Chapter Two
Gian's POV
Haay...natapos rin sa wakas ang klase namin sa filipino. Bad trip kasi ang teacher namin e. Parang laging may pms eh pang menopausal na nga ang itsura. Hahahahah. Ang sama ko diba? Pero totoo naman eh.
Paglabas namin sa classroom ay kanya kanya kaming backstab sa teacher namin. Sana nga lang madapa siya..heheh
Napatingin naman ulit ako kay Ana. Kausap niya sina Debbie, Loraine at iba pa naming kaklase. Sigurado akong si miss filipino ang pinag uusapan nila. Nakasimangot kasi si Ana dahil badtrip din siya sa teacher namin.
Ang ganda niya talaga. Mapupula ang medyo pouty niyang labi. Ang tangos nang ilong niya na napapagitnaan ng magaganda niyang mga mata na may mahahabang pilikmata. May dimples din siya na ang cute tingnan lalo na pagngumungiti siya. Kaya lng, walang kislap ang kanyang mga mata. Malungkot, walang kasayahang makikita sa kanyang mga mata. Sana dumating ang panahon na makita kong kumislap ang kanyang mga mata at sana ako rin ang maging dahilan nang pagkislap nun.
"Ang aga pa Ana, san tayo ngayon?"tanong ni Debbie kay Ana.
Bigla naman akong napangiti. Sasama ako sa kanila para makasama ko rin si Ana. Kaya lang ang sagot ni Ana,"pasensya na guys...uuwi na kasi ako eh. Alam niu namang madami pa akong gagawin sa bahay. Medyo masama pakiramdam ni mama kanina eh. Sa susunod nalang." haaay, anu pa nga ba ang aasahan mu kay Ana. Maganda, matalino, mabait at responsableng ate at anak pa. Kaya nga lang ulit....
....hindi niya alam yun.
"ganon bah Ana? O sige uuwi na rin lang din ako. Sabay tayo ha." sabi no Loraine kay Ana. Isang ruta nang jeep lang kasi sila eh kaya lang mas malayo ang bahay nina Ana. "o sige Loraine. O panu Debbie mauuna na kmi ni Loraine..babye...ingat kayo ha".
Napatingin sila sakin. Bigla namang bumilis ang tibok nang puso ko nang ngumiti si Ana. Ang cute talaga ng dimples niya. Heheheh. Nagbabye din sila sakin at umuwi na. Sinundan ko nalng sila nang tingin.
"Hoy..."bigla namang sigaw ni Ken sakin.
Nagulat naman ako dahil nakatanaw parin ako kina Ana at hindi ko siya napansin. Tiningnan niya kung sino ang tinitingnan ko at nakita niya ang nakatalikod nang sina Ana at napailing nalang siya. Alam niya na mahal ko si Ana. Si Ken kasi ang bestfriend ko mula highskul kaya lahat sinasabi namn sa isat isa.
"Sabihin mu na kasi pare. Hindi ganyang para kang bata na tinitingnan ang laruang gusto niya kaya lang hindi binili nang mama niya." sabi ni Ken na kung makadescribe wagas. Bata talaga?!hahahah.
"Alam mo naman kung bakit di ko masabi sabi sa kanya diba?" sagot ko naman sa kanya. "ay oo nga pala. Dahil nga broken hearted siya. Ang hirap nang sitwasyon mo pare".
Tama nga si Ken. Ang hirap magmahal nang babaeng broken hearted. Lalo nat hindi naman pag ibig mula sa lalaki lang ang dumurog nang puso nang babaeng mahal mo. "tara na nga. Huwag muna nating problemahin ang lovelife ko. Kain muna tayo nagugutom na ako eh" yaya ko kay Ken. Masyado na kasing nagiging dibdiban ang usapan namin.
Ana Lizares's POV
Hello po. Ako po si Ana Lizares. 2nd year college student taking up commerce in St. Anne's University. Isa lang po akong simpleng babae at estudyante. Hindi maganda pero hindi din naman pangit. Hindi matalino pero hindi din naman bobo. Hindi mayaman pero hindi din naman dukha. Simple nga diba?!.. Kaya lang marami akong problema at yang mga boys nayan ay pampadagdag lang. Kaya nga hindi pako nagkaka boyfriend simula nang akoy isilang sa mundong ito at wla rin akong planong magboyfriend. Ako kasi ang magpapauso ng NBSBTD. No boyfriend since birth TILL DEATH (^_^v)...o diba ang ganda. Heheh.
Tutal wla rin namang magkakagusto sa akin eh. Sarili ko ngang ama hindi ako tanggap, sino pa kaya ang makakatanggap sa akin?:'(
Pauwi na ako ngayon kasama si Loraine. Tapos na kasi ang klase namin ngayong araw. Kaya lang bad trip eh. Ang filipino teacher kasi naman parang bipolar, maganda ang mood pag pasok at lalabas nang nakabusangot. Kung minsan naman nakabusangot pagpasok bigla namang ngingiti paglabas. O diba?!..san kapa?..heheheh.
At yun nga, pauwi na kmi ni Loraine at habang nasa sasakyan ay unti-unti ko nang nararamdaman ang mabigat ba pakiramdam kapag pauwi na ako. Parang bigla nalang may dadagan sa balikat ko na napakabigat. Marahil ay dahil ito sa responsibilidad na naghihintay sa akin sa bahay bilang ate at anak.
"O Ana dito na ako bababa. Ingat ka ha" paalam ni Loraine sa akin dahil bababa na siya.
"Sige Loraine, ingat ka ha at wag mong kalimutan ang assignment natin bukas sa accounting ha!" paalam ko rin kay Loraine. Naiwan na akong mag isa sa jeep dahil malayo layo pa ang bahay namin. At kapag ganitong nag iisa ako at walang nakausap ay naalala ko na naman ang mga problema ko. Haaaay:-(
Sana pagdating ko sa bahay, walang world war to the nth power. Parati nalang kasing yun ang naabutan ko eh. Memorize ko na nga ang pinag aawayan ng parents ko.
Nga pala step father ko lang po ang tumatayong ama ko. Diba nga kasi hindi ako tanggap nang ama ko. Ewan ko lang kung bakit. Marahil ay dahil hindi naman talaga ako katanggap tanggap maging anak. Kaya nga pinagbubutihan ko ang lahat nang mga ginagawa ko. Malayo man ako sa pagiging perfect, maging katanggap-tanggap man lamang ako sa mama ko. Dahil pag siya i-reject din ako, bala hindi na kayanin nang puso't isip ko.
(A/n: bakit kaya broken hearted si Ana.....haaaay....ang hirap nang sitwasyon ni Gian noh?)
pls comment;-)
BINABASA MO ANG
To Love a Broken Hearted Girl
Historia CortaGian Sy, gwapo, matalino, mayaman. Almost perfect na diba? Kaya lang ang malas naman niya dahil HE'S INLOVE!..... Malas ba ang mainlove? Sa kanya oo dahil he's inlove with a broken hearted girl named Ana. Will his love mend Ana's broken heart? Or w...