Chapter Thirteen

127 2 0
                                    

Chapter Thirteen

Ana's POV

Nandito pa rin kami ngayon sa bahay nina Gian. Hindi pa kasi tapos ang party eh.

"guys cr muna ako ha."-Karen

"eh alam mo naman ba kung saan ang cr?"- Ken

Nandito din pala si Ken, ang bestfriend ni Gian. Medyo close din siya samin dahil naging classmate din kasi namin siya nung first year.

"syempre hindi ko alam. Ako ba may-ari ng bahay?" ganti ni Karen.

"hali ka na nga Karen. Alam ko kung saan ang cr."

"ayyyieeehhh...Ana ha! Pano mo nalaman kung saan ang cr? Palagi ka bang dinadala ni Gian dito?!"

Haayyy si Karen talaga di maalis sa sistema niya ang mang-asar.

Paaakkkk....

"aray bat ka nambabatok?"

Haha...buti nga. Kung anu-ano kasi ang sinasabi eh.

"hoy bruha! Syempre alam ko. Nakapunta na kaya ako dito kasama ka pa nga tsaka si Jared."

"ay oo nga pala. Heheheh.... Eh bakit close kayo ni tita tsaka ni tito?"

"ewan ko nga rin eh. Ang weird nga nila. Yaan mo na mababait lang talaga siguro sila."

"pero parang hindi eh. Iba talaga.!"

"haaayyy...akala ko ba magc-cr ka? Tara na!"

Hinila ko na nga kung anu-ano pa kasi ang iniisip eh.

Natatandaan ko pa naman talaga kung saan ang cr nila dito kasi medyo matandain ako sa mga lugar.

Ang hindi ko lang matiyak eh kung saan ako lulugar sa buhay ng papa ko. :-(

"oh dito na ang cr. Hintayin nalang kita dun oh ha!"

Tinuro ko ang part ng bahay kung saan may grand piano. Wow ang yaman talaga nina Gian.

"o sige Ana. Wag kang aalis dun ha."

"sige. Basta bilisan mo ha!"

Nang makapasok na si Karen sa cr ay pumunta naman ako dun sa may piano.

Ang totoo, marunong din akong mag piano. Ako nga lang ang nakakaalam at ang music teacher namin nung high school.

Balak ko sanang ipagmalaki yun kina mama kaya lang nung mga time nayun medyo maraming problema at hindi mo makausap ng maayos si mama. Nakalimutan ko na ngang banggitin pagkalipas ng problema.

Ano bang magagawa kung marunong akong mag piano?

At binalak ko ring ipakita sa papa ko baka sakaling tanggapin niya ako pero hindi naman ako nabigyan ng pagkakataon.

Makausap nga lang siya pahirapan pa at palaging nauuwi sa pag-iyak ko.

"oh welcome Mr. Lim. Thank you for coming to my party."

Narinig kong binati ni Tito Ricardo. Pero hindi ko makita kung sino dahil nakatalikod ako sa kanila.

Mr. Lim? Hindi kaya si papa yun?

Hindi naman imposible yun dahil nasa iisang mundo lang naman gumagalaw ang pamilyang Sy at Lim.

Sa business world.

Kung mga hotels ang negosyo nina Gian, ang kay papa naman ay isang advertising company.

Ang Lim Advertising. Ang nangungunang advertising company sa Pilipinas.

To Love a Broken Hearted GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon