Wala akong ginawa kundi umiyak nang umiyak. Hindi ko matanggap.
Huling gabi na ngayon kaya mas dumami ang mga tao. Nanghihina ako habang inaalok sila ng mga makakain.
Halos mga ka-trabaho nina Mama at Papa ang mga pumupunta ngayon, pati kagabi.
Wala na akong pakialam kung halatang-halata ang pagiging paga ng mga mata ko. Wala na akong pakialam kung maputlang-maputla na ako sa paningin ng mga tao.
Mabuti at mayroong kwarto dito. Pagka-pasok mo sa pinto ay kusina ang bubungad sa'yo. May dalawa pang pinto. Sa left ay banyo, tapos sa right ay kwarto. Doon ako madalas nag bre-breakdown.
Umuuwi lang ako sa bahay kapag maliligo o hindi kaya'y kukuha ng gamit.
Bukas nang umaga, may misa, pagkatapos noon ay i-uuwi na namin sila.
Ang sakit isipin na kasama mo nga sila umuwi, pero tanging mga abo na lang nila ang kasama mo.
Umupo ako at tinanaw ang dalawang nakapatong na Urn.
Mapait akong ngumiti. Hanggang sa muling pagkikita, Mama at Papa. Mahal na mahal ko kayo.
Katabi ko si Fraze nang i-play ang memorial video. Nanginginig ang kamay ko habang siya ay hawak ang kamay ko. Tila ba'y ayaw niyang bitawan.
Sa unang picture, bumungad ang masaya naming Family picture. Maliit pa ako, ganoon din si Ate. Si Mama ay buntis kay Erina.
Sa sumunod na picture, kumpleto na kami. Si Erina, si Ate, at Ako. Sina Mama at Papa ay nakatingin lang sa amin habang naka-ngiti.
Ang sumunod na slide ay video.
"There's my daughter and my wife. I'm so proud of you, Ate Veronica. You're finally graduated! She's the Valedictorian and she graduated with Latin Honors, Magna Cum Laude."
Nilingon ko si Ate sa kanyang pwesto. Pulang-pula na rin ang kanyang mga mata.
Sa sumunod na clip ay graduation ko naman. Graduation ko noong senior highschool.
"Ate Eline's graduation. Proud parents here! She graduated senior highschool. She's the Class Valedictorian."
Sunod-sunod tumulo ang mga luha ko. It's hard to accept the fact that all of that were just memories. A memories that I will never ever forget. That memories will just remain in my heart. Because that's the only memories I can keep. Hindi na 'yon madadagdagan pa.
Durog na durog ang puso ko habang pinapanood ang mga pictures na lumalabas sa screen.
Sobrang naninikip ang dibdib ko. Hindi ko kayang tanggapin na hindi ko na sila makakasama, na hanggang mga litrato at mga video ko na lang muling masisilayan ang kanilang mukha, sa video ko na lang maririnig ang kanilang mga boses.
Pinapunta ko muna si Fraze sa Mommy niya. Kailangan din siya ni Tita. Kaya ko naman. Lumapit sa akin si Rai pero tumango lang ako sa kanya.
Pumunta ako kay Ate at Erina para damayan sila. Niyakap ko sila nang mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Para malaman nilang nandito pa ako para damayan sila.
Pumunta sa akin si Bianca at Sandra para damayan ako. Inihahanda ko ang sarili ko para sa Eulogy.
Ito ang pinakang ayaw ko sa lahat. Ayos lang sa'kin ang ibang mga message. Pero hindi 'yong ganito.
Ang hirap. Sobrang hirap. Hindi ko alam kung kailan matatapos ang sakit na nararamdaman ko. Ang bigat sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung maalis pa.
"Hello, everyone, b-before I start, I would like to apologize first a-about my voice," nanginginig na ang boses ko. "Mama, you're the one who taught me to be strong. She was an amazing woman, a strong woman indeed. She was the only one who always stays up all night just to listen to my nonsense stories..."
"I-I can still r-remember when I was young," mapait akong ngumiti. "First time ko mag-bake. Mag-isa ako that time. All I wanted was to make her proud of me na I can do it all alone. Pero pumalpak ako that time. Alam kong may mali sa gawa ko, pero she didn't hesitate to taste it. I've already told her that it is not good, but she still ate it. She's proud of me that time, she told me that it's delicious. Same with Papa, sila pa nga umubos," bahagya akong tumawa.
"Supportive sila sa amin. Very supportive. If we made a mistake, they are always help us to make it right..." ngumiti ako. Inaalala ang mga panahong sinusuportahan nila kaming magkakapatid.
"They were my inspiration to continue. To continue walking, to learn, and to be strong."
"They were the one who taught and helped me walk. From the start, they were there to help me get up, to support me. They sacrificed a lot. They did a lot of things, they worked hard just to make us sure that we have a better life. Kahit ikalubog pa nila, gagawin nila ang lahat para lang mai-angat kami."
"Ma, Pa, thank you for e-everything. For everything you've done here. Salamat sa mga ala-alang iniwan niyo sa amin. Thank you for being a good parent to us. Kami naman po ang babawi sa inyo. Pangako po, pagbubutihin ko pa. Thank you for being my inspiration, my shield, my guide, my teacher, my everything and... my angels... Hanggang sa muli po, Mama at Papa. Mahal na mahal ko po kayo. Mananatili at mananatili sa mga puso at isipan ko ang mga pangangaral niyo at lahat ng mga memories natin together. I love you both. I hope, you may now rest. Mahal na mahal ko po kayo."
BINABASA MO ANG
Strive to Aim the Paradise(Arveans Series)
Novela Juvenil[C O M P L E T E D] Eline Viera came from a simple family. She's known as consistent honor student. She's almost perfect. People expect too much from her. People look her up. Halos nasa kaniya na ang lahat, pero ang tingin niya sa kaniyang sarili a...