"Eline, enroll ka na ba?"
"Nope! Huwag na muna nating pag-usapan ang tungkol diyan. Mayroon pa tayong ilang linggo para sa bakasyon. Hindi ko alam kung paano ako mag s-start, new school kasi."
"Sus! Kaya mo 'yan, tsaka new journey na rin, ganoon."
"Yes, kakayanin. Medyo maninibago lang kasi hindi na kayo 'yong makikita ko sa classroom," bahagya akong tumawa.
Kausap ko ang mga class officers noong grade 10 at mayroon lang kaming napag-usapan hanggang sa usapang ito na kami napadpad.
"Ate?" Narinig ko ang boses ng aking kapatid mula sa pintuan.
In-off ko muna ang aking mic. "Wait lang, bunso. Palabas na si Ate."
In-on ko ulit ito para makapagpaalam.
"Uy, thank you sa mga goodluck niyo. Goodluck din sa inyo. Kakayanin natin ang new journey natin. I know that we can finish this. Goodluck guys on your studies. Try your best, and have a best luck! I need to go na, thank you for spending time with me!" Pagpapaalam ko sa kanila dahil ayaw kong paghintayin ang aking kapatid.
Pagkaalis ko sa aming call ay tumayo na ako apra puntahan ang aking kapatid. Hindi siya pumapasok sa kwarto ko kahit na naka-katok na siya. Lalo na kapag mayroon akonv kausap.
This is my last dinner with my family. Bubukod na ako dahil hindi na ako rito sa probinsya mag-aaral. They assured first na kaya ko na talaga.
I'm independent naman. Minsan tatanga-tanga lang.
"Hi, baby!" Kinarga ko ang aking kapatid.
Hindi naman sa taas ang aking kwarto, kaya kahit 4 years old pa lang siya ay kaya na niyang kumatok sa kwarto ko. Hindi 'yong katok na parang maninira ng pinto.
"Anak, halika na, kumain na tayo. Ayos na iyong pagkain natin."
"Sige po, Ma."
"Hi ma, pa. Magandang gabi po."
"Good evening, anak. What time will you go?"
"Kahit mamaya-maya po, pa. Kasama po ba sina Mama at Erina?"
"Aba'y oo naman, anak! Matagal kang mawawala. Ang layo ng Manila. Hindi naman namin maiwan ang trabaho namin dito sa probinsya. Pero makakapagkita naman tayo sa Manila kung mayroong mga projects."
"Kaya nga po. Pero wala namang choice at ayaw ko na rin dito mag senior high at college."
"Mahirap, anak. Tsaka, wala namang masama kung gustuhin mong lumayo para mag-aral. At least magkakaroon ka ng oras para sa sarili mo. Tsaka maraming opportunities sa Manila, malay mo! Pero hindi kita prine-pressure, anak, ha? Kung hanggang saan ang kaya? Huwag pilitin ang hindi kaya."
"Oh siya, siya. Kumain na tayo para makapag-gayak ka na."
Habang kumakain ay binusog nila ako da mga advices para sa sarili ko. Kung saan daw ako masaya, ay sundin ko lang iyon.
Mama said "It's not bad to choose your happiness. Don't be ever conscious to choose the path where you can be happy."
At palagi iyonh nakatatak sa isip ko. Hinatid nila ako sa condo kung saan ako tutuloy. Malapit lang naman ito sa University na papasukan ko kaya mas maganda. Pero hindi namna ganoon kalapit!
Dahil sa pagod sa biyahe at paglilipat ay nakatulog na rin ako.
Kinabukasan ay namili rin ako ng mga gamit para sa condo at mga pagkain ko.
Bumili ako ng study table na plain white, then lamp and led lights. Maraming lamp ang binili ko. For study table, then 'yong lamp na tinatapat sa ceiling then mayroong mga stars and moon. Then 'yong isa ay lamp na makulay na para lang ring led lights.
Gusto ko ay dim lang ang ilaw ko sa kwarto para ganahan. Pero marami pa rin akong biniling ilaw, narerelax kasi ako kapag maganda ang view.
Samahan pa na kapag gabi. Habang nakabukas mga ilaw ko, nakahawi iyong curtain. So I can clearly see the City lights.
Ang relaxing no'n! Naiisip ko pa lamang! Habang gumagawa ng mga research, activities sa school ay kahit stress ka na, nakakapag-relax ka pa rin kapag inalis mo ang tingin sa laptop at Ipad na ginagamit ko sa pag-aaral.
Nakakagana kaya mag-aral o gumawa ng mga gawain kapag nakakarelax iyong place.
Bumili ako noong mga fairy lights then 'yong butterflies. Mayroon akong biniling mga pansipit. Para doon ko ilalagay 'yong mga pictures galing sa instax or camera.
Sinulit ko ang bakasyon sa paglilinis at pag-aayos ng bahay bago ako mag-enroll.
Mahaba ang pila kaya ako'y naiinitan na, duamgdag pa ang pagiging crowded kaya mas mainit.
Nilibang ko na lang ang pagtitingin-tingin sa paligid ko habang naghihintay.
Until someone caught my attention. He's handsome as hell! I think he's 6'4? Or 6'3? Basta matangkad siya. Ang ganda pa ng kaniyang panga. Wearing a glasses.
May pake kaya ito sa acads?
BINABASA MO ANG
Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)
Teen Fiction[C O M P L E T E D] Eline Viera came from a simple family. She's known as consistent honor student. She's almost perfect. People expect too much from her. People look her up. Halos nasa kaniya na ang lahat, pero ang tingin niya sa kaniyang sarili a...