Chapter Seven
Ana's POV
Nang medyo tumigil na ako sa kaiiyak ay kumalas naman ako kay Gian.
Nakakahiya sa kanya. Bigla bigla nalang akong nangyayakap.
Pero ang bango niya GRABEH.
Ay anubayen kakaiyak ko lang lumandi agad ako. Syusko....
Pero ang sakit talaga ng nararamdaman ko ngayon.
Paulit ulit ko nalang bang mararanasan toh?
Palagi nalang ba akong iiyak tuwing makakausap ko siya.
Ang sakit talaga ng puso ko.
"Ok ka na ba Ana?"
"Magsisinungaling ako kung sasabihin kung oo pero pipilitin kung maging ok."
"Pwede ko bang malaman kung anong nangyari?..pero kung gusto mo lang naman. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo."
Nginitian ko lang siya. Siguro hindi naman masama kung may mapaglalabasan ako ng nararamdaman ko.
Mabait naman si Gian eh.
FLASHBACK
Nagpaalam ako kina Gian na may pupuntahan akong clasmate nung hiskul.
Pero ang totoo nakita ko ang papa ko na nag jojogging.
Alam ko para na akong tanga na lumalapit parin sa kanya kahit ilang bese niya akong ipagtabuyan.
Pero anu bang magagawa ko?
Gusto kong maranasan ang pagmamahal ng tunay kong ama.
Gusto ko siyang makilala.
Gusto kong malaman kung ano ang paborito niyang pagkain. Kung ano ang gusto niyang sports. Kung may parehas ba kaming hilig.
Gusto kong malaman lahat yun. Kaya kahit magmukha akong tanga kakahabol sa atensyon niya ok lang. Maramdaman ko lang na may ama ako.
May iba na rin siyang pamilya.
Pero masama bang humingi nang konting oras mula sa kanya?
Hinabol ko siya habang nagjojogging parin siya.
"Papa!"tawag ko sa kanya.
Hindi siya lumilingon. Akala niya siguro ibang tao dahil puro naman lalaki ang dalawang anak niya na mas nakababata sa akin.
Bali ako ang panganay na anak ng papa at mama ko. Kaya lang ako lang ang walang buong pamilya.:-(
Dahil hindi niya ako pinansin ay binilisan ko nalang ang takbo at nilagpasan siya para maharangan ang dadaanan niya.
"Papa"
Nagulat siya pagkakita niya sakin pero agad din namang naglaho ang emosyon sa mukha niya at tiningnan ako ng malamig.
Tiningnan niya ako na parang ipis sa kinakain niyang sopas. :-(
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? Pera?..magkano?"
'Ikaw papa..ikaw ang kailangan ko! Bakit ba hindi mo manlang ako mabigyan ng konting panahon?..nang konting pagmamahal?'..piping sigaw ng puso ko.
Ang sakit sakit talaga. Parang sasabog ang puso ko sa sakit.
"Wala papa. Gusto lang kitang batiin. Nakita kasi kitang nagjojogging kaya hinabol kita. Nandito ako kasi gumawa kami ng---..."
"Wala ka bang importanteng sabihin? Sinasayang mo ang oras ko. Kailangan ko ng umalis"
BINABASA MO ANG
To Love a Broken Hearted Girl
Historia CortaGian Sy, gwapo, matalino, mayaman. Almost perfect na diba? Kaya lang ang malas naman niya dahil HE'S INLOVE!..... Malas ba ang mainlove? Sa kanya oo dahil he's inlove with a broken hearted girl named Ana. Will his love mend Ana's broken heart? Or w...