ko pa napapangalanang damdamin ang naramdaman ko nung panahon na yun.

Shock because i never imagined myself being admired much more, loved by anyone. Natanggap ko na sa sarili ko na i will be alone forever.

Takot. Ewan ko kung bakit ako natatakot. It is because im afraid that our friendship will be destroyed? Dahil kahit anong gawin namin magkakaroon pa rin ng awkward moment dahil sa pag confess niya sakin. Or is it because im afraid of this unknown feeling na naramdaman ko at hanggang ngayon ay nararamdaman ko parin. This feeling na naeexcite ako sa isiping makikita ko siyae uli at masaya ako na sinabi niyang mahal niya ako. Natatakot ako dahil baka paghinayaan kong lumala ang feeling na to ay maranasan ko uli ang rejection.

Yes I know that it shows that i'm a coward but is it wrong to protect your heart from another heartache? Tama na munang si papa lang ang nakakapanakit ng puso ko. It is still vulnerable but I know na later on magiging handa na rin akong tumanggap ng pagmamahal ng isang lalaki at magagantihan ko rin iyon ng pagmamahal. At kung totoo man ang sinabi ni Gian na makapaghihintay siya, siya ang una kong pagkakatiwalaan ng puso ko.

"Good morning Ana. Musta ang weekend?"

Nandito na pala ako sa harap ng classroom namin ni hindi ko manlang namalayan dahil sa pag-iisip..

" Ok lang Deb. Wala namang exciting na nangyari. Pero dun kasi ako natulog kina Karen after ng party kaya nakapagbonding kami ni Karen kinabukasan. Ikaw, kamusta?"

Walang nakakaalam sa pagtatapat ni Gian sa akin nung Friday night kasi pagkatapos ng pangyayaring yun eh pumasok na ako muli sa bahay nila at iniwasan ko na rin muna si Gian dahil hindi ko alam kung papaano sa pakikiharapan. Ang pinagtataka ko lang eh hindi nang-intriga si Karen kung saan kami nanggaling ni Gian. 

"Haaayyy..badtrip ang weekend ko dahil hindi ko manlang nasulyapan ang crush ko nang dalawang araw....huhuhuhu..."

"hahahah...adik ka na talaga Deb dun sa crush mo. Uy..teka lang Deb may kakausapin lang ako." Nagpaalam lang ako kay Debbie dahil nakita ko ang isang kaklase ko sa isang subject na may group reporting kami. Irregular student kasi siya kaya ang hirap hagilapin kung kailangan mo siya. Hinabol ko naman at nauna ng pumasok si Debbie sa classroom. Tinawag ko siya pero hindi niya ata narinig at ang bilis niyang maglakad dahil bigla nalang siyang nawala sa paningin ko kaya't bumalik nalang ako sa classroom.

"Gian ba't ang aga mong pumasok ngayon ah. Ay palagi ka pa lang maaga dahil kay ..ahham..Ana....eeeiiiittt...hahahah..namumula siya...."

.dugdug.dugdug.dugdug..

Shots...ano ba tong puso ko parang lalabas na sa katawan ko. Papasok pa lang sana ako sa classroom pero yan na ang narinig kong sinabi ni Debbie kay Gian. 

Totoo kayang ako ang dahilan kung bakit palaging maaga si Gian pumunta sa school? Pero paano naman nasabi ni Debbie yun? Alam niya ba na may feelings si Gian para sakin? Kung alam niya, sino pa kayang nakakaalam? Si Karen? Pati na ang buong barkada?

Ang daming tanong sa isip ko at sumabay pa tong malakas na pintig nang puso ko. Ano na ba tong nangyayari sa akin.

"Eh alam mo naman pala. Tumigil ka na nga Deb sa panunukso mo. Mamaya biglang may pumasok dito at marinig yang sinasabi mo...nakuuu lagot ka sakin." saway ni Gian kay Debbie.

Late na Gian. Narinig ko na lahat at ang epekto nito sa puso ko, GRABEH.....hindi ko maintindihan PROMISE.

"Speaking of Ana pala. Nandito na siya kanina. Nakasabay ko pa nga siya papunta dito eh pero may nakita atang kakilala kaya't pinauna niya na ako dito. Naku Gian baka crush niya yun. Kaya't bilis-bilisan mo nang manligaw. Hala ka baka maunahan ka pa ng iba."

"Uuuuyyy wag naman ganyan. Hindi ko hahayang maunahan pa ako ng iba kaya nga sisimulan ko na..."

"Uy Ana ba't hindi ka pa pumapasok? Tara na." PATAY...bigla nalang akong hinila ni Karen papasok sa classroom kaya't pagpasok ko eh nakita kong ang pula-pula na ng mukha ni Gian at ang nigsi naman ni Debbie eh umaabot na sa tenga niya.

Ako naman...kung hindi siguro kasing pula eh higit pa ang pagkapula ng mukha ko kaysa kay Gian. Nahuli akong nakikinig sa usapan nila.huhuhuhuh..Pahamak kasi si Karen.

"Uy good morning sa inyo. Kamusta life?"

Hanep talaga si Karen. Hindi niya ba napansin na ang tahimik namin? 

Spell AWKWARD...kami yun ni Gian. Ni hindi ko nga siya matingnan sa mata. Ewan ko ba kung bakit ako nahihiya. Ganito ba talaga ang feeling pag alam mong may feelings ang isang tao para sayo romantically?

Ang awkward talaga super!!!!!!!

"uuuhhhmmm. Ok naman Karen. Gwapo pa rin naman ako." Mukhang nakabawi na si Gian kaya't nakuha na niyang magbiro kay Karen. 

"aahhh...ano yun? Torpe ka parin? Kung ganon tama ka nga!" Shots. Si Karen talaga mas dinagdagan pa ang awkwardness na nararamdaman ko.

"Uy hindi na ah.." Depensa naman ni Gian.

"Sige nga patunayan mo?" Hamon pa ni Karen kay Gian.

At etong si Gian naman, bigla ba namang naglabas nang tatlong rosas mula sa ilalim ng desk niya at inilahad sa akin na nananahimik lang. Ano siya boyscout? Laging handa?

"aaayyyyiiiieeeehhh!!!!!!" Grabeng sigawan at tukso naman ang nagmula kina Debbie at mula sa mga classmates namin na hindi ko namalayan eh nasa loob na pala ng classroom. 

"aahhh,,,,A-ana. P-para sayo pala. G-good morning." Nauutal pa ay namumulang sabi ni Gian sakin.

At ako? Anong nangyari sakin? Ayun nahimatay at hindi na nagising pang muli!!! JOKE! Eto mas mapula pa ang pisngi ko siguro kaysa kay Gian. 

Shocks! First time kong maranasan ang mabigyan ng flowers at sa harap pa ng marami. Anong gagawain ko? Na stock na ako sa pwesto ko at hindi ko magalaw ang braso ko para sana kunin ang bulaklak na binibigay ni Gian.

_____________________________________________________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Love a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon