Chapter 2

409 12 0
                                    

Pagkatapos noong kahihiyang ginawa ko, pinagdasal ko na sana ay hindi ko na makita si Kuya sa campus, dahil malaki naman iyon.

Magkaiba ang building ng Grade 11 at Grade 12, pero magkalapit lang rin naman halos ng building.

Third floor daw ang room ko. STEM-A.

Bale nakahilera kasi bawat floors ang mga strand. Sa baba ay mga labs, offices, then sa 2nd floor ay ABM-11, sa 3rd floor ay STEM-11, HUMSS-11 ay 4th floor, 5th floor ay GAS-11 at TVL-11. Ang GAS ay nandoon sa kadugtong na building namin. Pero 5th floor pa rin.

Mayroon namang Elevator, pero may hagdan pa rin. Depende na lang sa'yo kung paano ka aakyat sa room mo.

Hindi na naman problema ang akyat baba ng mga students para sa recess or lunch.

Mayroon namang canteens sa bawat floors. It still Depends talaga sa'yo kung gusto mong bumaba sa main cafeteria.

Ang skirt namin ay Checkered na mayroong brown, black, beige,white and iba pang mga neutral colors. Ang top namin ay plain na color white, then sa left side nakalagay ang logo ng school namin.

Then mayroon pa kaming coat, tan naman ang shade no'n. May maliit din na tatak ng logo room. Then naka depende sa strand mo kung ano ang kulay ng pin na ilalagay sa coat.

Since ang strand ko ay stem, mayroon akong red na pin, then nakasaulat sa pin ay '11 STEM-A'. Nagpa-picture na rin ako para sa ID, sinuot ko 'yong uniform.

No ID, no Entry kasi. Sa lahat naman yata.

Sa amin kasi ay need pang i-tap 'yong ID para makapasok ka ng gate. Then para makaakyat ka ng Building mo, need mo pa i-scan 'yong ID mo. Attendance na rin.

After kong asikasuhin ang mga kailangan ko, pumunta ako sa mall.

Kulang pa ang mga gamit ko sa Condo at may mga gusto pa akong bilhin. Pero syempre, iyong mga kailangan na lang muna ang bibilhin ko.

Bumili ako ng mga lagayan ko ng libro then mga lagayan ng pens ko and highlighter. Though may drawer naman na ako para ro'n, bibili pa rin ako. Kasi mas gusto kong organize.

Mas nakakaganda kasing mag-aral kapag maganda at organize 'yong desk or 'yung place kung saan ka mag-aaral.

Nakakagana lalo. Lalo na kung maganda 'yong view. Kaya nga nilagay ko 'yong desk ko sa may bintana para roon na ako mag-aaral. Hahawiin ko lang 'yong kurtina then kita ko na 'yong city lights.

Commute lang naman ako kaya hindi ganoon karami mga pinapamili ko. 'Yong mga mararami at mga malalaking gamit ay kasama ko pa sina Mama mamili.

Hindi na naman kaso ang mga pagkain ko, dahil mayroong mga malalapit na bilihan ng mga pagkain sa area ko.

Inayos ko lang 'yong condo and dinagdah ko 'yung mga pinamili ko, bago ko napagdesisyunang mag-coffee.

Mahirap lang na walang sasakyan, dahil mahal ang pamasahe and mahirap mag-commute kapag may mga place ka na gustong puntahan.

Mahirap mamuhay mag-isa, especially kapag malalayo sa'yo mga magulang mo. Pero for me, ito na 'yong practice ko at simula ng reality.

I will stand now with my own, this journey will help me to be more independent.

And sa future, alam ko na ang gagawin ko at hindi na ako mahihirapan dahil may karanasan na ako.

Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon